Friday , November 22 2024

Percy Lapid

Smuggled luxury vehicles na pinasagasaan sa pison por kilo ibebenta ng BOC

NAKAPANGHIHINA­YANG ang mahigit P61 milyong halaga ng smuggled secondhand luxury vehicles na winasak ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang linggo. Sa utos ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte, pinasagasaan sa pison ang mga nasabat na sasakyan, ilan diyano ang mamahaling Lexus ES300, BMW Alpina, BMW Z4 at Audi A6 Quattro. Mas minabuti pa ni Pang. Digong na ipabuldoser ang mga …

Read More »

Taguba, humihirit ng VIP treatment

HUMIHIRIT ng VIP treatment sa detention cell ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bigtime “fixer” cum “broker sa smuggling ng P6.4-B shabu shipment na ang paglipat ng selda sa Manila City Jail (MCJ) ay una nang ipinag-utos ng hukuman. Kamakalawa ay naghain daw ng panibagong “urgent motion” sa sala ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 Presiding Judge Rainelda …

Read More »

Criminal justice system sinisira sa ‘obstruction of justice’ ng Kongreso

congress kamara

GINUGULO ng mga imbestigasyon sa Senado at Kamara ang proseso ng criminal justice system sa ating bansa. Inaabuso na ng mga naghahambog na mam­babatas ang maling paggamit ng legislative po­wers sa pagpapatawag ng mga imbestigasyon na nakasisira sa mandato at gampanin na nakaatang sa mga sangay na sakop ng executive at judicial branch ng ating pamahalaan. Kumbaga, overused at sobrang gasgas …

Read More »

Taguba, nangangarap maging state witness

HABANG isinusulat ito ay wala pang balita kung nailipat na ang dakilang “fixer” cum “broker” sa Bureau of Customs (BOC) na si Mark Ruben Gonzales Taguba II ng selda sa Manila City Jail (MCJ) mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI). Noong Biyernes ay ibinasura ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 Judge Rainelda Estacio-Montesa ang mosyon ni Taguba …

Read More »

No bail kay Taguba et al sa P6.4-B shipment ng shabu

NASA kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bigtime ‘fixer’ cum ‘broker’ sa Bureau of Customs (BOC) na si Mark Ruben Gonzales Taguba II matapos ipag-utos ng hukuman ang pag-ares­to sa kanya at iba pang mga kasabwat sa smuggling ng P6.4 bil­yong shabu na nasabat sa Valenzuela City noong Mayo 2017. Sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ay …

Read More »

Judge Santos, ipatawag din kaya ni Sen. Gordon?

IPINAGYABANG ni Sen. Richard Gordon na possible raw ipag-utos ng Senado ngayong araw ang paglipat kay dating Bureau of Customs (BOC) commissioner Nicanor Faeldon sa Pasay City Jail. ‘Yan ang banta ni Gordon sakaling si Faeldon ay patuloy na tumangging humarap sa hindi matapos-tapos na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa smuggled P6.4 billion shabu na nasabat sa lungsod ng Valenzuela …

Read More »

Award kay Uson: Laban o bawi?

KUMUKULO sa sobrang init ang iginawad na parangal ng University of Santo Tomas Alumni Association Inc. (USTAAI) kay Presidential Communications Assistant Secretary Esther Margaux “Mocha” Uson, kamakailan. Napaso na rin ang UST administration sa tindi ng init kaya’t napilitang dumistansiya sa igi­nawad na parangal ng USTAAI kay Uson. Sa pakiwari ng mga nagsipagtapos at kasalukuyang mag-aaral sa unibersidad ay malaking kahihiyan sa kanila …

Read More »

Fred Lim tatakbo sa Maynila para alkalde

TATAKBO si Fred Lim para alkalde ng Maynila sa darating na halalan. Ito ang binigyang-diin kahapon ng kampo ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, bilang pagpapasinungaling sa mga tsismis na ipinakakalat umano ng kanyang mga kalaban sa politika na hindi na siya tatakbo sa 2019 elections. Ayon sa abogado ni Lim na si dating city legal officer Atty. Renato …

Read More »

Actor Robin Padilla hilaw na makabayan

SA kabila ng kanyang “bad boy” image ay na­pahanga rin tayo ng aktor na si Robin Padilla sa maraming pagkakataon. May mga taglay na kahanga-hangang katangian si Robin sa totoong buhay bilang isang mabuting nilalang na wala sa hanay ng mga tulad niyang nasa lara­ngan ng showbiz. Ilan sa magagandang kaugalian na ating hinangaan kay Robin ang pagiging matulungin, maayos na …

Read More »

“Anarchy” sa San Juan sa pagtatago ng mayor

LUMUTANG din sa wakas nitong nakaraang linggo si Mayor Guia Gomez, isang buwan matapos magpalabas ng Notice of Sufficien­cy ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa inihaing petisyon na humihiling sa pagpapatawag ng recall election sa lungsod ng San Juan. Imbes sa kanyang opisyal na tanggapan sa City Hall ay sa kanyang bahay nagpatawag ng press conference ang ina ni Sen. …

Read More »

Pres. Rodrigo Duterte: ‘Salamat’ po sa TRAIN

SA mga nagbabalak kumuha ng hulugang sa­sakyan ay huwag nang ituloy kahit mababa ang down payment. Kasama sa malaking papatawan ng mataas na buwis ang mga bagong sasakyan sa ila­lim ng Republic Act No 10963, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law) na ipinasalubong sa atin pagpasok ng nakaraang Bagong Taon. Ngayon pa nga lang ay mahigit P50 na ang presyo ng …

Read More »

‘Banal’ na desisyon ng Court of Appeals (Pagbalewala sa Korte Suprema at pagsira sa rule of law)

INAASAHAN  ang pag­dagsa ng milyon-mil­yong deboto bukas dahil sa kapistahan ng Itim na Nazareno Quiapo. Halos lahat sa mga deboto ay sumasampa­lataya na kahit may pa­nganib ang taunang pakikilahok sa mahabang prusisyon at sakripisyo sa pagpasan ng Itim na Nazareno, may kapalit naman itong himala sa kanilang buhay. Pero ang sinomang deboto na nasasangkot o akusado sa mabigat na krimen, …

Read More »

Abuso de kompiyansa ang mga mambabatas

SORI na lang sa mga tutol sa planong baguhin ang ating Saligang Batas. May tatlong pa­mamaraan sa pagbabago o pag-amiyenda na naaayon din mismo sa Saligang Batas, kung hindi ako nagkakamali ay sa pamamagitan ng: 1) Constituent Assembly (Con-Ass); 2) Constitutional Convention (Con-Con); at 3) Constitutional Commission (Con-Com). Kaya walang maaaring makatutol kung talagang desidido ang kasalukuyang administrasyon na isulong ang …

Read More »

Kahirapan lalaganap, patitindihin ng TRAIN

MUKHA yatang hindi maganda kung ‘di man malas ang pagsalubong sa taong 2018 para sa sambayanang Filipino. Ikalawang araw pa lang ng Enero ay sinalubong na tayo ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. May dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang huling nagmahal ang mga produktong petrolyo at simula kahapon ay P0.20 na naman ang itinaas ng gasolina kada …

Read More »

Imbestigasyon sa NCCC matutulad lang sa RWM

SABAY-SABAY na naman ang imbestigasyon sa nasunog na New City Commercial Center (NCCC) Mall sa Davao City na kumitil sa 37-katao. Paiimbestigahan daw ang trahedya para makasuhan kung sino man ang mapapatuna­yang may dapat panagutan sa batas. Bukod sa Department of Justice (DOJ), Department of Labor and Employment (DOLE) at National Bureau of Investigation (NBI), malamang na may iba pang ahensiya o …

Read More »

Paolo Duterte, dapat tularan ni GM Balutan

ANG ginawang pagbibitiw sa tungkulin ni Presidential son Paolo “Polong” Duterte bilang bise-alkalde ng Davao City ang wastong halimbawa at tunay na kahulugan ng salitang “delicadeza.” Isang mabuting katangian na bibihira na nating matagpuan sa mga nasa pamahalaan ngayon. Pagdating sa delicadeza, si Polong ang dapat magsilbing ehemplo na dapat tularan ng mga kapit-tuko sa puwesto, partikular ang mga opi­syal na …

Read More »

Nasaan ang “propriety” sa P6-M Christmas Party ng PCSO sa Shangri-La?

ENGRANDE sa ‘di lang maluho ang idinaos na Christmas Party ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) habang binabayo ng bagsik ni bagyong “Urduja” ang ating mga kababayan sa Kabisa­yaan. Ibinulgar ni dating jueteng whistleblower at ngayo’y PCSO director Sandra Cam na mahigit sa P10-milyon ang halagang nawaldas mula sa pondo ng PCSO sa mala-bonanza at extravaganteng Christmas Party ng PCSO sa Isla …

Read More »

Nagpaparamdam si Cam sa mga ‘lord’ ng jueteng? 

KATATALAGA pa lang sa kanya ni Pang. Digong sa puwesto, intriga agad ang ipinasalubong ng dating “jueteng” whistblower na si Sandra Cam sa mga dinatnan niyang opisyal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Kasunod ng pagkakatalaga kay Cam noong Dec. 13, ipinangalandakan ni Cam sa isang press conference na kanya raw lilinisin ang mga katiwalian sa PCSO. Paniwala pala ni Cam, siya …

Read More »

VACC tinabla sa Kamara

WALA raw ni isang miyembro ng Kamara ang nag-endoso sa impeachment complaint laban kay Ombudswoman Conchita Carpio-Morales na inihain ng Vo­lunteers Against Crime and Corruption (VACC). Ang mga ginamit na basehan sa inihaing complaint ng VACC laban kay Carpio-Morales ay betrayal of public trust, graft and corruption, and culpable violation of the Constitution. Ilan sa mga binabanggit ng VACC sa kanilang complaint …

Read More »

Dengvaxia at Crime against humanity

TINAKOT daw si dating Department of Health (DOH) secretary Paulyn Ubial kaya’t napilitan si­yang ituloy ang pagpa­patupad ng maanomal­yang pagbakuna at pagturok ng Dengvaxia sa mga kabataan na ka­ramihan ay mag-aaral. Ayon kay Ubial, kabilang ang mga hindi niya pinangalanang mambabatas sa Kongerso na nagbantang siya ay mabibilanggo kapag hindi itinuloy ang konhtro­bersiyal na programa. “People, even in Congress, told me, …

Read More »

“Back to the future” ang MMDA sa Hi-way 54

NAPAGKASUNDUAN daw ng mga opisyal na walang sentido-kumon sa Metro Manila Deve­lopment Auhtority (MMDA) at local mayors na magpatupad ng bagong speed limit sa EDSA. Para saan ang kagaguhang ito na naisipang ipatupad ng MMDA? Mula sa dating 60 ay ibababa na sa 50/kph ang ipatutupad na speed limit sa mga bumibiyaheng sasakyan sa kahabaan ng EDSA upang maiwasan umano …

Read More »

Attn. PNP Chief Bato: Media ‘ipatotokhang’ ng MMDA top official

MAITUTURING na pa­nganib sa mga ma­mamahayag itong si Jojo Garcia, ang assistant general manager ni Chairman Danilo “Danny” Lim sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Kamakalawa, sinabi umano ni Garcia na dapat ‘itokhang’ ang mga miyembro ng media na sumusulat ng balita na hindi pabor sa MMDA. Bago magsimula ang press briefing noong Miyerkoles sa tanggapan ni retired Army Gen. Lim, …

Read More »

‘Sinister plot’ cum impeachment at pagtarantado sa rule of law

BALEWALA na sanang sulatin at pag-aksaya­han ng espasyo ang walang kabuluhang impeachment complaint na pinagkakaabalahang busisiin ng House Committee on Justice sa Kamara sa impeachment complaint na inihain ng abogadong si Larry Gadon para makabuo ng Articles of Impeachment na gagamitin para patalsikin si Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa puwesto. Mula’t sapol naman ay maliwanag na ‘fishing …

Read More »

Presidential appointees  na ‘bogus’ ang diploma?

NAPALUSUTAN ba ng appointees na ‘bogus’ o walang bisa ang academic credential ang kasalukuyang administrasyon? Aba’y, dapat paim­bestigahan agad kung sino-sino sila na ‘bogus’ naman pala ang diploma pero nagawang maitalaga sa iba’t ibang puwesto ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang administra­syon. Ang mga sinasabing nakapasok at humahawak ng matataas na puwesto sa administrasyon ni Presidente Digong ay nagawa umanong …

Read More »

Pambabastos kay Bonifacio

GAMIT na gamit na naman ng mga nagmamaskarang makabayan ang bayaning si Gat Andres Bonifacio sa paggunita ng kanyang ika-154 na kaarawan. Kahapon (Nov. 30), muling nairaos ng iba’t ibang grupo ang palsi­pikadong pagdakila sa itinuturing na Ama ng Rebolusyon na itinaya ang sariling buhay para sa bayan. Taon-taon na lang ay iyon at ‘yun din ang mamamalas na tagpo tuwing …

Read More »