Thursday , June 4 2026

Hacked bar review materials ibinenta, scammer arestado

PINAG-IINGAT ng mga awtoridad ang publiko, partikular ang law students, laban sa mga scammer gamit ang internet kasunod nang pagkakadakip sa isang lalaki na umano’y nagbebenta ng bar review materials ng isang lehitimong review center sa Las Piñas City.

Inireklamo ni Attorney Hazel Riguera, pangulo ng Jurists Review Center Inc., na may tanggapan sa 2/F Azucena Arcade, Alabang-Zapote Road, Brgy. Pamplona ng nasabing lungsod, ang suspek na si Jake Bryson Dancel, nasa hustong edad, nakatira sa Sitio 3, Bgy. Buttong, Laoag City.

Nahaharap si Dancel sa mga kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175), Electronic Commerce Act (RA 8792) at Intellectual Property Code of the Philippines.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Special Action Unit at Investigation Service (InvS), na-access umano ni Dancel ang website ng Jurists Review Center Inc., ini-record at kinuha ang nilalaman ng nasabing website, at ibinenta sa publiko ang online bar examinations review materials sa halagang P2,500, nang walang pahintulot mula sa naturang review center.

Ginamit umano ni Dancel ang Facebook account name na “Res Nullius” para i-advertise ang pagbebenta ng review materials sa isang Facebook group na “Law Student Help Group Philippines” at ang umano’y pagbabayad ay ginagawa sa pamamagitan ng money courier (Palawan Express).

Dahil dito, nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad laban kay Dancel. Isang agent ang bumili ng halagang P2,500 ng review materials sa suspek na nag­resulta sa pagkakadakip sa kanya sa kanyang bahay sa Laoag City, kamakailan.

Kinompiska mula sa suspek ang dalawang Toshiba hard drive, isang set ng im­provised com­puter, broadband at ang P2,500 marked mo­ney

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …