Sunday , December 22 2024

Percy Lapid

‘Swing’: 29 Volvo trucks naglaho sa Port of Cebu?

PINAYOHAN ni Sen. Richard “Dick” Gordon si bagong Bureau of Customs (BoC) Com­missioner Rey Leonardo Guerrero sa ginanap na pagdinig ng Senado sa naglahong P11-B shabu shipment na pina­nini­walaang nakasilid sa apat na magnetic lifters na natunton ng Philippine Drug Enforcement A­gen­cy (PDEA) sa GMA, Cavite. Binalaan ng mambabatas si Guerrero nitong November 22 na mag-ingat at hindi dapat basta magtiwala …

Read More »

Kaso vs Mangaoang: “defense mechanism”

MALAKING katatawanan ang napabalitang paghahain ni dating commissioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director general Isidro Lapeña ng mga kasong slander at libel sa Taguig City Prosecutor’s Office laban kay dating Bureau of Customs (BoC) X-ray chief Ma. Lourdes Mangaong nitong nakaraang linggo. Ayon kay Lapeña, sinira raw ni Mangaoang ang kanyang reputasyon sa multi-bilyones na halaga ng …

Read More »

Mga kilabot na konsehal tig-P30 milyon ang hirit kapalit ng train project

IBUBULGAR daw ng isang alkalde sa Metro Manila ang mga konsehal na nangingikil para maa­probahan ang malaking proyekto sa kanilang lungsod. Ito ay kapag ipinag­patuloy ang hirit na tig-P30 milyones ng mga damuhong konsuhol, ‘este, konsehal kapalit ng kanilang boto para mailarga ang makabagong mass transport project sa pinamumunuang lungsod ng alkalde. Umuusok umano ang ilong ng alkalde matapos makarating sa …

Read More »

“Ang Probinsiyano” pinasisikat ng PNP

HABANG pinagtutulungan ay tiyak na darami pa ang magkakainteres na panoorin at tangkilikin ang teleseryeng “Ang Probinyano” na pinag­bibidahan ng aktor na si Coco Martin sa isang network. ‘Yan ang posibleng epekto sa eksahe­ra­dong kalupitan na ipina­mamalas ng Philippine National Police (PNP) at mga kilalang perso­nalities sa ilang tanggapan ng gobyerno na nakikisawsaw laban sa kathang-isip na teleserye. Maliban kung tuluyan …

Read More »

Bakit pinaslang ng SC ang wikang Filipino?

KUNG sa kasalukuyang panahon pala nabuhay ang pambansang baya­ni na si Gat Jose Rizal ay siguradong sa karsel pa rin siya pupulutin. Malamang na mapa­ratangan pang suber­sibo si Rizal at lapas­ta­ngan sa batas kung nga­yon niya sasabihin na, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malan­sang isda.” Ang pagkakaiba lang ay hindi mga dayu­hang mananakop ang …

Read More »

Kasong graft vs. Lapeña; Guerrero bukol sa ‘tara’?

KINASUHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes si dating com­missioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) chief Isidro Lapeña sa misteryosong pagka­wala nang mahigit 105 container vans sa baku­ran ng Bureau of Cus­toms (BoC). Ibang-iba ang resul­ta sa isinagawang imbestigasyon at isinampang kaso ng NBI kompara sa kuwentong-kutsero ni Lapeña na noo’y hepe ng Customs sa …

Read More »

Sa hatol kay Imelda, si Digong ang target ng Sandiganbayan?

HINATULANG guilty ng Sandiganbayan fifth division sa seven counts ng kasong graft si dating First Lady Imelda R. Marcos nitong Biyernes. Mula anim na taon at isang buwan hanggang 11-taon ang ipinataw na parusang kulong ng Sandiganbayan kay Gng. Marcos sa bawa’t kaso. Kung kukuwentahin, higit pa sa tatlong ha­bam­buhay na hatol ang katumbas na parusang kulong, ang bubunuin ni Gng. …

Read More »

‘Tatlong Itlog’ na ‘collect-tong’ ng ‘tara’ sa Bureau of Customs: “Abu,” “Santi,” at “Loy Dy Kiko”

NAPAKAGANDA ng mensahe ni dating AFP chief-of-staff at bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na kanyang binigkas sa flag raising ceremony ng mga kawani ng Bureau of Customs nitong Lunes. Nagbabala si Guer­rero na hindi niya papa­yagan na sirain ninoman ang pangalan at mabuting reputasyon na kanyang inalagaan sa loob ng 30 taon na bukod-tanging maipamamana niya sa kanyang mga anak. …

Read More »

Bagong branch of service ba ng AFP ang Customs?

PUWEDE o hindi? ‘Yan ang tanong, alinsunod sa direktiba ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte na italaga ang mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bureau of Customs (BoC) kasunod ng malaking eskandalo na kinasangkutan ni Commissioner Isidro Lapeña at kanyang mga tauhan sa nakalusot na P11-B shipment ng shabu. Hindi natin minamasama ang pagtatalaga ng mga sundalo sa …

Read More »

Maligayang kaarawan Ka Eduardo V. Manalo!

TAOS-PUSO tayong bumabati kay Ka Eduar­do V. Manalo, ang taga­pamahalang pangka­lahatan ng Iglesia Ni Cristo (INC), sa kanyang ika-63 kaarawan. Kasabay nito ang ating pagbati kay Ka Eduardo sa kanyang mata­gumpay na pangu­nguna sa INC sa naka­lipas na siyam na taon. Ang mabilis at hindi mapigilang paglago ng mga kaanib sa INC sa buong mundo ay patunay na si Ka Eduardo …

Read More »

Cover-up sa P6.8-B shabu: Lapeña dapat mag-resign!

SUKOL na si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña kaya’t kung sino-sino na ang kanyang idinadawit sa P6.8-B shabu shipment na ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay ipinalaman sa ilang magnetic lifters na natunton sa Cavite. Sa kanyang pahayag kamakailan, sabi ni Lapeña: “Perhaps director general Aaron Aquino should not pin down and blame entirely this …

Read More »

“Bureau of Customs and Shabu”

NANININDIGAN umano si Commissioner Isidro Lapeña na walang shabu na nakapalaman sa mga magnetic lifters na natagpuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite na nailusot sa Bureau of Customs (BoC). Ang magnetic lifters na nasabat sa Cavite ay pinaniniwalaang naglalaman nang mahigit isang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon, ayon sa PDEA. Pinaniniwalaan din na ang mga …

Read More »

Labanang dugo sa dugo: JV vs Jinggoy sa Senado

POLITIKA ang dahilan sa umiigting na hidwaan ng dalawang anak ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na sina Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada na parehong tatakbo sa Senado sa nalalapit na 2019 midterm elections. Kumalas na raw si JV sa Pwersa ng Masamang, este… Masang  Pilipino pala, ang partido ng kanilang pamilya na pinamumunuan ng amang si …

Read More »

Mga ‘bata’ ni Lapeña ipinasisibak ni Gordon sa Bureau of Customs

PINAYOHAN ni Senate Blue Ribbon Committee chair Sen. Richard “Dick” Gordon si Commissioner Isidro Lapeña na tang­galin ang mga dati ni­yang tauhan sa Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakapasok sa Bureau of Customs (BOC). Tinawag na in­com-petent ni Gordon ang mga katiwaldas, este, pinagkakatiwalaan ni Lapeña sa PDEA noon na naipuwesto sa Customs. Sa ikatlong pagdinig ng Senado sa pagkawala ng P6.8-B …

Read More »

‘Ex-future’ senators sina Roque at Uson

MATATAGALAN bago makabangon sina outgoing presidential spokesman Harry Roque at dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary Margaux “Mocha” Uson sa magkahalong kahihiyan at kapaitan na sinapit. Hindi siguro makapaniwala sina Roque at Uson na mismong si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte rin ang babasag sa kanilang “power tripping” na talaga namang sukdulan kaya marapat lang na tuldokan. Nakatunog marahil si …

Read More »

Sen. ‘Koko’ Pimentel: “Lim tayo sa Maynila!”

OPISYAL nang idineklara — si dating Mayor Alfredo S. Lim ang pambatong kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Maynila. Ang pagkakadeklara kay Lim ay pinangunahan ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, PDP-Laban national president, sa idinaos na panunumpa ng 7,000 miyembro at lider ng Kapayapaan, Katarungan at Kaunlaran (KKK), kamakailan. Sa nasabing okasyon na ginanap sa Open Air …

Read More »

‘Bayani’ ng P1.41-B PCOO budget si Mocha Uson? Pagbibitiw, taktika lang

SA wakas ay nagbitiw na si dating assistant secretary Esther Margaux “Mocha” Uson sa Presidential Communications Operations Office (PCOO). Aniya, siya na raw ang magsasakripisyo para hindi na harangin ng mga mambabatas ang pag-aproba sa P1.41 bilyong 2019 budget na hirit ng PCOO. Nagkakamali si Uson kung inaakala niyang matatawag na kabayanihan ang ginawang pagbibitiw sa puwesto dahil tiyak na hindi …

Read More »

Signos kay SAP Bong Go si ACTS OFW Rep. Bertiz

MASAMANG senyales sa nilulutong pagtakbo ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go bilang senador sa 2019 midterm elections ang kaibigan niyang si ACTS OFW party-list Rep. John Bertiz III na pinagpipiyestahan kahit saan ang ginawang pagwawala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakailan. Buo na ang kuwento sa pangyayari at tapos na rin mapanood ng Department of Transportation (DOTr) at …

Read More »

DENR balak gawing ‘aso’ ang mga turista na darayo sa Boracay

PINANGANGAMBA­HAN ng mga negosyan­te at residente sa Bora­cay ang pagbagsak ng kanilang kabuhayan sa mga ‘iskema’ na planong ipatupad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Tutol sila sa panu­kalang “access bracelets” at “data base registration” para sa mga lokal at dayuhang turista na planong ipatupad ng DENR sakali raw na maaprobahan bago ang muling pagbubukas ng Boracay sa …

Read More »

‘Atorni Kabayo’ de campanilla

PABORITO palang tam­bayan ng isang kilalang abogado ang karerahan ng kabayo sa California tuwing nagbabakasyon sa Estados Unidos ng Amerika. Sino ang mag-aakalang adik din pala sa pagsusugal itong si ‘Atorni Kabayo’ na kung makapostura sa harap ng publiko ay isang ka­galang-galang na abo­gado de campanilla. Pero sa likod pala ng kalimita’y suot niyang terno at kurbata, may malaking ‘Lihim …

Read More »

Inaapi ang mga Pinoy kahit sa sariling bayan, mga Intsik untouchable  

UMAABOT sa 2.3 mil­yon ang itinatayang bi­lang ng mga kaba­ba­yan natin na nagta­trabaho sa labas ng bansa bilang overseas Filipino worker (OFW), base sa isi­na­gawang survey noong nakara­ang taon (2017). Hindi na ito ipag­tataka dahil natural la­mang na habang lumo­lobo ang ating populasyon ay kasabay rin si­yempre ang paglaki ng bilang ng mga OFW kada taon. Ang OFW deployment sa ilalim …

Read More »

Mocha Uson, siyokeng alalay swak na swak sa RA 9442

TAMA lang ang Philip­pine Federation of the Deaf (PFD) sa pag­ha­hain ng kaso laban kay Presidential Commu­nications Operations Office (PCOO Assistant Sec. Mocha Uson at sa alalay niyang siyoke na masyado nang abuso sa kapangyarihan. Patong-patong na kasong paglabag sa amended Magna Carta for Disabled Persons (RA 9442), Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA …

Read More »

Demolition job vs. BOC exec sa “P6.4-B shabu shipment”

NABABALOT nang malaking misteryo ang kontrobersiyal na pagta­talo sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng apat na magnetic lifters na naglalaman umano ng P6.8 billion shabu na natagpuan noong naka­raang buwan (August) sa Gen. Mariano Alva­rez, Cavite. May “demolition job” palang inilarga laban sa isang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) para ilihis …

Read More »

Iboto ang mga magnanakaw

MAGSISIMULA na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa susunod na mid­term elections na lala­hukan ng mga nagba­balak tumakbong sena­dor, congressman at local officials. Itinakda ng Com­mission on Elections (Comelec) ang limang araw na paghahain ng COC para sa idaraos na halalan sa 13 Mayo 2019, mula October 1 hang­gang October 5. Ilang linggo na lang ay unti-unti nang …

Read More »

Sen. Trillanes, salba-bida; Robin Padilla, kontra-bida

HABANG nalilibang ang publiko sa kontrobersiyal na pagbawi sa amnestiya na iginawad kay Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV sa inilabas na Proclamation No. 572 ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ay pansamantalang natatabunan ang mga pangunahing problema ng bansa na dapat solus-yonan. Kumbaga ay parang commercial sa telebisyon na sandaling pinuputol ng isyu laban kay Trillanes ang palabas na nagtatampok sa patuloy …

Read More »