Friday , November 22 2024

Jaja Garcia

P1.3-M shabu 3 drug suspects nasakote sa Parañaque

shabu

NASABAT ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City Police ang tinatayang 187 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,271,600 sa tatlong drug suspects sa ikinasang buy bust operation sa Parañaque City, nitong Linggo ng gabi.   Kinilala ni Parañaque City police chief Col. Robin King Sarmiento ang mga suspek na sina Narding Kasinm, alyas …

Read More »

7-anyos todas sa ‘disiplina’ ng tatay

dead

ISANG 7-anyos batang lalaki ang napatay ng kanyang sariling ama nang sapilitang subuan ng pagkain at suntukin sa ulo at katawan dahil ayaw umanong kumain ang anak sa Taguig City, nitong Sabado ng gabi. Binawian ng buhay bago idating sa Taguig-Pateros  District Hospital ang biktimang si Johncel Pedriguez, ng Road 39, Block 5, Lot 12 Barangay North Daang Hari, Taguig …

Read More »

Bebot timbog sa plaka ng SUV

NABUKO ang 53-anyos babae nang harangin ng mga tauhan ng isang automotive company nang magtangkang angkinin ang plaka ng isang sport utility vehicle (SUV) gamit ang pinekeng dokumento, sa Muntinlupa City, Martes ng hapon. Isinailalim sa inquest proceedings sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office sa reklamong falsification of documents ang suspek na si Jovy Olicia, liaison officer ng Zone 4-A, Mabuhay …

Read More »

Sikat na liver spread rehistrado na sa FDA

INIHAYAG ng Food and Drug Administration (FDA) na puwede na muling ibenta sa merkado ang kilalang brand ng liver spread matapos makakuha ng Certificate of Product Registration (CPR) sa FDA. Base ito sa naging pahayag ni FDA Director General Eric Domingo kahapon. Nitong nakalipas na buwan nagpalabas ng advisory ang FDA na nagbabala sa publiko at mga estbalisimiyento na huwag …

Read More »

Pasig River ferry service balik normal (Water lilies hinakot)

Ferry boat

BALIK muli sa normal ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS), ito ang inianunsyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos alisin ang lahat ng tambak na water hyacinths sa Pasig River. Magbibiyahe ang Ferry dakong 6:00 am hanggang 7:00 pm mula Pinagbuhatan-Guadalupe-Escolta at vice versa, mula Lunes hanggang Sabado. Ang mga bukas na ferry stations ay Guadalupe, …

Read More »

Lalabag sa Exclusive bicycle, motorcycle lanes sa Parañaque pagmumultahin

Parañaque

PAGMUMULTAHIN ng Parañaque city government ang lahat ng lalabag sa ordinansa na nagbabawal sa mga sasakyang gumamit ng exclusive bicycle and motorcycle lanes sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue (Sucat Road) sa lungsod simula ngayong Lunes. Sa direktiba ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, inatasan nito ang traffic and parking management office na ipatupad ang City Ordinance 2020-23, na …

Read More »

Pasig River Ferry System suspendido sa water lilies

SUSPENDIDO ang operasyon ng Pasig River Ferry System (PRFS) dahil sa makapal na water hyacinth sa ilog Pasig. Ang suspensiyon ay inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa makapal na water lily sa Ilog Pasig ay nahirapang makabiyahe nang maayos ang mga ferry boat. Naging mabilis umano ang pagdami ng water lily sa ilog tuwing sasapit ang tag-ulan …

Read More »

8 Pinoy seafarers na stranded sa karagatan ng China nakauwi na

OFW

NAKAUWI na sa bansa ang Pinoy Seaferers na stranded sa karagatan ng Ningde City, Fujian Province.   Matapos ang mahabang negosasyon ay napauwi na rin sa Filipinas sa pagpupursigi ng Philippine Consulate General sa Xiamen ang walong Pinoy seafarers mula Fujian Province sa China.   Ang naturang Pinoy seafarers ay noong Mayo pa stranded sa karagatan ng Ningde City, Fujian …

Read More »

25-anyos todas sa saksak

Stab saksak dead

NAPATAY sa saksak ang 25-anyos lalaki habang sugatan ang kaniyang kaibigan makaraan magkaalitan ang grupo, sa Lower Bicutan, Taguig City, nitong Linggo.   Kinilala ni Taguig City Police Chief P/ Col.Celso Rodriguez ang biktimang namatay na si Jefrey Victoria, ng 25D 13th Street, Purok 6B, Lower Bicutan, Taguig na idineklarang dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital.   Ginagamot sa …

Read More »

Nigeria nagtakda ng rekesitos sa travelers

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang provisional quarantine protocols na ipinatutupad ngayon ng Nigeria sa travelers kabilang ang mga Filipino.   Kabilang dito ang pagpresinta ng negative CoVid-19 RT-PCR result sa departure pre-boarding.   Kailangan gagawin ang PCR test 96 hours bago ang departure ng pasahero o sa loob ng 72 hours pre-boarding.   Inoobliga rin ng Nigerian …

Read More »

Sementeryo sarado sa Undas (Dumalaw nang maaga)

cemetery

NAGKASUNDO ang lahat ng Metro mayors na isara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa kanilang nasasakupan sa panahon ng Undas. Ayon kay Metro Manila Council Chairman, at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez batay sa napagkasunduan ng mga alkalde sa buong Metro Manila, isasara ang mga sementeryo simula 29 Oktubre hanggang 4 Nobyembre. Layon nitong matiyak na hindi daragsa sa …

Read More »

Muntinlupa isinailalim sa localized lockdown

Muntinlupa

NAGPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa sa extreme localized community quarantine ang residential compound sa loob ng industrial complex sa Barangay Tunasan dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng CoVid-19.   Iniutos ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na isailalim sa 15-day extreme localized community quarantine (ELCQ) ang RMT 7A Compound simula 12:00 ng tanghali kahapon, 9 Setyembre hanggang tanghali …

Read More »

2 bebot, kelot arestado sa P.4-M shabu

arrest prison

NAKUHA sa dalawang babae at kasamang lalaki ang halos P400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng awtoridad sa Parañaque City, kamakalawa.   Kinilala ni Parañaque City Police chief, Col. Robin King Sarmiento ang mga suspek na sina Menandro Richardson, 40 anyos, binata; Jaren Guenthoer, 23 anyos, dalaga; at Ryza Gesate, 33, dalaga; pawang residente sa Silverio Compound, …

Read More »

Pinaigting na patakaran at regulasyon sa trapiko isinulong ng inter-agency

PALALAKASIN ang pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon ng trapiko para maiwasan ang aksidente o sakuna sa National Capital Region (NCR).   Nagkaisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), Department of Transportation (DOTR), Land Transportation Office (LTO), at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang matutukan ang mga karaniwang …

Read More »

Rape-convict Calauan, Laguna Ex-Mayor Sanchez isinugod sa ospital

ISINUGOD ang dating mayor ng Calauan, Laguna na si Antonino Sanchez sa Ospital ng Muntinlupa dahil sa karamdaman.   Sa ulat, sinabing dakong 10:00 pm nang ibalik si Sanchez sa NBP dahil wala umanong bakanteng kuwarto ang naturang hospital.   Patuloy na inoobersabahan ang kondisyon ni Sanchez sa NBP hospital.   Ayon kay BuCor Director General Gerald Bantag, isinugod si …

Read More »

Pinoy sa Australia nagpasaklolo sa PH (Sa kustodiya ng 2 anak)

ISANG Pinoy na nakabase sa Australia ang humingi ng tulong kina Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin, Jr., matapos ireklamong ‘dinukot’ ng social workers ng Department of Children Services (DoCS) at personnel ng Family Community Services and Justice (FCSaJ) ang dalawang menor de edad niyang mga anak.   Sa reklamo ni Inocencio “Coy” Garcia, …

Read More »

AFP nagbigay pugay sa “Unknown Heroes”

NAGBIGAY ng full military honor at 21-gun salute ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Army (PA), at Philippine Navy (PN) sa mga yumaong sundalo.   Dumating si AFP Chief of Staff. Lt. General Gilbert Gapay sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.   Bandang 8:00 am, pinangunahan ni General Gapay bilang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang …

Read More »

8,000 Pinoys nakauwi na

TINATAYANG higit sa 8,000 Overseas Filipinos (OFs) ang panibagong bilang na natulungana ng pamahalaan para makabalik sa bansa. Bago matapos ang buwan ng Agosto nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mahigit sa 153,000 repatriated OFs nang madagdagan ng 8,329 ngayong linggo. Sa kabuuang 153,124 repatriates, 57,595 ay OFs (37.6%) pawang sea-based habang 95,529 (62.4%) ay land-based. Ayon sa …

Read More »

Buntis natuhog ng bumagsak na bakal sa balikat (Mula sa construction site)

NATUHOG sa balikat ang isang ginang na walong-buwang buntis nang bumagsak ang isang bakal sa ginagawang gusali ng paaralan sa Pasay City, kamakalawa ng hapon. Nasa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima na kinilalang si Angela Iman Crirence, residente sa Comandante Street, Park Avenue, Barangay 88, Zone 1, Pasay City, para isailalim sa operasyon sanhi ng matinding sugat sa kanang …

Read More »

Bike tinangkang nakawin kelot deretso sa presinto

KALABOSO ang 35-anyos lalaki nang maaktohang ginagamitan ng bolt cutter ang naka-padlock na bisikleta upang tangayin sa entrance gate ng Pasay Public Market sa Pasay City, nitong Sabado ng gabi. Nakakulong sa Pasay Police Station ang suspek na si Rey Bandalan, residente sa 1418 Tramo St., Barangay 46, Pasay City sa reklamo ng biktimang si Jomari Bendicio, 26 anyos, sales …

Read More »

2 Pinoy pa namatay, 31 sugatan sa Beirut (Sa huling ulat ng DFA)

UMABOT na sa apat na Filipino ang iniulat na namatay habang 31 ang sugatan sa nangyaring malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon nitong Martes. Ito ang nabatid sa pinakauling ulat na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon. “We are saddened by the latest turn of developments. The higher figure comes as our embassy personnel work to ascertain the …

Read More »

9,569 Pinoys abroad tinamaan ng COVID-19

PUMALO na sa 9,569 kabuuang bilang ng mga Pinoy abroad ang kompirmadong nagpositibo sa COVID-19 mula sa 71 bansa at rehiyon.   Ito’y matapos madagdagan ng 13 overseas Filipino ang nagpositibo sa COVID-19 na naitala sa Asia Pacific Region.   Ayon sa DFA sa nasabing bilang, 3,326 ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang mga ospital.   Nanatili sa 5,572 …

Read More »

DFA consular offices sarado sa MECQ areas

SUSPENDIDO pansamantala ang operasyon ng Consular Affairs Office sa Aseana, Parañaque City at ilang consular offices sa Metro Manila.   Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA)ang nasabing suspensiyon ay alinsunod sa mga alituntunin ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).   Suspendido rin ang operasyon ng Consular Offices sa Malolos, Dasmariñas, Laguna, at Antipolo simula bukas 4 Agosto hanggang 18 …

Read More »

2 ex-OFWs, 1 pa timbog sa P3.4-M shabu

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency  – Special Enforcement Service (PDEA-SES), Regional Office – National Capital Region, at Taguig City Police ang nabulagang tatlong suspek sa ikinasang buy bust operation na nakompiskahan ng tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu, sa Barangay Western Bicutan, Taguig City, nitong Miyerkoles ng hapon.   Kinilala ang mga suspek na …

Read More »

167 Filipino seafarers dumating na sa bansa

NASA bansa na ang karagdagang 167 Filipino seafarers mula sa Germany.   Dumating mula Hamburg International Airport lulan ng charteted Condor airlines flight ang nasabing seafarers na mula sa iba’t ibang maritime companies.   Ang pinakamalaking bilang ng crew members na may 70 manggagawa ay mula sa kompanyang Marlowe Shipping Management Company na nakabase sa Germany.   Isinagawa ang repatriation …

Read More »