Thursday , June 4 2026

Kopya ng Fed Con ibibigay kay Duterte ng ConCom

TATANGGAPIN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ngayon sa Palasyo ang panukalang Federal Constitution na bina­langkas ng Consultative Committee na inatasang magrepaso sa 1987 Constitution.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang naturang okasyon ay isang mahalagang hak­bang tungo sa pagtupad ng pangako ni Pangulong Duterte na gawing federal ang uri ng gobyerno mula sa unitary.

Umaasa aniya ang Palasyo na tututukan ito ng Kongreso kasabay nang paghahanda na isumite ang mga pagba­bago sa Constitution sa sambayanang Filipino bilang constituent assembly.

“This is a significant step towards realizing PRRD’s promise to shift to a federal form of govern­ment. Were hoping that Congress will give it much weight as it prepares to submit proposed revisions to the Constitution to the people as a constituent as­sem­bly,” ani Roque.

Ang panukalang Fed Con ay bunga nang mahigit apat-na-buwan deliberasyon ng 22 miyembro ng ConCom na pinamunuan ni dating Chief Justice Reynato Puno.

Matatandaan, inapro­bahan ng ConCom ang draft Fed Con at ang pinakatampok ang pag­likha ng 18 federal states at ang bawat isa ay magkakaroon ng kinata­wang dalawang senador.

Ipagbabawal din sa bagong Saligang Batas ang political dynasty, ngunit mananatili bilang pinuno ng bansa ang pangulo at bise presidente na ihahalal bilang tandem gaya sa Amerika.

Parehong may 4-year term ang Pangulo at bise presidente na puwedeng maiboto muli para sa isa pang termino.

Noong Biyernes ay inihayag ni Pangulong Duterte na nais niyang isama sa probisyon ng bagong Konstitusyon na tapusin ang kanyang termino sa panahon ng transition sa federal mula sa unitary upang pabu­laanan ang akusasyon ng mga kritiko na nais niyang palawigin ang pagkaluklok sa Palasyo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …