Sunday , April 28 2024

Angel, klinaro na si Sarah; Utang na loob sa GMA, ‘di tinatalikuran

MAGKAHALONG positibo at negatibo ang mga pahayag ni Angel Locsin sa nakaraang protest rally ng mga manggagawa ng ABS-CBN kasama ang ilang artista at supporters na ginanap nitong Sabado sa harap ng Kapamilya Network, Sgt. Esguerra Street, Quezon City.

 

Positibo dahil for the nth time ay pinasasalamatan ang aktres ng mga empleado ng ABS-CBN dahil sa pagtatanggol at suportang ginagawa nito para sa kanila, bukod pa sa mga ginagawang pagtulong sa lahat ng mga nangangailangan hindi lang ngayon kundi sa mga nakalipas na taon.

 

Negatibo naman ang dating sa iba ang ginawang pagtalak ni Angel sa harapan ng ABS-CBN dahil nakaiistorbo raw sa trapik, sabi ng mga gusto lang mag-react at may nagsabing naging ‘diktador’ ang aktres nang balingan niya ang kapwa artistang nanahimik lang at hindi nagpakita ng suporta sa mga taong nawalan ng trabaho.

 

Ngayon dapat ipakita at iparamdam ng mga kapwa niya artista ang suporta nila dahil kung hindi rin sa network at sa mga taong naka-trabaho nila ay hindi gaganda ang buhay nila tulad niya na malaki ang naitulong ng ABS-CBN sa pamilya niya.

 

Pero dahil sa panawagan ni Angel sa kapwa artista ay may agarang aksiyon dahil magkasunod na nag-post ang mag-asawang Matteo at Sarah Guidicelli ng kanilang suporta at nagpasalamat sa ABS-CBN.

 

Kaya tinanong namin ang aktres kung si Sarah Geronimo ang nasa isipan niya noong mga sandaling iyon dahil nataon na ang mga post ng Popstar Royalty sa kanyang IG account ay tungkol sa mga produktong ineendoso at programa niyang The Voice Teens, pero may nakita naman kaming post na faded logo ng ABS-CBN at may nakasulat na ‘lumalaban ng Dasal.’

 

“Nasabi ko na rin po kina Matteo na hindi ko pinariringgan si Sarah bilang kilala naman natin how pure she is. But her statement is greatly appreciated,” sabi ni Angel.

 

Hayan naklaro ng aktres na walang partikular na pangalan dahil nag-react ang supporters ni Sarah na siya raw ang pinatamaan ni Angel.

 

Nasabi rin ni Angel sa protest rally na wala siyang kontrata at shares (stocks) sa ABS-CBN pero nandoon siya para damayan ang lahat at bilang Kapamilya.

 

At dito na nag-react ang GMA 7 creative consultant na si Suzette Doctolero saabay post ng listahan ng stockholder’s ng ABS-CBN sa kanyang FB page.

 

Tinanong namin si Angel tungkol dito at ang sabi niya, “nabasa mo po sagot ni Neil (Arce – fiancé niya), ka-tweet niya si Suzette.”

 

Sagot ni Neil kay Suzette, “Shares were not paid for po, you can check she let that go awhile back. Hindi lang po na update ‘yan (listahan) kasi gusto ng ABS kunin niya però Ayaw niya kunin. You can sue me if I’m lying).  She (Angel) let it go (stocks) before ABS shut down. Anyways, I pray na hindi mangyari sa GMA ang nangyari sa ABS dahil karamihan ng akusasyon sa kanila ay ginagawa din ng GMA at alam naman natin na hindi illegal yun. Don’t worry di kami katulad mo. Pag nangyari sa inyo yun pag lalaban namin kayo.”

 

Ang sagot naman ni Suzette kay Neil, “Why sue u? We all believe sa freedom of expression di b? I’ve no beef with ur jowa, naka-work ko s’ya sa 2 movies and she’s an angel. Nag react lang ako sa “walang wala” bago lumipat sa ABS. Other than that, no ako prob sa laban nya. Its a worthy cause and ur one lucky guy. At siya rin ay maswerte sa’yo kasi pinagtatanggol mo s’ya. And I find that so admirable. Ingat na lang sa statement n’ya. She needs more support for ABS and not enemies.”

 

Naalala pang ikuwento ng creative consultant ng mga teleserye ng GMA na napakabuti ng puso ng aktres.

 

“Believe it or not fan ako ng Angel-Richard (Gutierrez) lt (loveteam). Nakasabay ko si Angel sa elevator nu’ng nasa GMA siya, nakita n’ya ‘yung janitor, she asked him ‘how are u kuya’ or something. Me puso di ba? Kaya wala ako prob sa kanya. Nag-react lang ako sa false statement na ‘walang-wala’ bago go ABS.”

 

Pero bago sina Neil at Suzette ang nagpalitan ng tweet sa isa’t isa ay si Angel muna ang kausap at sinabi niyang malaki ang utang na loob niya sa GMA.

 

“Kayo (Suzette) lang po ito. Hindi po ang GMA kaya wag n’yo pong idamay. Wala po akong sasabihing hindi maganda sa GMA at malaki ang utang na loob ko sa network. Kayo lang po ang kausap ko 🙂 and please use your voice para makatulong sa kapwa mo sa industriya. Kelangan ka namin,” pahayag ng aktres.

 

At kaya uminit ang usapan ay may ilang netizens na nakikigulo at nagulo na ang thread.  Kaya ang payo ni Angel sa netizens, “Wag mo nang patulan people might think na this is just a battle bet networks & not the whole film & TV industry. That’s just one sad opinion of an artist na walang pakielam sa kapwa kasi comfortable sya sa ngayon. I love GMA ppl (people), 1 tao lang naman ang bad sakin du’n pero wala na now.”

 

Para sa amin ay naklaro na nina Suzette, Neil, at Angel sa isa’t isa ang isyu, hindi naman kasi magugulo ang thread kung walang nagpapa-init din.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *