Friday , November 22 2024

Percy Lapid

Mga testigo, biktima ginagamit ni De Lima

NAAAWA tayo sa mga biktima ng sinasabing summary execution na iniharap sa ipinatawag na pagdinig ni Sen. Leila de Lima sa Senado. Wala silang kamalay-malay na ang minimithi nilang katarungan ay hindi matatamo sa pamamagitang ng Senate o Congressional investigation kung ‘di sa proseso ng batas. Sa ngayon, hindi pa muna nila mahahalata ang tunay na pakay kung bakit sila …

Read More »

‘Basta driver sweet lover’

SABOG ang ngala-ngala ni Sen. Leila de Lima matapos siyang tawaging “IMMORAL WOMAN” ni Pang. Rody Duterte sa ginanap na press conference sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, kamakalawa. Nabulgar na sa publiko ang lihim ng Guadalupe – ang tungkol sa pangangalunya ng isang babae na naturingan pa namang mataas na opisyal sa pamahalaan sa kanyang driver. Noon pa …

Read More »

HB 1397 ni Amante may sentido-kumon

SI Agusan del Norte Rep. Erlpe John Amante ay may panukala na lalong magpapalawak sa kanyang House Bill 1397 (Enhanced Judicial Independence Act of 2015). Nais ni Amante na ipagbawal na ang anomang uri ng karagdagang kompensasyon sa mga fiscal at hukom, kasama na ang lahat ng kawani sa National Prosecution Service at hudikatura. Ang tinutukoy ni Amante ay ang …

Read More »

Revolutionary gov’t imbes Martial Law

NATATAWA na lang tayo sa reaksiyon ng magagaling na mamababatas at miyembro ng judiciary na kapwa co-equal branch ng executive matapos mabanggit ni Pang. Rody Duterte ang Martial Law. Agad nagsermon ang ilang hindi kapanalig ng kasalukuyang administrasyon at nagbabala na hindi puwedeng madeklara ang Martial Law base lamang sa pagsugpo sa ilegal na droga. Ang nasasaad lamang daw sa …

Read More »

Kumambiyo si CJ Sereno

PARANG binuhusan ng malamig na tubig si Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno matapos buweltahan ni Pres. Rodrigo Duterte kaugnay ng inilabas na listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga. Hindi umubra ang animo’y PSYWAR ni Sereno na hingan ng paliwanag si PDU30 sa pagkakasama sa mga ibinunyag na pangalan ng ilang huwes na sangkot sa illegal …

Read More »

“Isumbong mo kay Duterte” sa FB dinaragsa ng reklamo

KAMAKAILAN lang natin napansin ang tambak na palang reklamo ng ating mga kababayan sa “ISUMBONG MO KAY DUTERTE,” isang Facebook account na binuksan ng inyong lingkod mahigit tatlong na ang nakararaan. Layon nito na humakot ng suporta para himukin si noon ay Davao City Mayor Rody Duterte na tumakbong presidente. Ngayong siya na ang nakaupong pangulo, minabuti nating panatilihin ang …

Read More »

‘Taktikang pusit’ lang ang speech ni De Lima sa kampanya vs droga

KUMALABUKOB ang plenaryo ng Senado sa wikang Ingles ng privileged speech na pinakawalan ni Sen. Leila de Lima kamakailan. Hindi mo tuloy iisiping mahirap na bansa ang Filipinas sa malantod na pagkakabigkas ni De Lima sa kanyang privilege speech sa English. Kaya siguro ang Estados Unidos ang pinagpapala dahil napagkakamalan ng tadhana na dito sa Filipinas nanggagaling ang English kaya …

Read More »

Cha-Cha, tuloy na!

BIGLANG nag-iba ang isip ni Pang. Rody Duterte sa planong Charter change (Cha-cha) o pagbabago ng ating Saligang Batas. Constituent assembly (Con-ass) na ang nais ni Pres. Rody sa Cha-cha, imbes sa pamamagitan ng Constitutional convention (Con-con) na una niyang kursunada. Magastos daw kasi ang Con-Con at mas makatitipid ang gobyerno sa Con-Ass. Ang Con-ass at Con-con ay dalawa sa …

Read More »

Religious group ‘bugaw’sa Bilibid

PARANG teleserye na sinusubaybayan ng publiko ang mga nabubukong anomalya sa New Bilibid Prison (NBP). Ang pinakahuling natuklasan ay pakikipagsabwatan ng dalawang dating matataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) at NBP na  nagkamal nang milyon-milyong piso sa pagkonsinti sa mga iregularidad sa bilangguan. Ibinulgar ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na maging ang religious group ay kasabwat sa paglaganap …

Read More »

Voltes V sa Palasyo

PINAGPIYESTAHAN ng publiko ang larawan ng kauna-unahang pagsasama ng apat na dating pangulo ng bansa kasama si Presidente Rody Duterte. Philippine Team ang tawag ni dating Pangulong Fidel Ramos sa kanilang grupong pawang dating Punong Ehekutibo at Pres. Rody na dumalo sa National Security Council (NSC) meeting. Pinag-usapan nila ang isyu ng West Philippine Sea (WPS), federalism, constitutional convention at …

Read More »

Bilang na ang masasayang araw ni Bruhang Burikak

SOBRA ang bilib sa sarili ni Bruha Burikak at sa kanyang amo kaya pala tuloy ang operasyon ng kanyang illegal terminal sa Lawton. Ipinagkakalat niya na kahit mala-korduroy na ni Pres. Rody ang kanyang balat ay importante pala siya sa bagong gobyerno. Sabi niya, kailangan pang humirit ng emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para mapaalis lang ang …

Read More »

EO sa FOI pirmado na!

MARAMI na tiyak ang hindi makakatulog nang mahimbing matapos lagdaan ni President Rody ang Executive Order (EO) na magpapatupad ng Freedom of Information (FOI) sa lahat ng ahensiya na saklaw ng ehekutibo. Siguradong mapupuyat nang husto ang mga dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil puwede nang halungkatin ang mga naging transaksyon nila sa nakalipas na anim na …

Read More »

Sa plunder case: acquitted si GMA, si Erap convicted

MAHIRAP na talagang agawan si dating pangulong Joseph “Erap” Estrada ng titulo bilang convicted plunderer na napatalsik sa puwesto ng EDSA People Power II noong 2001. Malabo nang matupad ang inaasam ni Erap na burahin sa kasaysayan na bukod-tanging siya lang sa mga naging pangulo ng bansa ang nahatulan ng Sandiganbayan sa kasong pandarambong. Minsan na niyang itinulad ang sarili …

Read More »

One-week ultimatum ng Palasyo kay Erap: Lutasin ang trapiko

NAGKUKUMAHOG na ang mga garapata ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada kung paano paluluwagin ang daloy ng trapiko sa Maynila. Madaling araw pa lang ay winawalis na raw ang Claro M. Recto (Divisoria) at sa Rizal Avenue, Carriedo Street hanggang Ronquillo Street, sa Sta Cruz, Maynila, bagay na ngayon lang naisipang gawin ni Erap sa loob ng …

Read More »

Maskara ni Erap

TO THE MAX na sa pagiging desperado si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na makapagbangong-puri sa mga kamalasadohang pinaggagawa sa nakalipas na tatlong taon. Matapos paupahan sa vendor ng P160 kada araw ang bawat orange na hawla, nagpapanggap si Erap na walang kinalaman sa pagdami ng illegal vendors sa buong Maynila. Nakapikit ba si Erap kapag nagbibiyahe …

Read More »

Tandem sa smuggling sina Taba at Logarta sa Bureau of Customs

AYWAN lang natin kung may hawak nang lista-han ng mga smuggler si Commissioner Nicanor Faeldon, ang bagong hepe ng Bureau of Customs (BOC). Hindi matatawaran ang husay ni Faeldon bilang dating Philippine Marine Captain kaya naman naniniwala tayo na hindi siya basta mapaglalangan sa puwestong pinaglagyan sa kanya ni Pres. Rody Duterte. Hindi bagito sa larangan ng smuggling si JD …

Read More »

Takot na takot: Tiklop si Erap kay Pres. Rody

LAHAT ng totohanang hakbang na nakatakdang ipatupad ng administrasyon ni Pres. Rody Duterte laban sa talamak na krimen, illegal na droga, illegal vendors, illegal terminal at mga kolorum ay gustong sakyan ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada. Halatang inuunahan ni Erap ang paglulunsad ng madugong operasyon na ilulunsad ng Duterte administration na sasagasa sa mga illegal na …

Read More »

Buong mundo saludo sa ating pangulo

SALUDO ang buong mundo sa determinasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na puksain ang illegal drugs, korupsiyon at kriminalidad. Wala pang leader sa balat ng lupa na nakagawa na hayagang tinukoy ang mga heneral na sangkot sa sindikato ng illegal na droga. Ang mapangahas na aksiyong ginawa ni Duterte ay nangangailangan nang buong suporta ng mga Filipino dahil ang buhay ng …

Read More »

Babala kay Faeldon: Mag-ingat sa modus na ‘banat de areglo’

SA halip na pagbabanta ay pakiusap at papuri ang narinig ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs kay bagong Commissioner Nicanor Faledon. Hinimok ni Faeldon ang mga opisyal at rank and file employees na tulungan siyang ibangon ang nasirang imahe ng Customs at tiniyak na walang sisibakin sa kanila sa puwesto. Tiwala raw si Faledon na “honest” o …

Read More »

Presidential Proclamation 143 na iniregalo ni PNoy kay Erap dapat ipabawi ni Pres. Duterte

MARAMI ang umaasa sa pagbabagong ipinangako ni President Rodrigo Duterte. Hinihintay nang lahat ang magiging resulta ng kanyang giyera kontra korupsiyon, kriminalidad at illegal na droga. Para mabuko ang korupsiyon, natural na dapat repasohin ang mga pinasok na kontrata ng mga ahensiya ng gobyerno. Unahin na ni Pres. Rody ang mga proclamation na nilagdaan ni PNoy na ang nakinabang ay …

Read More »

Modus ng druglords at mga laboratoryo

LUMIHAM sa atin ang isang dating sekyu at OFW na tagasubaybay ng ating malaganap na programang Lapid Fire na napapanood sa 8Tri-TV (Cablelink TV Channel 7) mula 8:00 am at sabayang napapakinggan sa DZRJ Radyo Bandido (810 Khz) mula 9:00 am hanggang 10:00 am, Lunes hanggang Biyernes. Gumamit siya ng pangalang Wil Morado (hindi niya tunay na pangalan) dahil isa …

Read More »

Pres. Rody Duterte at Mayor Fred Lim iisa ang frequency

KUNG may opisyal ng gobyerno na ang estilo at adbokasiya ay katulad ng pamamahala ni President-elect Rodrigo Duterte, ito ay walang iba kundi si Manila Mayor Alfredo Lim. Si Duterte ay tinaguriang “The Punisher” habang si Lim naman ay si “Dirty Harry” dahil pareho silang naniniwala sa mabilis na pagpapanagot sa mga kriminal upang agarang matamo ng kanilang biktima ang …

Read More »

Itinumba para hindi kumanta

MAGING si President-elect Rodrigo Duterte ay kombinsido na ilan sa mga napapatay na sangkot sa illegal na droga nitong mga nakalipas na araw ay pinatahimik para hindi ikanta ang mga kasabwat na pulis. Nauna na siyang nagbabala sa mga pulis na papatayin niya kapag natuklasan na ang mga itinumbang drug suspects ay kanilang mga alaga. Alam ni Duterte ang ganitong …

Read More »