Monday , December 23 2024

Reggee Bonoan

Angel, klinaro na si Sarah; Utang na loob sa GMA, ‘di tinatalikuran

MAGKAHALONG positibo at negatibo ang mga pahayag ni Angel Locsin sa nakaraang protest rally ng mga manggagawa ng ABS-CBN kasama ang ilang artista at supporters na ginanap nitong Sabado sa harap ng Kapamilya Network, Sgt. Esguerra Street, Quezon City.   Positibo dahil for the nth time ay pinasasalamatan ang aktres ng mga empleado ng ABS-CBN dahil sa pagtatanggol at suportang ginagawa nito para sa kanila, …

Read More »

Dugo at tulong, kailangan ng empleadong inatake

ABS-CBN congress kamara

HANGGA’T maaari ay ayaw na naming magbukas ng Facebook account  dahil sobrang depressing ang mga nababasa namin mula sa mga kaibigang nawalan  ng trabaho sa ABS-CBN. Ang kaliwa’t kanang hinaing nila sa gobyerno na nagpasara ng ABS-CBN na pangalawang bahay nila at pinagkukunan nila ng pambuhay sa mga pamilya nila. May mga nag-iiyakan at ang iba ay idinadaan sa social media ang hinagpis nila sa …

Read More »

Ex ni DJ Loonyo, umalma sa maling kuwento: Kailan matatapos pagpapasikat mo

NASA hot seat na naman si DJ Loonyo dahil nag-react ang nanay ng anak niya na si Aika Flores sa life story nitong ipinalabas sa Magpakailanman na taliwas ang ilang eksena na pa-victim ang mahusay na mananayaw. Viral kaagad ang FB post ni Aika na umabot na sa 423 shares, 158k komento, at 416k reactions. Simula ni Aika, ”to RHEMUEL LUNIO aka DJ LOONYO. “MAN! mukang di ko …

Read More »

Angel, sa sobrang sama ng loob—Tayong mga taga-industriya pa rin ang iniwan sa ere 

SA IG post ni Angel Locsin nitong Lunes ng gabi ay ramdam mo sa bawat bitaw niya ng salita ang sama ng loob sa 70 kongresistang bumoto para hindi bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.   Tila nabahiran ito ng personal vendetta.   Naiyak na lang ang aktres kasama ang mga empleado at artista ng Kapamilya Network nang ibaba ang hatol noong Biyernes, Hulyo 10 na sarado …

Read More »

Dimples, inimbitahan para maging hurado sa 2020 International Emmy Awards

IPINAGMAMALAKI ni Dimples Romana sa buong mundo na inimbitahan siya para maging isa sa ng hurado ng 2020 International Emmy Awards.   Ang prestigious awards na ito ay ibinibigay taon-taon ng International Academy of Television Arts and Sciences (IATAS) upang bigyang-parangal ang mga TV show na ipinalabas sa labas ng Amerika.   Ginaganap ang International Emmy Awards Gala tuwing November na abot sa mahigit 1,000 television professionals …

Read More »

Naudlot na show ni Kris sa TV5, may kapalit na

BALIK-SOCIAL media na si Kris Aquino pagkalipas lang ng ilang araw at base sa post niyang picture messages ay nagpahiwatig siya sa napurnadang talk show niya sa TV5, ang Love life with Kris na blocktimer produced sana.   Nag-deactivate siya ng social media account niya dahil gusto muna niyang manahimik dahil tiyak na maraming magtatanong sa kanya kung anong nangyari sa project.   Ang picture …

Read More »

Nash Aguas, inireklamo ang 3 linggong pagkatengga sa bundok

PATAPOS na ang taping ng A Soldier’s Heart nina Gerald Anderson, Vin Abrenica, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Yves Flores, Nash Aguas, Carlo Aquino, at Sue Ramirez sa Tanay, Rizal na walang signal kaya hirap silang makontak doon.   Sa pagkakabilang namin ay sumobra ng tatlong linggong lock-in ang buong cast, staff and crew sa location dahil kinailangang tapusin na lahat ng eksena lalo’t hanggang Agosto na lang …

Read More »

Burol ni Kim Idol, dedepende sa resulta ng Covid test

NAKASALALAY sa Covid test result ni Michael Argente o Kim Idol kung ibuburol siya o diretso libing na.   “Hinihintay nila ang letter ng COVID RESULT ni KIM ngayon o bukas, kapag POSITIVE diretso libing (walang cremate na magaganap) kapag NEGATIVE naman maglalaan sila ng SKED sa wake for the FAMILY, CLOSE FRIENDS at FANS. Sa FUNERARIA PILIPINAS malapit sa MAKATI CITY HALL ang …

Read More »

Aljur, walang pakialam sa ABS-CBN; Vin, buo ang suporta

HINDI na ang ABS-CBN Star Magic ang namamahala ng karera ni Vin Abrenica kundi si Arnold L. Vegafria dahil hindi na siya nag-renew o ini-renew ng talent management.   But still, nananatiling Kapamilya pa rin si Vin dahil mahal niya ang ABS-CBN bukod pa sa may teleserye siyang A Soldier’s Heart kasama sina Gerald Anderson, Nash Aguas, Yves Flores, Jerome Ponce, Elmo Magalona, Carlo Aquino, at Sue Ramirez.   Kaya naman abot-abot ang …

Read More »

Paglulunsad ng sariling network ni Vice Ganda, naudlot

Vice Ganda

MATAGAL na kayang pinaghandaan ni Vice Ganda ang pagkakaroon  ng sariling network na The Vice Ganda Network na mapapanood sa online dahil alam niyang malabong mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN? Hindi pa ito inaanunsiyo ng TV host pero nabuking ito dahil sa isang dancer ng Club Mwah na nangangalang  Koko Artadi na screengrab nito ang usapan nila sa kanyang Facebook page nitong Hulyo 8. Kinumusta ni Koko …

Read More »

Maricar ‘di naki-rally, bagkus ipinagdasal ang ABS-CBN

HINDI man sumali sa rally o barikada ng ABS-CBN artists at mga empleado si Maricar Reyes-Poon, nagpahatid naman siya ng suporta’t pasasalamat sa Kapamilya Network dahil alam din namin kung paano siya inalalayan nito noong nagsisimula palang ang karera niya sa showbiz sa teleseryeng I Love Betty La Fea na biglang nasangkot siya sa malaking isyu. Kaya ang post niya sa kanyang Instagram account nitong Sabado ng gabi. “ABSCBN. …

Read More »

Aktres, mainitin ang ulo, kasi buntis pala

blind item woman

TRULILI kaya ang tsikang nakarating sa amin na nasa interesting stage ngayon ang aktres na mainit ngayon sa social media dahil sa isyung kinasangkutan nito.   Mainitin daw ang ulo ngayon ng aktres dahil sa kalagayan niya dahil hindi niya alam kung aaminin o hindi muna dahil nga marami siyang projects.   Hindi lang kami sigurado kung nakasaad sa kontrata niya na …

Read More »

Teri Onor, Super Tekla, Phillip Lazaro, at Ate Gay, humingi ng dasal para sa mabilis na paggaling ni Kim Idol

ISINUGOD si Kim Idol sa Manila Central University Hospital Caloocan City nitong madaling araw ng Huwebes dahil natagpuan siyang walang malay sa kanyang kuwarto sa Philippine Arena pagkatapos mag-perform.   Dahil sarado noong ECQ ang Zirkoh na regular siya bilang stand-up comedian ay naghanap siya ng ibang mapagkakakitaan dahil bread winner siya ng pamilya.   May kaibigan siyang isinama siya bilang encoder ng health …

Read More »

Enchong, magla-lie-low muna sa showbiz; Erich, mahilig kumain ng expired na pagkain

SA tuwing makikita namin noon sina Erich Gonzales at Enchong Dee ay tinutukso namin sila na bakit hindi na lang sila, tutal lagi naman silang nahihiwalay sa kanilang respective partners.   Pero sa kalaunan ay ‘taken’ na si Erich kaya siguro hindi nagpupursige si Enchong o baka kasi ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila kahit na lagi silang lumalabas ng bansa na magkasama.   …

Read More »

Mariel, nadiskubreng pinagtsitsismisan siya ng kanilang mga kasambahay

SA Best Actress Challenge ay ibinuking ni Mariel Rodriguez-Padilla ang ugali niya at kung paano siya makipag-usap sa mga kasama niya sa bahay base sa ipinost niyang video sa Instagram account niya.   Nagpalit sila ng papel ng kasama nila sa bahay na si Erns.   Ang caption ni Mariel, “Mariel is Erns and Erns is Mariel ha ha ha check out my latest vlog! Link is on …

Read More »

Show ni Kris sa TV5, ‘di na tuloy

LAHAT ng kakilala namin sa TV5 ay tinanong na namin tungkol sa tsikang hindi na tuloy ang programang Love Life with Kris ni Kris Aquino na nakatakdang umere sa Hulyo 25, Sabado, 5;00 p.m..   Ang iisang sagoti sa amin, “no idea po, walang binabanggit ang management.”   Dagdag pa, “ang alam lang po namin, hindi na matutuloy ang rebranding ng TV5 as One TV, say’s MVP (Manny …

Read More »

Sharon, pinatawad na ang dating publicist 

NAGBUNGA ang paghingi ng tawad ni Ronald Carballo, dating kaibigang writer at publicist ni Sharon Cuneta noong kabataan niya sa Viva Films, dahil pinatawad na siya ng huli.   Matatandaang siniraan ni Ronald si Sharon sa kanyang Facebook page dala ng galit niya dahil hindi na siya pinapansin ng huli.   Pero pagkalipas ng isang araw ay tinanggal ni Ronald ang mga nasabing post matapos siyang …

Read More »

Ang Probinsyano, Soldier’s Heart, at Love Thy Woman, ‘di totoong pinahinto ang taping

MAY mga pinakakalat na balitang pinahinto na ng ABS-CBN ang tapings ng mga teleserye nila dahil nga limitado na ang pagpapalabas nito dahil sa problema sa prangkisa. Sa madaling salita ay hindi na ito tatapusin. Tulad ng Soldier’s Heart ni Gerald Anderson kasama sina Carlo Aquino, Jerome Ponce, Vin Abrenica, Yves Flores, Elmo Magalona, Nash Aguas, at Sue Ramirez. Ang alam namin ay three weeks’ lock-in ang lahat …

Read More »

Bagong ‘love life’ ni Kris, ibubunyag sa Sabado

DALAWANG linggo na lang at muling mapapanood na sa national television ang pagbabalik ng nag-iisang Queen of Social Media na si Kris Aquino sa bago nitong programang Love Life with Kris sa TV5. Nang ianunsiyo ni Kris na exicted siya dahil pipirma siya ng kontrata kasama ang manager niyang si Erickson Raymundo, Presidente at CEO ng Cornerstone at Jeff Vadillo, Bise Presidente ay natuwa ang netizens dahil finally …

Read More »

Daddy Ernie nina Angelika at Mika, pumanaw na

NGAYONG araw, Lunes ike-cremate ang ama nina Angelika at Mika Dela Cruz na si Daddy Ernie na pumanaw nitong Sabado na ang final findings ay Covid complications. Ang pahayag ni Mommy Angellika Egger nang maka-chat namin kahapon, “Daddy died of COVID complications, there is no burol. He will be cremated tomorrow.” Sa mga nauna naming pag-uusap ng ina ng magkakapatid na Angelika, Erick, at Mika ay hindi Covid …

Read More »

Aiko, bukod-tanging si VG Jay ang ipinakilala at dinala sa bahay ni Sylvia 

DAHIL bawal ang mass gatherings at hindi rin naman puwedeng mag-tsikahan kapag nag-dinner sa restoran kaya sa bahay na lang nagkita ang magkaibigang Sylvia Sanchez at Aiko Melendez.   Kasama ni Aiko na dumalaw kina Sylvia at sa pamilya nito ang boyfriend niyang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun at masayang naikuwento ng una na sa sobrang saya at dami ng napagkuwentuhan nilang magkaibigan ay nakalimutan …

Read More »

1.5-M consumers, apektado sa pagpapatigil sa Sky Cable

HINDING-HINDI namin malilimutan ang petsang Hunyo 30 dahil ito ang ikalawang beses na nabigyan ng cease and desist order (CDO) ang ABS-CBN ng National Telecommunications Commission o NTC para ipahinto ang paggamit ng digital TV transmission sa Metro Manila gamit ang Channel 43.   Wala ang Channel 43 sa CDO ng NTC noong Mayo 5, 2020 kaya sa pagkakaalam ng Kapamilya Network ay hindi ito sakop ng …

Read More »

Regine, Zsa Zsa, Liza nanlumo, desmayado (sa muling pagpapasara at panggigipit sa ABS-CBN) 

“NAKALUHOD na, tinadyakan pa,” ito ang mga nababasa naming komento ng mga sumubaybay sa ginanap na Franchise hearing ng ABS-CBN sa Kongreso nitong mga nakaraang araw.   Tinutukan namin ang hearing nitong Martes na tinalakay ang tungkol sa regularization ng mga empleado, mga isinampang kaso sa labor, at sa isyung hindi pagbabayad ng tamang buwis.   Bilang ordinaryong manonood at hindi miyembro ng …

Read More »

Darna ni Jane, ‘di na tuloy

ANG hinihintay na paglipad ni Jane de Leon bilang si Darna sa pelikula ay hindi na mangyayari dahil balitang shelved na ito na produced ng Star Cinema mula sa direksiyon ni Jerrold Tarog.   ‘Baka naman postponed lang muna kasi abala pa ang ABS-CBN sa kinakaharap nilang franchise at dumagdag pa ang TV plus o black box base sa nakaraang hearing sa Kongreso itong Lunes?’ pahayag namin sa aming source. …

Read More »

Bright Vachirawit at Win Metawin, instant hit sa BL series

GRABE ang BL o Boy’s Love series na usong-uso ngayon dahil halos lahat ito ang laman sa social media tulad nitong 2gether The Series ng Thai actors na sina Bright Vachirawit at Win Metawin na napanood na sa iWant ng libre noong Linggo, Hunyo 29, 10:00 p.m..   Simula noong Pebrero, naging instant hit na ang romance-comedy series sa social media at umani ng maraming Pinoy fans sa …

Read More »