Monday , August 15 2022

FAP at FDCP, nagsanib-puwersa para sa Luna Awards

SANIB puwersa ang Film Academy of the Philippines (FAP) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa nalalapit na Luna Awards na itinuturing na Filipinong katapat ng Academy Awards sa Hollywood.

Mga kasamahan sa industriya ang boboto sa Luna Awards na sa tingin nila ay karapat-dapat na manalo sa bawat kategorya.

Nitong Nobyembre 12, Martes, kinilala ng FDCP at FAP ang 16 pelikula bilang nominado sa ika-37 Luna Awards. Nanguguna ang Signal Rock ni Chito Roño at Liway ni Kip Oebanda na parehong may siyam na nominasyon.

Ang mga nominasyong nakamit ng Signal Rock ay Best Motion Picture, Best Director para kay Roño, Best Actor para kay Christian Bables, Best Supporting Actor para kay Mon Confiado, Best Supporting Actress para kay Daria Ramirez, Best Screenplay para kay Rodolfo Vera, Best Sound para kina Albert Michael Idioma at Alex Tomboc, Best Production Design para kay Mark Sabas, at Best Cinematography para kay Neil Daza.

Napanalunan din ng Signal Rock sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino ang Special Jury Prize, Critics’ Choice, at Best Performance by an Actor para kay Bables.

Ang siyam na nominasyon ng Liway ay sa mga kategoryang Best Motion Picture, Best Director para kay Oebanda, Best Actress para kay Glaiza de Castro, Best Supporting Actor para kay Soliman Cruz, Best Screenplay para kina Oebanda at Zig Dulay, Best Production Design para kay Aped Santos, Best Cinematography para kay Pong Ignacio, Best Musical Score para kay Nhick Ramiro Pacis, at Best Editing para kay Chuck Gutierrez. Napanalunan din ng pelikula ang Audience Award sa Main Competition, Special Jury Commendation, at Special Jury Prize for Acting para kay Kenken Nuyad na gumanap kay Dakip.

Ang iba pang nangunguna para sa Luna Awards ngayong taon ay ang  Buy Bust ni Erik Matti at Goyo: Ang Batang Heneral ni Jerrold Tarog.

Walo ang nominasyon ng Buy Bust, kabilang ang Best Motion Picture, Best Director para kay Matti, at Best Supporting Actor para kay Arjo Atayde.

May walo ring nominasyon ang Goyo: Ang Batang Heneral, tulad ng Best Motion Picture, Best Supporting Actor para kay Carlo Aquino, at Best Supporting Actor para kay Epy Quizon.

Para sa Special Awards, pinili ng Luna Awards Board of Governors ang dalawang yumaong direktor, isang beteranang aktres, at isang tanyag na producer. Sila ay sina Wenn Deramas at Soxie Topacio para sa Lamberto Avellana Memorial Award (Posthumous Award), ang nominado para sa Best Supporting Actress na si Nova Villa para sa Manuel de Leon Exemplary Award, at Lily Monteverde, na mas kilala bilang “Mother Lily” ng Regal Films, para sa Fernando Poe, Jr. (FPJ) Lifetime Achievement Award.

Magtitipon-tipon ang mga natatanging nominado sa Nominees’ Night sa Nobyembre 20, Miyerkoles. Magpapatuloy ang pagdiriwang sa 2019 Luna Awards Night sa Nobyembre 30, Sabado, sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Isa sa mga inaabangan sa Luna Awards Night ang espesyal na segment para sa Sine Sandaan na ukol sa Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino (100 Years of Philippine Cinema). Ito ay ipinagdiriwang mula Setyembre 12, 2019 hanggang Setyembre 11, 2020 ayon sa Proklamasyon ng Pangulo Blg. 622, s. 2018.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …

Valerie Concepcion Family

Anak ni Valerie 17 taon nang ‘di nakikita ang tunay na tatay

MA at PAni Rommel Placente WALANG problema at okey lang kay Valerie Concepcion kahit LDR (long distrance …

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Leave a Reply