Saturday , December 21 2024

Mackoy Villaroman

Nanalo at dinaya

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

EWAN ko kung may nagbilang kung ilan ang nanood kay Mr. Duterte sa weekly “proof-of-life” media briefing noong Lunes ng gabi. Sa tingin ko, mas interesado ang mga nanonood na basahin ang comment box ng kanyang paglabas sa social media. Iisa ang tema ng tila sirang-plakang pahayag ni Rodrigo Duterte. Ito ay ang insultuhin ang sinumang nagpahayag ng kritisismo laban …

Read More »

Kababuyan

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

KAMAKAILAN naglagay ng price ceiling sa sariwang baboy at manok. Walang masama rito lalo kung ikagagaan ng kalagayan ni Juan dela Cruz na kasalukuyang dumaranas ng hirap dahil sa taas ng presyo ng bilihin. Lumabas sa mga diyaryo na pumasyal ang dalawang kasapi ng Gabinete ni Rodrigo Duterte  – William Dar at Ramon Lopez – sa isang kilalang supermarket para …

Read More »

Child Seat

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

NOONG 31 Enero,  pumanaw si Dante Jimenez. Nakilala si Jimenez noong kasapi siya ng Volunteers Against Crime and Corruption at sa kaso ng pagpaslang sa mag-ina ni Lauro Vizconde. Sa ilalim ng administrasyong Duterte, itinalaga siya bilang pinuno ng Presidential Anti-Crime Commission. Nagsilbi siyang attack-dog ni Duterte. Ikinataas ng kilay ito ng marami dahil maliwanag pa sa sikat ng araw …

Read More »

Diliman Commune@50

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

KAPAG nagawi ka sa Pamantasan ng Pilipinas at pumasok sa Commonwealth Avenue entrance, matutumbok mo sa harap ang UP Oblation.  Sa harap ng UP Oblation ni Guilllermo Tolentino, magigisnan ang isang art installation na itinayo ni Toym Imao, isang visual artist at anak ni National Artist for sculpture Sajid Imao. Itong art installation ay itinayo bilang pagpupugay sa mga estudyante, …

Read More »

Presyo ng bakuna, militarisasyon

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

SA KATATAPOS na Senate hearing tungkol sa presyo ng bakuna kontra CoVid-19, kinuwestiyon si Carlito Galvez, Jr., ng mga senador tungkol sa tunay na presyo ng Sinovac kung hindi  puwedeng ibunyag. Mariing ipinagtanggol ni Rodrigo Duterte ang kaniyang “vaccine czar” at nagsabi na walang “magic” na naganap sa pagkalap ng bakuna. Sa weekly media briefing ni Duterte, sinabi  ni DOH Secretary …

Read More »

Insurrectos

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

NOONG Miyerkoles, 6 Enero, Washington D.C,  habang binibilang ang mga electoral college votes sa Capitol Hill na kinaroroonan ng Kongreso ng Estados Unidos, sumalakay ang mga tagasuporta ni Donald Trump.  Pumasok sila sa loob at pinigil ang bilangan. Ginulo ng mga tagasuporta ni Trump na kabilang sa grupong maka-kanan tulad ng Proud Boys, QAnon, white supremacist, neo-nazi at iba pa, …

Read More »

Puro pasingaw

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

SIMULA 2021, ika-limang taon ng rehimen ni Mr. Duterte, hindi pa humuhupa ang ingay na tangan ng mga bulilyaso nito noong 2020 na umapaw sa sumunod na taon. Mainit pa rin ang isyu ng CoVid-19 vaccine na ipinuslit at itinurok sa mga kawal ng PSG. Bukod sa PSG, inamin ni Teresita Ang-See na may isandaanlibong mga Tsinong POGO workers ang …

Read More »

Bagong Taon, bagong reboot

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

BAGONG Taon, panibagong taon. Kumbaga sa kompyuter ito ang pagkakataon natin  mag-reboot.  Pagkakataong mag-umpisa taglay ang panibagong pananaw sa 2021. Totoo na ang 2020 ay naging malaking pagsubok sa lahat ng tao sa daigdig, ito rin ay nagsilbing pagsubok para sa pagtitimpi ng sanlibutan. Ang pandemya na dala ng CoVid-19 ay nagpabago sa ating lahat.  Sa pananaw ng marami, ito …

Read More »

Duterte hinamon ni Gob Coscosuella

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

KAMAKAILAN, sunod-sunod na bagyo ang humagupit sa malaking bahagi ng Luzon. Nasaksihan natin ang paghihirap na idinulot ng mga bagyo sa mga kababayan. Marami ang tumugon sa panaghoy ng mga nasalanta at agarang nagbigay ng tulong. Isa ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, o OVP. Nagtatag sila ng relief operations center sa mismong tanggapan. Tone-toneladang donasyon ng pagkain at iba’t ibang …

Read More »

Walang silbi

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

KASAGSAGAN ng bagyong Rolly, at mapalad ang kalakhang Maynila dahil lumihis ang mata ng unos at tuluyang lumabas patungong Manila Bay, ngunit hindi pinalad ang mga lalawigan ng Bikolandia at Katagalugan, lalo ang Batangas. Nakaranas sila ng pananalanta at pagbaha. Fast-forward tayo, at nagbadya ang “Ulysses” isang pangalan na hango sa isang bayani ng mitolohiyang Griego. Pero imbes lumihis, inararo …

Read More »

Maayos na halalan

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

NOONG 3 Nobyembre, nasaksihan ng buong mundo ang halalang pampanguluhan ng Estados Unidos na pinagtunggalian nina Joe Biden at Donald Trump. Maraming nagbantay sapagkat huwaran ang kanilang sistemang panghalalan at nagsisilbing  gabay ito ng maraming bansang demokratiko. Marami ang nagulantang sa inasal ni Trump. Gumamit ng ‘dirty tactics’ ang kampo ni Trump sa pamamagittan ng pagkalat ng maling impormasyon at …

Read More »

Sa buntot ng unos  

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

NOONG Nobyembre 1, 2020, hinagupit ng bagyong Rolly ang Luzon at pininsala ang Bicolandia at Batangas. Tinatayang halos kasinlaki ng Yolanda si Rolly, ngunit kapansin-pansin ang pagkakaiba ng paghahanda.   Noong sinalanta tayo ng Yolanda, maagap na pinaghandaan ng mga naatasang ahensiya ang bagyo. Naglagay ng tao at gamit sa mga lugar na daraanan nito. Ilang araw bago dumating si …

Read More »

‘Mater Dolorosa’

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

PINUTAKTI ng batikos ang spokesperson ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na si Celine Pialago, isang dating newscaster at beauty queen. Nag-ugat ito sa ilang statement na ginawa niya. Bagay na hindi tinanggap nang maayos ng marami, at naging sanhi ng maraming batikos mula sa mga netizen. Ang batikos ay nag-ugat nang sinabi niya na ang simpatya na ipinakita kay …

Read More »

Atletang pambansa  

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

SA NAGANAP na French Open, nagtagumpay ang Espanyol nang nakuha ni Rafael Nadal ang korona matapos talunin ang Serbiano na si Novak Djokovik. Bago pa man ang Men’s Finals, kompiyansang inianunsiyo ng dating World Number One na tatalunin niya si Nadal at mapapasakanya ang tropeo sa prestihiyosong paligsahan sa tennis. Ngunit hindi matutupad ang mayabang na fearless forecast ni Novak …

Read More »

Himayin natin

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

MARTES nang itigil ni Ispiker Allan Peter Cayetano ang budget deliberations sa Kamara de Representante. Sa tulong ng kanyang mga kasapakat, ipinatigil niya ang sesyon ng Kamara tungkol sa budget at isinara ang usapan. Maraming kongresista ang nagalit at mariing tumutol sa ginawa ni Cayetano, pero tila walang ingay ang narinig dahil nasa Zoom meeting ang sesyon. Pinatayan umano ng …

Read More »

Nakalagda sa tubig

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

 ISA pang linggo ang dumaan, isa pang linggo na kalbaryo para kay Juan De La Cruz. Dala ito ng anim na buwan na bartolina sanhi ng pandemikong CoVid-19. Samantala, nagsimula na ang mga kapit-bayan natin na magbukas ng kanilang mga hangganan. Nagsimula na sila tungo sa normalidad. Samantala tayo sa Filipinas ay dumaranas ng pinakamahabang “lockdown” sa buong daigdig, at …

Read More »

Double-talk  

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

AGOSTO 31, 2020. Ito ay makabuluhang araw para sa mga Filipino dahil ito ay Araw ng mga Bayani. Sa araw na ito ginugunita natin ang lahat ng Filipino na nag-atang ng pawis at dugo para sa isang malayang Inangbayan. Ang araw na ito ay matunog din dahil, pagkatapos ng halos isang buwan na ‘no-show’ ang Pangulong Duterte, sa wakas, nagpakita …

Read More »

Paglatay sa bayan    

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

NOONG Lunes isinagawa ang ikalimang SONA ni Rodrigo Roa Duterte na sa pag-aakala ko ay ika-apat pa lang. Dahil nasa pang-apat na taon pa lang siya bilang presidente. Pero kung isasama mo ang “First 100 Days” na SONA din pala, e tama pang-lima nga, kaya nagpapaumanhin ako sa mga nagbabasa ng kolum na ito, at ‘eka nga ng nasirang basketball …

Read More »

SoNA ni Duterte

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

MARAMI ang nag-aabang sa napipintong ika-apat na State of The Nation Address ni Rodrigo Duterte sa ika-27 ng Hulyo 27. Inaabangan nila ang mga mambabatas na gigiri sa harapan ng mga kamera upang ipagmagaling ang kanilang mga kasuotan at kani-kanilang “fashion statements.”   Siyempre kung sa loob ng Kongreso may humahada, sa labas, partikular sa mga lansangan na papunta sa …

Read More »

Peryahan

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

SA MGA KAGANAPAN ng linggong ito, masasabi ko na ang pamahalaan natin ay nagmistulang isang peryahan.  Ang perya ng aking pagkabata ay dinarayo para maaliw, mamangha at makalimot. Bakit maaliw?   Nandoon ang mga palaro katulad ng hagis-barya. Ihahagis mo ang barya sa bunganga ng maraming baso. Kapag napuntirya mo at na-shoot ang barya sa baso bibigyan ka ng premyo …

Read More »

Kaya pa ba?

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

ALAS-DOS ng hapon noong Lunes, sa isang checkpoint ng pulis sa Barangay Bus-Bus, Jolo, Sulu pinara ang isang SUV na may sakay na apat na kalalakihan.   Nagpakila ang apat na naka damit-sibilyan na miyembro ng 9th Intelligence Service Unit ng AFP at naglabas ng kanilang ID.   Tandaan natin ang kanilang mga pangalan: Maj. Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod …

Read More »

Tuloy-tuloy

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

MAGMULA nang magkaroon ng lockdown noong 14 Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang paghihirap ng taongbayan. Kahit ito na ang pinakamatagal at pinakamahigpit na kuwarantina laban sa COVID-19 sa buong mundo.   Ngunit patuloy pa rin na tumataas ang bilang ng mga nahawa rito, at hindi bumababa, bagkus nadaragdagan pa. Dapat sisihin ang gobyerno ni Duterte.   Noong Febrero …

Read More »

Pagsupil sa katotohanan  

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

HINDI maaalis sa isipan na naimpulwensiyan ang desisyon ng hukom sa kasong cyber-libel ni Maria Ressa.   Nagsilbing clerk of court ng RTC Branch 199 ng Las Piñas City si Judge Reinalda Estacio-Montesa ng RTC Manila Branch 46. Mula roon ay nagsilbi siya bilang hukom sa Mindanao bago siya italaga sa Manila.   Iitinalaga ni Presidente Duterte si Jacob Montesa …

Read More »

Minority report eksaherado  

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

SIMULA noong Lunes, ang pag-aalis ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pa, senyales na bumabalik sa normal ang pamumuhay nating lahat.   Hindi biro ang dinanas ng sambayanan.   Dahil sa pandemyang COVID-19, napilitan tayong magkulong ng sarili, upang umiwas sa nakamamatay na virus. Marami ang nabago sa ating buhay. Isa ang karapatang pumunta sa lugar …

Read More »

Malabo pa sa sabaw ng pilos

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

ISANG linggo ng pagbartolina ang muling dumaan at dalawang tulog na lang ay tapos na ang modified enhanced community quarantine (MECQ).   Hindi sukat akalain na pitumpo’t limang araw na pagkakulong na dinanas dahil sa pandemyang COVID-19 ay malapit na magwakas. Unti-unti natin maibabalik ang normal na buhay.   Pero magiging normal na ba?   Ang lockdown na ito ay …

Read More »