Thursday , December 26 2024

Jaja Garcia

Japanese nat’l nagbigti sa BI detention cell

dead prison

NAGBIGTI sa tuwalya ang isang Japanese national sa loob ng comfort room ng detention building ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Kage­yasu  Mizusawa, 57, huling nanirahan sa Timpolok, Purok Thunder, Lapu-lapu, Cebu City. Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), …

Read More »

171 katao hinuli sa Parañaque City (Sa anti-criminality ops)

arrest prison

UMABOT sa 171 katao na lumabag sa iba’t ibang ordinansa ang hinuli sa isinagawang anti-criminality operation ng mga operatiba ng Parañaque City Police sa 16 barangay sa naturang lungsod, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Parañaque City Police chief, Senior Supt. Victor Rosete, sinimulan ang operasyon dakong 12:00 am sa 16 barangay at 4:00 am ito natapos. Karamihan sa mga hinuli …

Read More »

2 months extension ng Kuwait sa amnesty program samantalahin (Payo ng DFA sa OFWs)

PINAYOHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Kuwait na samantalahin ang dalawang buwan extension na ibinigay para sa amnesty program ng gobyerno ng naturang bansa para makauwi sila sa Filipinas. Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, base sa ulat ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Vil­la, ang amnesty program ng Kuwait go­vernment para sa mga dayuhang nagtra­tra­baho sa kanilang bansa ay …

Read More »

DFA nakiramay sa US sa Florida school shooting

NAGPAHAYAG ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa gobyerno ng Estados Unidos at sa mga magulang ng namatay na mga estudyante at mga sugatan makaraan ang pamamaril sa isang paaralan sa Parkland, Florida nitong Miyerkoles. “We are deeply saddened over the loss of so many young lives in this shooting incident in Parkland, Florida. Our hearts reach out to …

Read More »

Number coding suspendido ngayong Chinese New Year

KINANSELA ngayong araw (Biyernes) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding o Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) bunsod ng pagdiriwang ng Chinese New Year. Ipinatutupad sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang suspensiyon ng number coding maliban sa mga lungsod ng Makati at Las Piñas na may sariling patakaran. Malaya ang mga motoristang makadaan sa mga pangunahing lansangan …

Read More »

Oil companies nagtaas ng presyo

NAGPATUPAD ng oil price hike ang mga kom-panya ng langis sa kanilang produktong petrol-yo ngayong araw ng Martes. Ang ika-anim dag­dag presyo ay pinangunahan ng  Flying V, na nag­dagdag ng P0.50 kada litro sa gasolina, P0.35 sa diesel at P0.60 sa kerosene, dakong 12:01 ngayong madaling-araw. Sinundan agad  ito ng Total Philippines, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Pilipinas Shell, epektibo 6:00 am. Ang …

Read More »

Kelot ‘nahulog’ sa bus tigok (Sa Parañaque City)

HINIHINALANG nahulog mula sa bus na sinasakyan ang isang lalaking pasahero na natagpuang wala nang buhay sa Parañaque City kahapon ng madaling araw. Pinaniniwalaang sanhi ng matinding pinsala sa ulo, namatay noon din ang biktimang si Ramil Legaspi, 42, ng 212 San Andres St., Navotas City. Natagpuan ng bystanders ang biktima na walang buhay dakong 2:05 kahapon ng madaling araw …

Read More »

Ginang itinumba sa harap ng anak

dead gun police

PATAY ang isang 47-anyos ginang makaraan paputukan ng dalawang beses ng hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo sa harap ng kanyang anak sa tapat ng isang depot store sa Brgy. Almanza Uno sa Las Piñas City, kamakalawa. Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Gregoria Sugita, residente sa Buensamino St., Brgy. BF Homes ng nasabing …

Read More »

Koop ni Bro. Mike, kabahayan ng 36 pamilya nasunog sa P’que

NATUPOK ang isang commercial building na pagmamay-ari ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde sa Barangay San Dionisio, Parañaque City, nitong Sabado ng madaling-araw. Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog dakong 1:00 am at nagsimula umano sa isang grocery, ayon kay Supt. Robert Pasis ng Bureau of Fire Protection. Umabot mang mahigit apat na oras bago naapula ang sunog. Tinatayang …

Read More »

3 Chinese arestado sa pagdukot sa Taiwanese

ARESTADO ng mga elemento ng Parañaque City Police ang tatlong Chinese national na dumukot, nanakit at ilegal na nagdetine sa isang Taiwanese national sa isang hotel nitong 7 Enero ng madaling-araw dahil sa hindi nabayarang utang. Iniharap sa media nina Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., at Parañaque City Police chief, Senior Supt. Victor Rosete ang …

Read More »

Koreano nagbigti sa casino-hotel sa Parañaque

NATAGPUANG naka­bigti ang isang Korean national sa loob ng tinutuluyang kuwarto sa isang casino-hotel sa Parañaque City, kahapon ng hapon. Base sa sketchy report ng pulisya, kinilala ang biktimang si Lee Chang Yong, nasa hustong gulang. Sa ulat, natagpuan ang nakabigting biktima dakong 1:45 pm sa loob ng Room 933, Okada Casino Hotel Manila sa Seaside Drive, Entertainment City, Brgy. …

Read More »

News anchor ng ABS-CBN, 5 pa sugatan (Sa karambola sa EDSA-Shaw)

SUGATAN ang anim katao, kabilang ang reporter at anchorwoman ng ABS-CBN na si Doris Bergonia, at ang kanyang camera man nang mag­karambola ang anim sasakyan sa EDSA-Shaw Boulevard, Mandaluyong City, kahapon ng hapon. Sinabi ni Bong Nebrija, supervising operation manager ng MMDA, isinara nila ang northbound lane ng EDSA sa mga motorista bandang 1:45 pm at binuksan dakong 3:30 ng hapon. …

Read More »

Jamon de bola expired na? (Sa gift giving sa Pasay)

PINABULAANAN ni Pasay Social Welfare Department (PSWD) chief Rosalinda Orobia na expired ang ipinamahaging jamon de bola sa gift giving program ng ahensiya para sa 3,000 street children at kanilang pamilya sa Pasay City nitong nakaraang linggo. Kabilang sa ipinamigay sa mga bata ang Top Meat Premium Ham, tetra juice, mansanas, bagong damit at iba pa. Ayon kay Orobia, nabahiran …

Read More »

Angkas na bagets bawal sa Makati

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng lungsod ng Makati ang mag-angkas sa harap at likod ng motorsiklo at tricycle ng mga menor de edad sa kabila ng kasalukuyang ipinaiiral ng Department of Transportation (DOTr) na ganitong uri ng batas trapiko. Base sa aprobadong Ordinance No. 2017-135, mahigpit na ipinatutupad sa siyudad ang “Children’s Safety in Tricycles and Motorcycles Ordinance.” Nakasaad sa ordinansa, …

Read More »

GMA pinayagan magbiyahe

PINAHINTULUTAN ng korte na makalabas ng bansa si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo. Ito ay kaugnay sa kinakaharap niyang kasong electoral sabotage sa Pasay City court. Sa ipinalabas na release order ni Pasay City Regional Trial Court (RCT) Branch 112 Presiding Judge Jesus Mu­pas, pinayagan ng korte na makabiyahe patungo sa Japan, Hong Kong at Myanmar ang …

Read More »

Empleyado ng Las Piñas City hall patay sa vendor (Sa clearing operation)

Stab saksak dead

PATAY ang isang 60-anyos empleyado ng Las Piñas City Hall makaraan pagsasaksakin ng vendor nang paalisin ang paninda dahil nakaaabala sa kalsada sa clearing ope-ration sa lungsod, kahapon ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Benjamin Lopez y Dela Cruz, Jr., tinamaan ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Habang arestado …

Read More »

Tatang, Onyok tiklo sa amok

INARESTO ng mga pulis ang mag-ama nang mag-amok gamit ang baril at samurai sa Pasay City, nitong Linggo ng gabi. Nakapiit sa Pasay City Police detention cell ang mag-amang sina Renato Ibisate, Sr., 63, at Renato Ibisate, Jr., 30, kapwa residente sa Maricaban. Ayon sa pulisya, hinuli si Renato, Jr. sa harap ng kanilang bahay sa naturang lugar nang mag-amok dakong …

Read More »

2 bigtime pusher tiklo sa P2.9-M shabu sa MOA

shabu drug arrest

ARESTADO ang dalawang hinihinalang bigtime pusher makaraan makompiskahan ng P2.9 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang shopping mall sa Pasay City, nitong Sabado. Iniharap sa mga mamamahayag kahapon ni PDEA Director General Aaron N. Aquino ang dalawang suspek na sina Randy Gatdula, 38, residente sa Type B, …

Read More »

Wildfire sa California minomonitor ng DFA (Pinoys pinaghahanda sa paglikas)

fire sunog bombero

MINOMONITOR ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nagaganap na wildfire sa Ventura County at Los Angeles County sa California na posibleng makaapekto sa 100,000 miyembro ng mga Filipino community doon. Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, dapat i-monitor ang sitwasyon ng mga Filipino sa apektadong lugar kaugnay sa sunog at makinig sa payo ng mga awtoridad doon at maging …

Read More »

7 Caloocan cops sinibak (Hubad-baro niratrat)

INIUTOS ni National Capital Region Police Office chief, Director Oscar Albayalde sa hepe ng Caloocan City Police ang pagsibak sa puwesto sa mga pulis na sinasabing sangkot sa pagpaslang sa isang lalaking kanilang hinuli dahil sa hindi pagsusuot ng damit pang-itaas sa nabanggit na lungsod. Ayon sa NCRPO chief, inatasan niya si Caloocan City Police chief, Senior Supt. Jemar Modequillo …

Read More »

3 sugatan, 60 bahay natupok sa Taguig

TATLO katao ang bahagyang nasugatan habang tinatayang 60  bahay ang nilamon ng apoy at 200 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Bonifacio Global City, Taguig City, nitong Miyerkoles. Hindi binanggit sa report ng pulisya ang mga pangalan ng sugatang biktima. Ayon sa ulat ng Taguig City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang pagsiklab ng apoy sa isang …

Read More »

Magsiyotang tirador ng flat screen TV sa hotel arestado

lovers syota posas arrest

IBANG klaseng modus sa pagnanakaw ang ginagawa ng si-nabing magkasintahan na nahuli  sa isang hotel sa EDSA-Rotonda sa Pasay City nitong Linggo ng gabi. Nagpanggap na customer  ang dalawa na nag-check-in nitong nakalipas na Sabado sa Sogo Hotel Room 310 at Room 520 na sina Christopher Rae Cabuhat, 32 , at Jane Christine Belicario, 30 Pero target nila sa pag-check-in …

Read More »

Transport strike sa unang Lunes ng Disyembre

ILULUNSAD ng transport group ng kanilang ikaapat na transport strike sa 4-5 Disyembre 2017 upang tutulan ang jeepney modernization program ng gobyerno sa darating na Enero 2018. Kinompirma ito kahapon ni George San Mateo, presidente ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper Operators Nationwide (PISTON). NANAWAGAN ang grupong PISTON sa isinagawang press conference sa National Press Club sa Intramuros, Maynila kahapon, …

Read More »

Isabel Lopez binawian ng driver’s license ng LTO

TULUYANG kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng dating beauty queen at aktres na si Maria Isabel Lopez dahil sa paglabag sa traffic and security protocols nang pumasok siya sa ASEAN lane noong nakaraang buwan. Ayon sa ulat, maaa-ring kumuha ng panibagong lisensiya sa LTO si Lopez pagkaraan ng dalawang taon. Pinagmumulta rin siya ng P8,000 para …

Read More »

9 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan (Sa Pasay City)

road accident

SIYAM katao ang sugatan, dalawa sa kanila ang nasa malubhang kalagayan sa pagamutan, maka­raan magkarambola ang tatlong sasakyan sa Diosdado Macapagal Blvd., sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat ni SPO4 Mario Inserto, ng Pasay Traffic Bureau, ang tatlong sasakyang sangkot sa karambola ay isang black Toyota Fortuner, may conduction plate VX 2767, isang L300 van, at isang …

Read More »