Thursday , December 26 2024

Jaja Garcia

8 MPD officials, PO3 sinibak (Violent dispersal sinadya — Intel)

SINIBAK sa puwesto ni NCRPO director, Chief Supt.  Oscar Albayalde ang siyam opisyal at pulis ng Manila Police District (MPD) bunsod nang marahas na dispersal sa mga raliyista sa harap ng US Embassy sa Roxas Blvd., Maynila nitong Miyerkoles. Kabilang sa mga sinibak sina Senior Supt. Marcelino Pedrozo, deputy district director for operations ng MPD; Supt. Alberto Barot, station commander …

Read More »

26-anyos estudyante nagbigti

HINIHINALANG problema sa pamilya ang nag-udyok sa 26-anyos estudyante para tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon sa Muntinlupa City. Namatay noon din ang biktimang si Julius Sarino, ng 35 Sampaguita Extension, Lakeview Homes, Brgy. Putatan ng lungsod. ( JAJA GARCIA )

Read More »

2 patay, 1 kritikal sa ambush

PATAY ang dalawang lalaking hinihinalang sangkot sa droga habang kritikal ang kalagayan ng isa pa makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa mga lungsod ng Las Piñas at Makati. Sa pagsisiyasat ng pulisya, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktimang hindi pa nakikilala sa Vatican St.,  BFRV, Talon Dos, Las Piñas City dakong 2:40 am. Samantala, si Arnold Omandac, 33, …

Read More »

Bilibid prison guard itinumba sa droga

HINIHINALANG droga ang motibo sa pagpatay ng riding-in-tandem suspects sa isang dating prison guard ng New Bilibid Prison (NBP), sa loob ng kanyang sasakyan sa Muntinlupa City kamakalawa. Kinilala ni Muntinlupa City Police chief, Senior Supt. Nicolas Salvador ang biktimang si Simplicio Flores, alyas Pitong, nasa hustong gulang. Ayon sa ulat, dakong 7:00 am nitong Sabado, minamaneho ng biktima ang …

Read More »

39 katao arestado sa OTBT ops sa Makati

UMABOT sa 39 katao ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang “One Time Big Time” operation sa Makati City kahapon ng madaling araw. Ayon kay Makati City Police chief, Senior Supt. Rommil Mitra, kabilang sa mga inaresto ay may mga kaso habang ilan ang isinailalim sa beripikasyon upang mabatid kung may nakabinbing kaso. Isinagawa ng pulisya ang anti-criminality operations sa …

Read More »

Nakipagkalas na bebot utas sa tomboy

PATAY ang isang babaeng caregiver makaraan tadtarin ng saksak ng itak ng live-in partner niyang tomboy nang tangkaing makipagkalas sa Parañaque City nitong Martes ng hapon. Namatay noon din ang biktimang si Beberly Marcos, 46, ng 16 Ireland St., Better Living Subd., Brgy. Don Bosco ng lungsod. Habang nakapiit sa detention cell ng Parañaque City Police ang suspek na si …

Read More »

Barker na tulak ng droga kinatay sa Pasay

Stab saksak dead

PATAY ang isang barker na hinihinalang supplier ng illegal na droga makaraan tadtarin ng saksak ng hindi nakilalang lalaki sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ng Pasay City Police, dakong 5:45 am nang matagpuan ang bangkay ni alyas Bong sa Giselle Park Terminal sa EDSA-Rotonda, Brgy. 146. Habang nagpapatrolya ang guwardiyang si Michael Casoyla sa lugar nang matagpuan …

Read More »

2 drug suspect itinumba

BINAWIAN ng buhay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga nang pagbabariling ng dalawang hindi nakilalang mga lalaki sa Parañaque City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktmang sina Rogelio Ebrada at Crisencio Nepomuceno, ng Sta Maria St., Brgy. Valley ng lungsod. Sa nakarating na ulat kay Parañaque City Police, Sr. Supt. Jose Carumba, dakong 11:00 pm habang naglalakad ang mga …

Read More »

4 MMDA traffic enforcer suspendido sa kotong

MMDA

SUSPENDIDO ang apat na traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pangongotong sa ilang motorista sa mga lansangan sa Metro Manila. Inirekomenda ng MMDA-Legal and Legislative Administrative Services na kasuhan ng administratibo ang mga suspendidong traffic constables na sina Crisaldo Lopez, Victor Santos, Mark Richard De Guia, at Resty Padel, bukod sa 90-day preventive suspension. Huli sa …

Read More »

2 salvage victim natagpuan sa Munti

NATAGPUANG patay ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng droga na pinaniniwalaang biktima ng salvage sa NBP Reservation Area, Muntinlupa City kahapon ng umaga. Kinilala ni Muntinlupa City Police chief, Sr. Supt. Nicolas Salvador, ang mga biktima sa alyas na Nonoy at Kalbo. Base sa pagsisiyasat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa Old Piggery, Agro Production Section ng …

Read More »

2 drug suspect patay sa boga

PATAY ang dalawa katao na hinihinalang sangkot sa droga nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa magkahiwalay na lugar sa mga siyudad ng Makati at Parañaque kamakalawa ng gabi. Namatay noon din ang biktimang si Amir Maruhombsar, barker, nang pagbabarilin sa Quirino Avenue, Brgy. Baclaran, Parañaque City. Habang namatay ang hindi nakilalang sinasabing drug user nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga …

Read More »

‘Kill quota’ sa war on drugs itinanggi ng PNP chief

ITINANGGI ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa na may ‘kill quota’ na ipinatutupad sa kanilang giyera laban sa ilegal na droga. Paglilinaw ni Dela Rosa, hindi niya inuutusan ang kanyang mga chief of police na magparamihan nang mapapatay na mga drug suspect. Sinabi ng PNP chief, walang katotohanan ang lumabas na balita na nagtakda siya ng quota. Paglilinaw …

Read More »

Trike driver itinumba ng tandem

PATAY ang isang tricycle driver makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Makati City. Namatay noon din ang biktimang si Jasani A. Hutalla, ng 2011 Ricare St., Brgy. South Cembo ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni SPO2 Jason David, nangyari ang insidente dakong 3:50 am sa panulukan ng Luzon at Aklan Streets, Brgy. Pitogo ng …

Read More »

Ilang pasyente ng MMC nangamba sa Bilibid riot victims

NANGANGAMBA ang ilang pasyente ng Muntinlupa Medical Center sa pagkakaratay ng sugatang tatlong high profile inmates ng New Bilibid Prison (NBP) makaraan ang nangyaring riot sa nasabing piitan kamakalawa. Halos sabay na nagpalipat ng silid ang ilang pasyente na katabi ng silid ng tatlong bilanggo na sina Jaybee Sebastian, Peter Co, at Vicente Sy. Nananatiling bukas ang mga pintuan ng …

Read More »

Bilibid drug lord patay sa ice pick (Sebastian, 3 pa sugatan)

PATAY ang isang Chinese drug lord, at apat iba pang high-profile inmates ang sugatan sa insidente ng pananaksak sa loob ng New Bilibid Prisons nitong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ni Justice Secretary Vialiano Aquirre II ang namatay na si Tony Co. Kabilang sa tatlong high-profile inmates na sugatan sa insidente ay sina Jaybee Sebastian at Peter Co. Ayon kay Aguirre, …

Read More »

9 katao tiklo sa ecstacy

NAKOMPISKAHAN ng 88 pirasong ecstacy at dalawang mineral water na may nakahalong pink na ‘gamot’ ang nahuling siyam katao, kabilang ang limang babae, sa buy-bust operation ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang bahay sa Quezon City nitong Martes ng gabi. Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous …

Read More »

97 pulis positibo sa droga (8 sinibak sa extortion vs drug pushers) — PNP

UMAKYAT na sa 97 pulis at non-uniformed personnel ang nagpositibo sa isinasagawang random drug testing ng PNP. Ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Dionardo Carlos, sa nabanggit na bilang, 91 dito ang PNP personnel habang anim ang Non-uniformed Personnel (NUP). Sa pinakahuling datos mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 16, umabot sa 135,393 personnel ang sumailalim sa random drug test ng …

Read More »

2 drug suspect patay, 14 arestado sa tokhang

PATAY ang dalawang hinihinalang drug suspect habang 14 iba pa ang naaresto sa magkakahiwalay na Oplan Tokhang, Oplan Galugad, at buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa mga lungsod ng Taguig, Makati, Las Piñas at Muntinlupa. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang suspek na si Ferdinand Moldez makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Muntinlupa City. Naaresto sa nasabing insidente …

Read More »

4 bebot nasagip sa hostage taker

APAT kababaihan, kabilang ang isang buntis, ang nasagip ng mga awtoridad sa isang hostage taker sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City nitong Huwebes ng gabi. Napag-alaman, apat oras na binihag ang kababaihan ng suspek na kinilalang si Ruben Azares alyas Boyet, 37-anyos. Ayon sa ulat, dumating sa lungsod ang suspek mula sa Sorsogon upang bisitahin ang kanyang mga kaanak ngunit …

Read More »

Tokhang ikinasa sa exclusive subd

NAGKASA ng “Oplan Tokhang” sa isang exclusive subdivision ang mga operatiba ng Muntinlupa City Police at tinatayang 100 kabahayan ang inikot ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa nasabing siyudad. Ayon kay Sr. Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police, nagsimula silang magpatupad ng “Oplan Tokhang” sa Ayala Alabang Village sa nasabing siyudad dakong 11:00 am kahapon. Kasama ang …

Read More »

Kelot nagbigti (BFF namatay)

BUNSOD nang matinding depresyon dahil sa pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan, nagbigti ang isang 23-anyos alaki sa kanilang bahay kahapon ng umaga sa Pasay City. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Nolasco Bathan, ang biktimang si Bernard Ramirez, ng 164 Gotamco St., Brgy. 16 Zone 1 ng nasabing lungsod. Base sa inisyal na ulat ni SPO1 Giovanie …

Read More »

Drug personality itinumba

PINANINIWALAANG pinatay ng vigilante group ang isang lalaking sinasabing sangkot sa droga at hinihinalang holdaper, makaraan matagpuan walang buhay kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Reywin Lazaro, alyas Palos, nasa hustong gulang, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang. Base sa ulat kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Nolasco Bathan, dakong 2:35 am nang matagpuan …

Read More »

Conjugal visits sa Bilibid suspendido

SINUSPINDE ng New Bilibid Prison (NBP) ang conjugal visits sa maximum security compound simula kahapon. Base sa statement mula sa spokesperson ng PNP Special Action Force (SAF), ang bagong development ay bahagi nang pinahigpit na seguridad sa national penitentiary. Bago ang suspensiyon, ang mga asawa ng mga bilanggo sa Bilibid ay puwedeng matulog sa piitan Sabago ng gabi hanggang Linggo …

Read More »

Hi-end condos, subdivisions next target ng Tokhang

PLANO ng Southern Police District na isunod ang pagpapatupad ng “Oplan Tokhang” sa high-end condominium residences partikular sa Makati at Taguig City pagkatapos ang pagkatok sa mga bahay sa first class subdivision. Inihayag kahapon ni SPD Director Senior Supt. Tomas Apolinario Jr., sinimulan na nilang makipag-ugnayan upang bumisita sa mga condominium building para sa Phase 2 ng anti-illegal drug operations …

Read More »

No terror threats sa Metro Manila – NCRPO

Metro Manila NCR

PINAWI ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pangamba sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa Metro Manila kasunod nang pagpapasabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi. Sinabi ni NCRPO director, Chief Superintendent Oscar Albayalde, walang validated reports kaugnay sa posibleng pagpapasabog ng mga terorista sa Kalakhang Maynila. Idinagdag niyang walang katotohanan ang kumalat na text message dalawang …

Read More »