Monday , December 23 2024

Percy Lapid

Amnesty ni Erap sa amilyar bistadong gimik sa politika

PANAHON na naman ng eleksyon kaya namimi-lipit sa kaiisip ang kampo ni ousted president at convicted plunderer Erap Estrada kung paano pababanguhin ang napakabantot niyang imahe. Kandabulol sa pambobola si Erap kamaka-ilan nang ianunsiyong inaprubahan niya ang ordinansa hinggil sa tax amnesty program. Akala ni Erap ay mga gago, bobo at tanga ang mga Manileño na lulundag sa tuwa sa …

Read More »

Maigsi ang pantanda at walang kadala-dala ang maraming Filipino

“Those that fail to learn from history, are doomed to repeat it.” – Winston Churchill WALA na talagang pag-asang makabangon ang Filipinas kung ipagkakatiwala natin ang kapalaran ng bansa sa mga politiko. Ibig sabihin, kahit saan nakakiling ang politiko, maka-kaliwa o maka-kanan man ay mahirap nang pagtiwalaan. Marami ang muntik maduwal nang mapanood sa telebisyon ang labis na katuwaan ng mga …

Read More »

Sino ba si “Jenny Munar” sa ilang opisyal ng BoC?

SIGURADONG natataranta na ang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) matapos ibuko ni dating LTO chief Virginia Torres ang pangalang “Jenny Munar” na umano ay tumanggap nang malaking halagang suhol mula sa suspected smuggler na si Philip Sy. Malamang na nagpapalamig na rin ang umano’y kolektor ng ‘tara’ na si “Jenny Munar” kasabay nang biglang pananahimik ng mga opisyal …

Read More »

Mga taga-“Manila’s Panis” tiyak na hahakot ng asunto

MALAMANG kaysa hindi, natataranta na ang ilang kagawad ng “Manila’s Panis”, este, Manila’s Finest pala, dahil tiyak na hahakot sila ng asunto. OA, as in overacting, ang pag-aresto at pagkulong nila sa isang abogado na taga-media at dalawa pang kasama niya dahil sa pagkuwestiyon sa illegal arrest sa kanyang kli-yente. Halata naman na hindi kayang idepensa ng mga pulis-Maynila ang illegal …

Read More »

Dynasty ng smugglers, ‘unli’ smuggling sa BoC

HINDI lamang pala sa politika, kundi pati sa larangan ng smuggling ay nauso na rin ang dynasty. Ito ang masaklap na katotohanan, sa kabila ng magkakahiwalay na kampanyang inilunsad ng ilang nagdaang pamahalaan kontra smuggling sa loob ng ilang dekadang nakalipas. Ang mga smuggler ay wala nang ipinagkaiba sa mga politiko na kapwa nakapagtatag ng kanilang dynasty. Dumating na tayo …

Read More »

Diktadurang Estrada sa Maynila, lalabanan

TAMA na, sobra na, palitan na! Ito ang sama-samang isisigaw ng mga manininda na bumubuo ng Save Manila Public Market Alliance (SAMPAL) sa ilululunsad na Market Holiday ngayong araw (Setyembre 14). Ibig sabihin, isasara ng SAMPAL ang lahat ng pampublikong pamilihan sa lungsod bilang protesta sa pagsasapribado ng administrasyong Estrada sa 17 public markets sa ilalim ng Manila Joint Venture …

Read More »

Tunay na smugglers ng balikbayan boxes at Season Garment nina Jaime at Anna

NAKATATATLONG palit na nang hepe ang Bureau of Customs (BoC) mula nang maluklok ang administrasyong Aquino noong 2010 pero isa man sa kanila ay hindi napatino ang karumal-dumal na kalakaran sa nabanggit na tanggapan, lalo kung talamak na ang smuggling at pagnanakaw sa buwis ang pag-uusapan. Si Commissioner Alberto “Bert” Lina, na nakabalik sa paborito niyang puwesto sa Customs, ay …

Read More »

“Pag-aaklas” sa Maynila kumalat na parang apoy

SABAY-SABAY na umalingawngaw kahapon ng tanghali ang ingay bilang hudyat ng protesta sa walang habas at kuwestiyo-nableng pagpasok ng administrasyon ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa joint venture agreement (JVA) at pagsasapribado ng mga public market sa Maynila. Ang nakabibinging noise barrage ay isa lamang sa serye ng protestang ilulunsad ng mga manininda laban sa City Ordinance …

Read More »

Market vendors sa Maynila umalma na sa ‘privatization’

MAGLULUNSAD ng “Market Holiday” o isasara ng market vendors sa pito sa 13 pampublikong palengke sa Maynila sa Setyembre 14. Ito’y bilang protesta sa walang habas na pagsasapribado ng administrasyong Estrada sa mga public market sa siyudad na magreresulta sa pagkawala ng kanilang kabuhayan. Ipinadama ng mga tindero sa Dagonoy Public Market sa San Andres ang unang bugso ng kanilang …

Read More »

Mayor Alfredo Lim, tunay na kampeon sa free health care

INAPROBAHAN kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa third at final reading ang House Bill 5999 o “Free Basic Medicine Assistance Act” upang matiyak na ang basic o libreng batayang mga gamot ay laging maipagkakaloob sa mga nangangailangang marallita. Sa panahon ng administrasyon ni Mayor Alfredo Lim ay tinamasa ng mga Manileño ang free health care, libre ang ospital at …

Read More »

Panawagang Tolentino resign, lumalakas

HUMAKOT ng suporta ang online petition na nanawagan sa pagbibitiw ni MMDA Charman Francis Tolentino. “Sobra na, tama na, palitan na,” sabi sa petisyon. Ginagamit daw ni Tolentino ang pondo ng bayan sa maagang pangangampanya sa pagka-senador sa 2016 elections sa halip na lutasin ang mala-impiyernong sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila. Akala ni Tolentino ay madadala niya sa gimik …

Read More »

Mga manok ni PNoy ang bubuweltahan ng OFWs sa 2016

MATAPOS ulanin ng katakut-takot na banat ang kanyang administrasyon, napilitan si Pangulong Noynoy Aquino na ipatigil muna ang panukalang random check sa balikbayan boxes na tinangkang ipatupad ni Commissioner Alberto “Bert” Lina sa Bureau of Customs (BoC). Halatang nayanig si PNoy at ang mga kasamahan sa Liberal Party sa nakabibinging sigaw mula sa mga OFW at ng publiko kaya nagbago …

Read More »

Kasong plunder balewala na

MALAKI ang tsansa na maging kultura na sa gobyermo ang korupsiyon, lalo na ang pandarambong o plunder. Pwedeng sisihin ng publiko ang Korte Suprema nang payagan nilang makapagpiyansa ang may kasong plunder na si Sen. Juan Ponce-Enrile kaugnay sa pork barrel scam. Sa batas ay malinaw na no bail o walang piyansa ang plunder case. Ngayong taon, tatlong beses naglabas …

Read More »

Ginugulo ang isyu ng Torre de Manila

SADYANG inilalayo na ang diskusyon hinggil sa kontrobersiyal na Torre de Manila. Kahit wala pang kaso laban sa DMCI sa pagtatayo ng Torre de Manila sa kanilang sari-ling lupa, hinihirit sa Korte Suprema ng Knights of Rizal na ipagiba ito. Wala naman batas na nagbabawal na magtayo ng gusali sa sarili mong lupa kung natatanaw man ito kapag nagpaparetrato sa …

Read More »

Tambakan ng boto, turuan ng leksiyon ang mga dorobo

MARAMI ang tila nawawalan na ng pag-asa na mapalayas sa puwesto ang mga manggagantso at mandarambong sa gobyerno.  Ang alam kasi nila, ginagamit ng mga walanghiyang opisyal ng gobyerno ang ninakaw nila sa kaban ng bayan para magbayad sa survey firm upang palabasin na popular at gusto pa rin sila ng tao. Umuupa rin sila ng mga “political analyst” para …

Read More »

Villanueva at Bagatsing kulong sa PDAF scam?

MALAMANG kaysa hindi na mas mauuna pang matapos ang paglilitis at mahatulan sa kasong malversation, direct bribery at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang third batch ng mga akusado sa pork barrel scam. Ito’y dahil sa paggiit ng mga akusadong mambabatas na pineke lang ang kanilang pirma kaya wala silang kinalaman sa pork barrel scam, lalo na sina …

Read More »

Balik sa dating “modus” ang tambalang Erap-Ed?

ANTI-CORRUPTION campaign ang pangunahing isinulong ng administrasyong Aquino sa ilalim ng slogan na “tuwid na daan.” Bago maluklok sa Palasyo noong 2010, ipinangako ng noo’y presidential candidate Benigno Aquino III na, “I will not only not steal, but I will run after thieves.” At sa kanyang hu-ling State of the Nation Address (SONA) noong Lunes ay ipinagyabang niya na ipinakulong …

Read More »

Last SONA ni PNoy

ISANG taon na lang ay bababa na sa puwesto si PNoy. Ihahayag ngayon ni PNoy ang kanyang ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA). Tulad nang dati, inaasahang ipagmamalaki na naman niya sa kanyag mga “Boss” ang accomplishments ng kanyang administrasyon sa nakalipas na limang taon. Pero huwag na siyang umasa na marami pa rin ang bibilib sa …

Read More »

 “Chismis” ang ugat ng bribery sa BBL

NAYANIG ang lahat nang mapaulat na umabot sa P400-M ang ipinamudmod ng administrasyong Aquino sa mga kongresista para ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ang ikinagulat ng lahat, ang ipinansuhol umano sa mga mambabatas at multi-milyong pondo ng Liberal Party (LP) ay mula sa Chinese crime lord na si Wang Bo kapalit nang pag-release sa kanya ng Bureau of Immigration. Nang …

Read More »

Sampolan, sibakin si Dir. Nana sa MPD

MARAMI ang umaasa na aayos ang peace and order situation sa bansa sa pag-upo ni Director Ricardo Marquez bilang bagong PNP chief. May paglalagyan daw ang mga abusadong pulis at paiigtingin ang police visibility para maiwasan ang paglaganap ng krimen. Mas lalo tayong bibilib kay Marquez kung magsasagawa siya ng performance audit sa lahat ng regional, provincial at district directors …

Read More »

Peace and order sa Maynila, grabe

SINIBAK kamakalawa ang limang pulis Maynila na sina S/Insp. Salazar, PO3 Ferdinand Valera, PO1 Ronald M Dipacina, PO1 Rhoel  Landrito, PO1 Diomar Landoy, pawang nakadestino sa PCP Gulod Sampaloc, dahil sa pagpaslang sa isang hinihinalang holdaper. Akala ng mga pulis, lulusot ang kanilang press release na napatay sa isang gun battle ang umano’y holdaper. Hindi nila alam na bawat sulok sa …

Read More »

VP Jejomar Binay and the ‘7 Dwarfs’

MARAMI ang natawa nang mapakinggan ang pulong-balitaan ni Vice President Jejomar Binay kamakalawa para pa-bulaanan ang mga alegasyon ng korupsyon laban sa kanyang pa-milya sa isinagawang imbestigasyon sa senado. Sa haba ng litanya ni Binay, wala naman siyang naipakita ni isang dokumento para patunayan na imbento lang ang akusasyon na overpriced nang halos dalawang bilyong piso ang Makati City car …

Read More »

Mayor Alfredo Lim: “Simulain ni Ninoy dapat ipagpatuloy”

MARAMING politiko ang napuwesto at nagsiyaman dahil sa paggamit sa alaala ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. Sa ika-31 anibersaryo ng pagpaslang kay Ninoy at dalawang taon mula sa 2016 elections, ginagasgas na naman ang kanyang ala-ala para magpanggap na kakampi ng demokras-ya. Sila ang maituturing na nag-salvage o pumatay sa simulain na ipinakipaglaban ni Ninoy. Pero iba si …

Read More »

Mayor Lim kay Cory: Tunay na pagpupugay

HINDI matatawaran ang naging ambag ni dating Pangulong Cory Aquino sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa noong 1986 kaya marapat lang na bigyan siya ng kaukulang pagkilala sa ikalimang anibersaryo ng kanyang pagpanaw nitong Agosto 1. Nguni’t taliwas sa naging gawi ng ibang taga-suporta ni Pres. Cory na sabay-sabay na nagpunta sa kanyang puntod, mas minabuti ni Manila Mayor Alfredo …

Read More »

PNoy may respeto sa Korte Suprema

INAAKUSAHAN si Pangulong Benigno Aquino III ng kanyang mga kalaban sa politika at ng mga nagsipaghain ng impeachment na sinusuwag o ‘di raw kinikilala ang Korte Suprema at nagpapasaklolo sa Kongreso upang maidepensa ang Disbursement Acceleration Program (DAP). Kesyo ang epekto raw ay maaaring humantong sa constitutional crisis dahil nagsasapawan ang tatlong co-equal branch ng pamahalaan – ehekutibo, hudikatura at …

Read More »