Monday , November 29 2021

Nash Aguas, inireklamo ang 3 linggong pagkatengga sa bundok

PATAPOS na ang taping ng A Soldier’s Heart nina Gerald AndersonVin Abrenica, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Yves Flores, Nash Aguas, Carlo Aquino, at Sue Ramirez sa Tanay, Rizal na walang signal kaya hirap silang makontak doon.

 

Sa pagkakabilang namin ay sumobra ng tatlong linggong lock-in ang buong cast, staff and crew sa location dahil kinailangang tapusin na lahat ng eksena lalo’t hanggang Agosto na lang ang serye.

 

How true na nagrereklamo ang isa sa cast na si Nash bilang si Private Michael ‘Striker’ Mendoza dahil tatlong eksena lang pala siya sa kabuuan ng tatlong linggong lock-in. Sa madaling salita, isang eksena sa kada isang linggo.

 

Nabanggit nito sa isang kasamahan na sana inunang kunan lahat ng eksena niya para nakababa na siya ng bundok at makauwi dahil may mga negosyo siyang kailangang ayusin sa Manila, ang MURAmen na may sangay sa Sampaloc, Pasig, Makati, at Rizal.

 

Bukod dito ay hindi nadamayan ni Nash ang girlfriend niyang si Mika Dela Cruz sa pagkamatay ng ama nitong si Daddy Ernie Dela Cruz kamakailan.

 

Ramdam ng aktor ang sakit na nararamdaman ng karelasyon lalo’t siya ang bunsong anak ni daddy Ernie.

 

Anyway, habang isinusulat namin ang balitang ito ay ilang araw na lang at bababa na sila ng bundok.

 

Ang A Soldier’s Heart ay nagsimula noong Enero 2020 at nahinto ng Mayo dahil sa inisyung cease and desist order ng National Telecommunication Commission sa ABS-CBN nitong Mayo 5 at muli silang umere ng Hunyo, pero thru Jeepney, Yey, Cinemo at tuluyan na itong ipinasara ng Kongreso nitong Hulyo 10 nang hindi sila nabigyan ng bagong prangkisa.

 

Tuloy pa ring umeere ang A Soldier’s Heart sa iWant, YouTube, TFC at iba pang online platform ng ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Leave a Reply