Monday , November 29 2021

Sharon, pinatawad na ang dating publicist 

NAGBUNGA ang paghingi ng tawad ni Ronald Carballo, dating kaibigang writer at publicist ni Sharon Cuneta noong kabataan niya sa Viva Films, dahil pinatawad na siya ng huli.

 

Matatandaang siniraan ni Ronald si Sharon sa kanyang Facebook page dala ng galit niya dahil hindi na siya pinapansin ng huli.

 

Pero pagkalipas ng isang araw ay tinanggal ni Ronald ang mga nasabing post matapos siyang sagutin ni Sharon at nagbantang idedemanda.

 

Sabay post ni Ronald ng paghingi ng kapatawaran kay Sharon at nadala lang daw siya ng galit na namuo sa puso niya sa mahabang panahon.

 

At nitong Linggo ng gabi ay sinabi ni Sharon na pinatatawad na niya si Ronald sa kanyang Sharon Cuneta Network na may 99.3k subscribers sa YouTube at pinangaralan pa.

 

Aniya, “Ronald Carballo has written so many vile things about me for almost 20 years, 15, 20 years. Thank you for your letter of apology kahit dinelete mo ‘yun.

 

“I read it. It was shared so many times. I even shared it. I appreciate that. And that’s enough for me.

 

“You claimed to be a Christian but you did not act like one. I am a Christian and though it’s hard for me, I try to obey. Because of that, I forgive you. I will try my best to forget.

 

“But one thing I will not do is sue you. Hindi kita idedemanda Ronald. Dahil may pinagsamahan naman tayo. At sana, gawin mo itong pagkakataon para magbago, bumalik sa Panginoon, at gamitin ang talento mo sa pagsulat sa mabuti.

 

“That’s all I have to say. Please use this chance and learn from this lesson. That is the Christian way.”

 

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay nagpasalamat naman na si Ronald kay Sharon sa pagpapatawad sa kanya.

 

Sa kanyang Facebook page ay ini-repost ni Ronald ang vlog ni Sharon na may caption na, “SHAWIE, THANK YOU SA PAGPAPATAWAD. WITH ALL HUMILITY, ISASAPUSO KO LAHAT NANG SINABI MO.

 

“I WISH YOU WELL. SANA ANG ISANG MINSAN, MAGKITA AT MAGKAUSAP PA RIN TAYO.

 

“SANA MA-SUPPORT PA RIN KITA SA MGA FUTURE PROJECTS MO, LIKE THE OLD TIMES. GOD BLESS YOU MORE & MORE…

 

“(BY THE WAY, I DON’T DELETE MY APOLOGY LETTER TO YOU. FROM “PUBLIC”, GINAWA KO LANG “FRIENDS”–KA-STRESSED KASE YUNG MGA NAKIKISAWSAW.

 

“HINDI KO PWEDENG I-DELETE YUN. GUSTO KO NGANG MALAMAN MO AT NG BUONG MUNDO NA SINSERO ANG PAGPAPAKUMBABA KO AT PAGHINGI NG TAWAD. NGAYONG NAGPATAWAD KA NA, IBABALIK KO NA SYA SA “PUBLIC”).

 

“THANK YOU ULI, SHAWIE…”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Leave a Reply