Alfred, ehersisyo ang sagot sa tumatabang pangangatawan

BUKOD sa malawakang pagtulong sa nasasakupang distrito ng Quezon City, isinisingit din ng kongresistang si Alfred Vargas ang pag-eehersisyo.

 

Kuwento ng kongresista sa 24 Oras, napansin niyang medyo tumataba na siya simula nang nagkaroon ng pandemya kaya naman agad siyang nag-ehersisyo para pumayat at para na rin sa kanyang kalusugan.

 

Nakuha naman ni Alfred ang gustong pangangatawan pero hindi pa rin niya nilubayan ang pag-eehersisyo para na rin mapanatili pang maganda ang katawan.

 

Tuloy-tuloy din ang pagtulong ni Alfred sa kanyang nasasakupan katuwang ang equally na masipag na kapatid na si PM Vargas na  konsehal ng District 5.

MATABIL
ni John Fontanilla