Saturday , November 23 2024

Jaja Garcia

400 patay sa tsunami sa Sula­wesi, Indonesia

MAHIGIT 400 katao ang iniulat na namatay sa 7.5 lindol na sinundan ng tsunami sa isla ng Sula­wesi, Indonesia. Umabot sa anim na metro ang taas nang humampas na alon at inanod ang mga residente kasama ang kanilang mga ari-arian. Nagpahayag ng paki­kiramay ang Filipinas sa kalunos-lunos na sinapit ng mga taga-Indonesia. Naghahanda ngayon ang Filipinas sa pagpa­padala ng tulong …

Read More »

4 Chinese sa kidnapping ng kababayan pinalaya ng Pasay Police

arrest prison

ARESTADO ng mga tauhan ng Pasay City Police ang apat Chinese national nang dukutin at saktan ang isang kapwa Chinese na may mala­king utang sa kanila, sa loob ng isang hotel sa lungsod, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon. Kahapon, sinabi ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores,  wala na sa kanilang kus­todiya ang mga suspek na sina …

Read More »

Kelot patay sa loob ng SUV (Sa Las Piñas)

dead gun police

NATAGPUANG patay at tadtad ng tama ng bala sa katawan ang isang hindi kilalang lalaki sa loob ng abandonadong sasakyan sa Las Piñas City, nitong Martes ng gabi. Base sa inisyal na ulat ng sa Las Piñas City Police, dakong 9:00 pm nang natagpuan ang duguang bangkay ng lalaki sa loob ng itim na Mitsubishi Montero na may plakang UOA …

Read More »

2 maintenance vehicles ng MRT nagbanggaan, 6 sugatan

MRT

ANIM katao ang  nasuga­tan, kabilang ang dala­wang empleyado ng Department of Trans­portation (DOTr), nang magbanggaan ang dala­wang maintenance vehicles ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 sa gitna ng Buendia at Guadalupe stations sa Makati City, kahapon ng madaling-araw. Ginagamot sa VRB Hospital sa EDSA-Boni ang mga sugatan na sina Roger Piamonte, lineman at team leader, nagkaroon ng bali sa …

Read More »

Bebot nagbigti sa Las Piñas

WINAKASAN ng isang 25-anyos babae ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Las Piñas City, kahapon ng umaga. Sa ulat ni Las Piñas City Police chief, S/Supt. Marion Balonglong, kinilala ang biktimang si Ma. Annie Furio, walang asawa, residente sa Sitaw St., Evergreen, Pulang Lupa 1 ng nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 9:00 am nang …

Read More »

Magulang sinaksak ng anak

knife saksak

KRITIKAL ang kalaga­yan sa pagamutan ng isang mag-asawa maka­raan saksakin ng kanilang anak na lalaki na sina­sabing may diperensiya sa pag-iisip dahil sa pagka­gumon sa droga, sa Makati City, kahapon ng madaling-araw. Inoobserbahan sa Os­pital ng Makati ang mga biktimang sina Allan Astillero, 48, at Aracelie, 59, residente sa Guiho Extension, Brgy. Cembo ng lungsod. Habang tinutugis ng mga awtoridad …

Read More »

Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit

Gerald German Mary Antonnette German

DAHIL umano sa pro­blema sa pamilya, naga­wang saktan ng bise-alkalde ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa munisipalidad ng Pateros, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Vio­lence Against Women and their Children Act (RA 9262) si Pateros Muni­cipality Vice Mayor Gerald German, 39, resi­dente sa E. Hermosa St., San Roque, Pateros. Samantala, ang …

Read More »

DFA alerto sa missile attack sa Saudi

INAALAM ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may mga Filipino sa 23 katao na nasaktan dahil sa missile attack sa residential area sa Najran Saudi Arabia, kamakalawa ng gabi. Ayon sa Philippine Consulate General sa Jeddah, ang missile, ay pinakawalan mula sa Yemen, at matagumpay na na-intercept at winasak ng Royal Saudi Air Defense Forces bandang 8:00 ng gabi. …

Read More »

Walang Pinoy  casualties sa bagyo at Lindol sa Japan

INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na naapektohan nang matinding hagupit ng Typhoon Jebi sa bansang Japan. Ayon sa DFA, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tokyo at sa Philippine Consulate General sa Osaka. Sa talaan, nasa 280,000 Filipino ang naninirahan sa lugar na hinagupit ng bagyo kaya hindi tumitigil ang ahensiya sa pagmo-monitor para …

Read More »

OFWs sa Libya mag-ingat at maghanda — DFA

MAKARAAN magde­klara ng state of emer­gency ang Tripoli Autho­rity, pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino bunsod ng kagu­lohan doon na kumitil ng maraming buhay. Umapela ang ahen­siya sa mga Filipino sa Lib­ya na gawin ang iba­yong pag-iingat at manatili sa loob ng ba­hay at iwasan ang luma­bas kung hindi naman kinakailangan dahil sa sitwasyon sa Libyan …

Read More »

Chinese nat’l ninakawan sa Macapagal resto

CCTV arrest posas

ARESTADO ang dala­wang hinihinalang mi­yembro ng Salisi gang sa ikinasang follow-up operation ng mga tau­han ng Pasay City Police, makaraan nakaw ang clutch bag ng isang Chinese na naglalaman nang mahigit P4 milyon halaga ng mga gamit at salapi habang kumakain sa isang restaurant sa Pasay City, nitong Ling­go ng gabi. Kinilala ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores …

Read More »

OFW natagpuang patay sa Saudi hotel

INIULAT na isang bangkay ng babaeng overseas Filipino worker (OFW) ang natagpuan sa loob ng isang hotel sa Saudi Arabia. Base sa ulat na ipina­dala sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa konsulada ng Filipinas sa Jeddah, ipinagbigay-alam ng isang concerned mem­ber ng Filipino Com­munity doon ang insiden­te. Hindi inihayag ng konsulada ang pangalan ng biktimang nasa 52-taon gulang. Ayon kay Consul …

Read More »

Rico Blanco, bar owner, 4 pa inasunto sa droga

NAKAKOMPISKA ng shabu, cocaine, marijuana at drug paraphernalia ang mga awtoridad sa Times Bar nang pasukin muli ng mga tauhan ng National Capital Region Police Of­fice at Makati City Police, kahapon ng umaga. Sa bisa ng search war­rant, muling pinasok at ginalugad ng mga awto­ridad ang loob ng high end bar para mabuksan ang dalawang vault sa opisina ng manager …

Read More »

Tserman patay sa ambush sa Pasay

dead gun police

PATAY ang isang ba­rangay chairman maka­raan pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem habang nakau­po sa labas ng outpost ng Brgy. 28, Zone 4, sa Pasay City, nitong Miyer­koles ng gabi. Binawian ng buhay bago idating sa Pasay City General Hospital  dahil sa dalawang tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktimang si Jovie Decena, 47, chair­man ng Brgy. …

Read More »

1 Agosto 1898 kasarinlang kinikilala ng Bacoor City

SA masusing pagsasaliksik sa kasaysayan ng bansa, lumitaw na ang 1 Agosto ang totoong Araw ng Kasarinlan na naganap sa Bacoor, Cavite noong 1898. Ang naturang bagong deklarasyon ay niratipikahan ng 190 municipal presidents mula sa 16 probinsiya na kon­trolado ng rebolu­syunaryong hukbo ng nasabing petsa na nagbabasura sa proklamasyon ng 12 Hunyo 1898 ni isinulat ni Ambrosio R. Bautista. …

Read More »

1 patay, 3 timbog sa kidnap for ransom

NAHAHARAP sa kasong kidnap for ransom at illegal detention ang tatlong pulis na nakata­laga sa PCP-1 ng Taguig City Police. Namatay ang isa nilang kasamahan sa nangyaring enkuwentro sa kanilang mga kabaro sa isang construction site sa Western Bicutan, Taguig City. Agad binawian ng buhay sa insidente ang pulis na si PO1 Gererdo Ancheta, tinamaan ng mga bala ng baril sa iba’t …

Read More »

Pulis timbog sa pananakit, death threat sa 2 binatilyo

DINAKIP ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang pulis-Pasay na uma­no’y nanakit at nagbantang papatayin ang dalawang binatilyo nitong Linggo. Kinilala ang pulis na si Senior Police Officer 2 Randy Fortuna ng Pasay Explosive Ordnance Dispo­sal. Inireklamo si Fortuna dahil sa umano’y pagmu­mu­ra, pananampal at pagbaban­ta ng kamatayan sa dala­wang binatilyo sa loob mis­mo ng …

Read More »

Bangkay ng paslit nahakot sa dump truck

baby old hand

KASAMA ng mga ba­sura, nahakot ng dump truck ang bang­kay ng isang pas­lit sa loob ng isang bag sa Parañaque City, nitong Linggo. Inilarawan ng pulisya ang biktimang nasa edad 2-3, naaagnas na ang katawan kaya hindi na matukoy ang kanyang kasarian,at nakasilid sa brown bag na natatakpan ng sako ng bigas. Ayon sa ulat na natang­gap ni Southern Police …

Read More »

2 kelot sugatan sa ratrat sa inoman

gun shot

MALUBHANG nasugatan ang dalawang lalaki maka­raan pagbabarilin umano sa isang inoman ng tatlong construction worker sa Taguig City, nitong Linggo ng gabi. Inoobserbahan sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga biktimang sina William Cavalida, 48, construction worker, resi­dente sa Purok 7,  PNR Site, Brgy. Western Bicu­tan ng naturang lungsod, at Rolando Edeza, 58, purok leader sa naturang lugar. Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang …

Read More »

2 Japanese nat’l timbog sa pekeng $100 bills

KALABOSO ang dala­wang Japanese nationals makaraan makom­piskahan ng 10 piraso ng pekeng $100 bills at at tinangkang suhulan ang dalawang imbes­tigador ng P50,000 hala­ga sa Makati City, noong Lunes ng hapon. Iniharap sa media nina Southern Police District (SPD) director, C/Supt. Tomas Apo­linario, Jr., at Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon ang mga suspek na sina Noa Shimegi, 27, at Yoshitaka …

Read More »

Chinese nat’l tumalon mula 21/F

suicide jump hulog

HINIHINALANG dahil sa utang sa casino kaya nagpakamatay ang isang 27-anyos Chinese nation­al sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-21 palapag ng tinutuluyang condominium sa Pasay City, nitong Linggo ng gabi. Namatay noon din ang biktimang si Frank Sunk Quan, may asawa, tubong Beijing, China, dating HR manager ng Midas Casino Hotel at pansamantalang tumutuloy sa Unit 2108 Tower B, Antel Condo­minium, …

Read More »

Hacked bar review materials ibinenta, scammer arestado

PINAG-IINGAT ng mga awtoridad ang publiko, partikular ang law students, laban sa mga scammer gamit ang internet kasunod nang pagkakadakip sa isang lalaki na umano’y nagbebenta ng bar review materials ng isang lehitimong review center sa Las Piñas City. Inireklamo ni Attorney Hazel Riguera, pangulo ng Jurists Review Center Inc., na may tanggapan sa 2/F Azucena Arcade, Alabang-Zapote Road, Brgy. …

Read More »

Siklesta dedbol sa bundol ng truck

road traffic accident

PATAY ang isang siklesta makaraan mabundol ng isang trailer truck sa Pasay City, nitong Martes ng gabi. Wala nang buhay nang idating sa San Juan De Dios Hospital ang lalaking tinatayang nasa 60-65 anyos, nakasuot ng puting t-shirt at maong na pantalon, at may mga sugat sa ulo at katawan. Habang nasa kustodiya ng Pasay City Traffic Police ang driver …

Read More »

12 kawani ng MMDA positibo sa droga

MMDA

INIHAYAG ni Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, 12 kawani ng ahensiya ang positibong gumagamit ng ipinag­babawal na droga at kara­mihan sa kanila’y traffic enforcer. Sa press briefing kahapon, sinabi ni Garcia, pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga kawani na gumaga­mit ng ilegal na droga. Ayon kay Garcia, anim sa nabanggit ay nasa job order status, kaya …

Read More »

Usec, TV host nadale ng Ipit Gang sa Makati hi-end mall

MULING umatake ang Ipit Gang sa loob ng isang kilalang mall sa lungsod ng Makati at nakuha ang cellphone ng GMA-7 Unang Hirit host na si Lyn Ching-Pascual at nabik­tima ang isa pang govern­ment official. Sinabi ni Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, nagpunta sa kanilang tanggapan si Lyn Ching-Pascual, 44, ng Brgy. Pansol, Quezon City, para i-report ang nangyari …

Read More »