Saturday , January 29 2022

Maine, nakipag-dinner sa pamilya ni Arjo

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Hataw kahapon na biglang umalis si Arjo Atayde pagkatapos ng opening at blessing ng Sylvia Sanchez by Beautederm nitong Linggo, Nobyembre 17 kasi pala sinundo si Maine Mendoza.

Nalaman namin ito sa nanay ng aktor noong ka-text namin kinabukasan, Lunes na kaya umalis ang anak ay dahil susunduin ang dalaga.

Wala namang binanggit si Ibyang na makakasama nila si Maine pagkatapos ng event nila sa Beautederm.

At nitong Lunes bandang hapon ay ipinost na ni Sylvia ang litratong kasama nila si Maine sa dinner.

Ang caption ng mga litrato, “Fun dinner last Sunday. Sunday is famday.Love you kiddos.  #family #happiness #blessed #thankuLORD. Happy evening.”

Ano kaya ang komento na naman ng bashers dito, hayan hindi edited, walang filter at ‘yan ang tunay na RESIBO.

Kailangan pa bang i-memorize ‘yan bashers!

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Baguhang poging male star nakatanggap ng malaking offer kay dirty old rich gay

HATAWANni Ed de Leon AKALA namin ay hindi bibigay at talagang matino ang isang baguhang poging …

Gladys Reyes Christopher Rojas

Gladys at Christopher dapat tularan (30 taon ng kasal)

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN mo 30 years na palang kasal sina Gladys Reyes at Christopher Rojas. Teenager …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

Leni Robredo Boy Abunda

Sa interbyu kay Boy Abunda
VP Leni pinuri sa malinaw at matibay niyang plano para sa bansa

UMANI ng papuri si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang artista sa pagprisinta …

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

Leave a Reply