Tuesday , January 25 2022

Unbreakable, blessings sa friendship nina Angelica at Bea

PAGKALIPAS ng 13 years, muling magsasama sa isang pelikula ang magkaibigang tunay na sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Ang Unbreakable ay reunion movie ng dalawang aktres na naunang magkatrabaho noong 2006, sa teleseryeng Maging Sino Ka Man at isa si Mae Czarina Cruz-Alviar ang direktor.

Kaya natanong sina Bea at Angelica kung ano ang pakiramdam nila ngayong muli silang magkakaharap sa pelikula.

“Puwede bang tanungin n’yo ako next week kung may nararamdaman na ako (hanash), ha, ha ,ha,” birong sabi ni Angelica.

Sabay sabing, “Siyempre masaya, isa siya (Bea) sa pinanonood kong artista lalo na kapag may pelikula siya, gusto kong makita siya lagi sa big screen at ano na naman ‘yung ginawa niyang magic sa big screen, anong talent na naman ang ipinamahagi niya, ang sarap-sarap niyang panoorin kasi magaling siyang artista, nakakapit talaga siya sa role niya simula hanggang matapos sa pelikula.

“Ini-imagine ko na, ‘paano kaya kapag siya na ang katrabaho ko, paano kaya magdwe-dwell kaming dalawa kasi siyempre magkaiba kami ng style, magkaiba kami ng projects na ginagawa. On that note, ‘yun ang interest ko sa part na ‘yun.

“’Yung sa pagkakaibigan, mas malalim siya kasi ang ganda niyong story tungkol siya sa pagkakaibigan, sino pa ba ang magandang magkuwento nito kundi ‘yung may mga pinagsamahan din and ‘yung may mga pinagdaanan in the past at wala rin akong maisip na iba kundi si Bea ‘yung puwedeng mag-portray ng ganoong klaseng role sa pelikulang ito kundi siya. Hindi ko ma-imagine na may iba akong kausap sa pelikula kundi si Bea lang.”

Biro rin ni Bea kay Angelica, “ang bigat ng sinabi mo, mommy akala ko ko walking dead ka.

“Alam mo ‘yung salitang masaya na makatrabaho siya, I think it’s an under statement kasi para sa akin, it’s an honor. Tuwing nag-e-eksena kami, ‘yung mga ipinakikita niya nakagugulat ‘yung ipinakikita niya. Minsan nai-intimidate pa rin ako sa acting niya, iniisip ko, ang suwerte ko naman nakatrabaho ko si Angelica Panganiban.

“I’ve always want to work with her, I’ve seen her most of her films, alam mo ‘yung nagte-textsan kami ng movie reviews sa isa’t isa. At saka kapag siya na ‘yung nag-text, alam mong totoo kasi hindi siya nag-echos na ‘uy ang galing mo riyan,’ so parang nagma-matter sa akin and to be able to do scenes with her, naiisip ko, ‘grabe na-achieve rin namin. Nagkatrabaho rin kami finally.’

“Para sa akin to be able to love somebody who love and who is very passionate about her craft is a big thing for me, kasi ‘di ba ‘pag nag-uusap para kaming may sariling lengguwahe, nagkakaintindihan kami. Ang sarap, ang dali ng trabaho namin.

“And speaking of friendship, ang saya na umabot kami sa ganito, napagdaanan namin ‘yung journey ng pagkakaibigan. I am excited for more, I am excited to know na kapag may pamilya na kami in the future na nag-uusap kami na dapat magkasabay tayong mabubuntis, ha, ha, ha.

“It’s a blessing itong movie because it’s a good movie and It’s a blessing to rekindle my friendship with Angelica.”

Ano ba ang mga dahilan bakit nasisira ang samahan ng magkaibigan?

Sabi ni Bea,”Different reasons po, sometimes friends grow apart, sometimes may factor ng betrayals, sometimes they just want different things in life, siguro po ‘yun ang dahilan kung bakit nagkakahiwalay ang magkaibigan, and also believe that friendship is a commitment and if you commit to being friend with somebody kailangan mo ring panindigan ‘yun thru thick and thin.

Say naman ni Angelica, “Naniniwala naman ako na ang magkaibigan nagkaroon ng falling apart mas madaling ayusin ang mga bagay regardless kung malaki o maliit ‘yung naging problema. I think time will heal naman kahit naman siguro sa boyfriend mo o sa kaibigan mo kapag talagang nagamot mo na ‘yung mga sugat, I thinik kaya mo ng magpatawad and depende na lang sa inyo kung kaya n’yo pang tanggapin ang isa’t isa sa buhay ninyo.”

Base sa kuwento ng cast ng Unbreakable, maganda ang pelikula at nabanggit ni Angelica na sa rami ng pelikulang nagawa na niya ay itong sa kanila ni Bea ang pinakagusto niya. Malaman ang pahayag na ito ng aktres.

Anyway, mapapanood na ang Unbreakable sa Nobyembre 27 nationwide produced ng Star Cinema. Kasama rin sa pelikula sina Richard Gutierrez, Joao Constancia, Anthony Jennings, Ian Veneracion, Via Antonio, PJ Endrinal, Rosanna Roces, at Gloria Diaz.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Andrea Brillantes Seth Fedelin Francine Diaz

Papa O ibinuking daks na alaga ni Seth

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang YouTube video kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, sinabi ni Ogie Diaz na nakarating …

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Leave a Reply