Monday , December 23 2024

Reggee Bonoan

3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ni Coco, level-up ang kuwento

UMABOT sa mahigit na 42k ang nag-like nang i-post ni Julia Montes sa kanyang Instagram account ang poster ng pelikula ni Coco Martin na 3Pol Trobol:  Huli Ka Balbon na entry ng aktor sa 2019 Metro Manila Film Festival. Matatandaang unang ipinost ni Julia ang larawan ni Coco noong batiin niya ito sa nakaraang kaarawan, Nobyembre 1. Iisa ang nasabi …

Read More »

Wish ni Maja kina Matteo at Sarah — babies agad 

“I ’M super happy and very excited for them lalo na kay Sarah (Geronimo), siyempre discreet lang naman ‘yung friendship namin ni Sarah and super happy for her,” ito ang sagot ni Maja Salvador nang hingan siya ng komento tungkol sa nalalapit na pag-iisandibdib ng kaibigan niya sa ex-boyfriend niyang si Matteo Guidicelli. Tulad ng sinabi ng bidang babae ng …

Read More »

Rambo at Maja sa Canada at Japan magpa-pasko at New Year

Samantala, sa Canada magdiriwang ng Pasko si Maja dahil naroon ang mama niya at kasama niya si Rambo. Sa Japan naman kung nasaan ang pamilya ng boyfriend, nila sasalubungin ang Bagong Taon kasama ang kapatid na lalaki. At sa nalalapit na pagtatapos ng The Killer Bride, nabanggit ng aktres sa ginanap na thanksgiving presscon na abangan ito dahil maraming pasabog …

Read More »

Kitkat, makakasama na ng Dabarkads

MASAYANG ibinalita ni Kitkat Favia na naoperahan na ang daddy niya nitong Sabado dahil hirap maka-ihi. Habang tinitipa namin ang balitang ito ay kinumusta namin ang tatay ng komedyana, ”5AM (Sabado) naoperahan mga before 11AM po lumabas sa recovery room.” Sabay padala ng litrato ni Kitkat na naka thumbs-up ang ama habang nakahiga sa kama ay naka-suwero. Kasalukuyang nasa Bacolod si Kitkat …

Read More »

Sam, nagka-panic attack kay Coco

NAGKUWENTO si Sam Milby ng experience niya habang isinu-shoot nila ang pelikulang 3Pol Trobol:  Huli Ka Balbon na entry ng CCM Films and Productions sa 2019 Metro Manila Film Festival na nagkaroon siya ng panic attack dahil kay Coco Martin. Sabi ni Samuel Lloyd, minemorya niya ang buong script na ibinigay sa kanya tapos hindi naman pala iyon lahat nagamit dahil naiba pagdating sa set. “Actually, first eksena namin as …

Read More »

Catriona Gray, nasa Cornerstone na

“Our journey together starts today! We are very much excited and happy to welcome you to our growing family! We can’t wait to celebrate with our Queen, Miss Universe 2018 @catriona_gray! #CatrionaGray  #MissUniverse2018  #CornerstoneArtist” Ito ang caption ng magandang litrato ni Catriona Gray na ipinost ng Cornerstone sa kanilang Instagram account kahapon ng tanghali. Tinawagan namin ang isa sa executive ng Cornerstone …

Read More »

Xia, posibleng tanghaling best actress

INAMIN ng batang aktres na si Xia Vigor na masuwerte siya dahil napasama siya sa pelikulang Miracle in Cell No.7 ni Aga Muhlach na entry ngayong 2019 Metro Manila Film Festival handog ng Viva Films. Ang It’s Showtime ang nakadiskubre kay Xia bilang si Xiamara Sophia Bernardo Vigor. Sa segment na Mini-Me2 ay ginawa niya si Selena Gomez na ipinanalo nito. Kuwento ni Xia, “I was only five years old hindi po ako ganoon ka-excited sa mga …

Read More »

Bagman 2 ni Arjo, nakabibitin

may maagang regalo ang iWant ngayong holiday season dahil mapapanood na ng libre ang mga Pinoy movie sa streaming service. Sampung iba-ibang pelikula kada linggo ang maaaring i-stream ng iWant users hanggang Enero 5, 2020.  Matatandaang inilunsad bilang bagong streaming platform ito noong Nobyembre 2018. At base sa huling narinig namin, umabot na sa mahigit 30-M ang subscriber ng iWant dahil …

Read More »

Angel, ayaw nagpapakuha ng picture ‘pag tumutulong

PAGDATING sa pagtulong ay hindi matatawaran ang kabayanihan ni Angel Locsin dahil hindi pa nga siya halos nakakapahinga sa biyahe mula Japan ay heto lumipad na naman siya patungong Catarman, Samar na maraming sinirang kabahayan ang bagyong Tisoy at nawalan din ng magpakukunan ng pang-araw-araw na kakainin dahil pati mga alagang hayop ay nawalis. Nitong Disyembre 6 lang dumating si …

Read More »

Meryll at Iza, makakatapat ni Juday sa pagka-best actress

ANG pelikulang Culion ang isa sa hinuhulaang mananalo ng Best Picture sa 2019 Metro Manila Film Festival at mahigpit nitong katunggali ang pelikula ni Judy Ann Santos na Mindanao na nailibot na sa ibang bansa at nagawaran na ng Best Actress award ang aktres sa nakaraang 41st Cairo International Film Festival. Sa pagka-best actress ay sinabing si Juday din ang mahigpit …

Read More »

Pia, naka-move-on agad sa pakikipaghiwalay kay Marlon

ILANG buwan din naming itinago ang balitang ito dahil wala pa kaming go signal mula sa business manager ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na si Rikka Infantado – Fernandez. Nitong Setyembre ay pormal nang naghiwalay sina Pia at boyfriend niyang si Marlon Stockinger na kilalang race-car driver pagkatapos ng tatlong taong relasyon. Tinig ni Rikka sa kabilang linya kahapon, ”oo totoo na!” Ilang beses kasi naming …

Read More »

Angel, mula Japan, lumipad pa-Catarman para muling magbigay-tulong

NAGKAROON na rin ng lakas ng loob si Angel Locsin na i-retweet ang ipinost ng Forbes magazine na kasama ang dalaga sa listahan ng Forbes’ 13th annual Heroes of Philanthropy. Kabilang si Angel sa 30 outstanding altruists sa Asia-Pacific na pawang mga bilyonaryo ang ka-level tulad nina Jack Ma ng Alibaba at Hans Sy ng SM Group. Nahihiya kasing i-post ni ‘Gel ang nasabing tweet kaya ang fiancé niyang si Neil Arce ang …

Read More »

Aswang, nag-iisang Pinoy entry sa Documentary Festival sa Amsterdam

ISA ang pelikulang Aswang na ipinrodyus at idinirehe ni Alyx Ayn Arumpac sa 12 na entry sa International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA) Competition for First Appearance 2019 sa Netherlands. Ang Aswang ay isang co-production ng Pilipinas, France, Norway, Qatar, at Germany. Makakalaban nito ang mga produksiyon galing Spain, Russia, Qatar, Denmark, Brazil, Poland, China, the UK, Serbia, Croatia, Colombia, …

Read More »

Arjo, Best Supporting Actor sa 37 th Luna Awards

PANALO si Arjo Atayde bilang si Biggie Chen sa pelikulang Buy Bust sa nakaraang 37th Luna Awards bilang Best Supporting Actor. Unang pelikula ni Arjo ang Buy Bust na ipinalabas noong 2018 na produced ng Viva Films at idinirehe ni Erik Matti. Mahigit limang minuto lang ang exposure ng aktor sa pelikula ni Anne Curtis pero nakuha niya ang boto ng mga kasamahan niya sa industriya ng pelikula. Hindi naman personal na natanggap ng aktor …

Read More »

Maine, inimbita ang pamilya ni Arjo sa isang dinner

MATITIGIL na siguro ang mga hibanger na supporter ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza na pilit nilang sinasabi na ‘mag-asawa’ na ang dalawa kaya hindi sila naniniwala sa relasyong Arjo Atayde at Maine. Nag-tweet na ang mismong ama ni Alden na si Mr. Richard Faulkerson na walang asawa’t anak ang aktor para matigil na ang lahat dahil pinuputakti …

Read More »

Lovi, may project sa Dreamscape

Lovi Poe

NOON pa nabanggit sa amin ni Deo T. Endrinal, head ng Dreamscape Entertainment at Digital na gusto niyang makatrabaho si Lovi Poe, kaso paano nga namang mangyayari iyon, eh, nasa GMA 7 ang aktres. Noong nauso ang lipatan ng artists sa dalawang networks ay natanong namin si Deo kung sino sa GMA star ang gusto niyang makatrabaho at nabanggit nga …

Read More »

Intalan, balik-TV5; talk-show ibabalik din?

SA mga naka-miss ng Mexican novela ay mapapanood na ito sa TV5 sa 2020 dahil ibabalik na ang entertainment ng nasabing TV network na halos limang taon ding nawala. Puro K-drama na ang napapanood sa ABS-CBN at GMA 7 kaya Mexican novella naman ang Singko para sa mga naka-miss dahil ito naman ang naunang offer noon ng dalawang network bago pa nauso ang Korean telenovela. Sitsit …

Read More »

Raymond, ‘di rin sure sa kanyang gender

SA presscon ng Love is Love ay diretsahang tinanong si Raymond Bagatsing kung straight guy siya o bading. “I don’t know!  Mahirap magsalita ng tapos, eh.  All I know is I appreciate everyone, I appreciate people, human being, feelings, I appreciate love. Matagal ko ng tinatanong ‘yan being an artist kasi I’m very close to a lot of gay people, actually to my bestfriends, I’m very …

Read More »

Unbreakable, blessings sa friendship nina Angelica at Bea

PAGKALIPAS ng 13 years, muling magsasama sa isang pelikula ang magkaibigang tunay na sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban. Ang Unbreakable ay reunion movie ng dalawang aktres na naunang magkatrabaho noong 2006, sa teleseryeng Maging Sino Ka Man at isa si Mae Czarina Cruz-Alviar ang direktor. Kaya natanong sina Bea at Angelica kung ano ang pakiramdam nila ngayong muli silang …

Read More »

Cindy at Rhen, naghawakan ng maseselang parte ng katawan

SAYANG at hindi namin nakausap si Direk Roman Perez, Jr. kung ano ang mas gusto niya, award o kumita ang pelikula niyang ADAN na palabas na ngayong araw nationwide. Alam naman ng lahat na kapag nabigyan ka ng R-16 rating ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ay limitado lang ang makanonood nito, unlike ‘pag PG o …

Read More »

Maine, nakipag-dinner sa pamilya ni Arjo

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Hataw kahapon na biglang umalis si Arjo Atayde pagkatapos ng opening at blessing ng Sylvia Sanchez by Beautederm nitong Linggo, Nobyembre 17 kasi pala sinundo si Maine Mendoza. Nalaman namin ito sa nanay ng aktor noong ka-text namin kinabukasan, Lunes na kaya umalis ang anak ay dahil susunduin ang dalaga. Wala namang binanggit …

Read More »

Maine, isasama ni Arjo sa Dubai para mag-Bagong Taon with Atayde fam; Arjo, tumakas sa opening ng Sylvia Sanchez by Beautederm para makipag-dinner kay Maine

HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa ang loyal supporters nina Alden Richards at Maine Mendoza na sa huli ay sila pa rin at panandalian lang ang relasyon ng dalaga kay Arjo Atayde, base na rin ito sa mga nabasa naming komento sa mga panayam ng huli sa Youtube. As expected, kaliwa’t kanan ang pamba-bash nila kay Arjo pero hindi nagpabaya ang ArMaine Lovers dahil bawat salita mula sa AlDub ay …

Read More »

FAP at FDCP, nagsanib-puwersa para sa Luna Awards

SANIB puwersa ang Film Academy of the Philippines (FAP) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa nalalapit na Luna Awards na itinuturing na Filipinong katapat ng Academy Awards sa Hollywood. Mga kasamahan sa industriya ang boboto sa Luna Awards na sa tingin nila ay karapat-dapat na manalo sa bawat kategorya. Nitong Nobyembre 12, Martes, kinilala ng FDCP at FAP ang 16 pelikula bilang nominado sa ika-37 Luna Awards. …

Read More »

Maricel, sobrang nagalingan kay Arjo; Sylvia, natuwa sa mga papuri sa anak

Maricel Soriano Arjo Atayde Sylvia Sanchez

SA ikalawang season ng Bagman ay muling pinatunayan ni Arjo Atayde ang husay nito bilang aktor. Actually hindi nga siya umaarte dahil mata lang ang pinagagana at boses ay kuha na nito ang mga manonood. Tahimik ang lahat habang nanonood nang tatlong episodes ng Bagman na nagsimulang mapanood kahapon ng tanghali sa iWant. Ang magulang ni Arjo na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez ay tahimik na nanood, pero ang …

Read More »

Rosanna, mas nagalingan kay Arjo kaysa kay Sylvia

Nag-message kami kay Rosanna na kasama rin sa Bagman kung bakit wala siya, “may shooting ako ng ‘Unbreakable,’ big scene.” Sa tanong namin kay Osang kung sino ang mas magaling umarte sa mag-inang Ibyang na kasama niya sa Pamilya Ko o si Arjo na nasa Bagman. “Si Arjo,” mabilis na sagot sa amin. Parehong premyadong aktres na ang nagsabi na mas mahusay nga si Arjo …

Read More »