Tuesday , January 31 2023

Sikat na liver spread rehistrado na sa FDA

INIHAYAG ng Food and Drug Administration (FDA) na puwede na muling ibenta sa merkado ang kilalang brand ng liver spread matapos makakuha ng Certificate of Product Registration (CPR) sa FDA.

Base ito sa naging pahayag ni FDA Director General Eric Domingo kahapon.

Nitong nakalipas na buwan nagpalabas ng advisory ang FDA na nagbabala sa publiko at mga estbalisimiyento na huwag bumili ng Reno Liver Spread dahil hindi pa ito rehistrado sa kanilang ahensiya.

Aniya, kung hindi rehistrado ang produkto sa FDA ay nangangahulugang hindi ito dumaan sa proseso para matiyak ang kalidad at kaligtasan ng isang produkto.

Gayonman, kahit walang CPR ang Reno, una nang nakakuha ng License to Operate (LTO) ang manufacturer ngunit hindi nakompleto dahil walang ini-apply na CPR para aprobahan, requirement din ito para mai-release ang produkto sa merkado.

Sinabi ng FDA, inire-require nila ang dalawang uri ng authorization sa mga processed food product bago ito maibenta sa merkado.

Ang  basic requirements na ito ng FDA ay simula pa noong 2009 alinsunod sa Republic Act No. 9711 o FDA Act of 2009. Noong 28 Disyembre 2009, isang joint issuance sa pagitan ng DA at Department of Health ang ipinalabas na naglilipat sa mandato ng regulasyon mula sa DOH-FDA patungo sa DA-NMIS.

Nang ibalik ang mandato sa DOH-FDA sa pamamagitan ng RA10611 o Food Safety Act of 2013, ay naging fully implemented noong Mayo 2017.

Nakakuha ang Reno Food Incorporated ng LTO bilang manufacturer, bukod sa existing LTO bilang repacker pero hindi naman sila tumugon sa sinabi ng FDA inspectors na kumuha rin ng CPR para sa kanilang mga produkto kabilang ang Reno Liver Spread. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Scam fraud Money

Sa takot sa asawa na malamang na-scam
GINANG NAGTANGKANG MAGPATIWAKAL

NAGTANGKANG magpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan nang pagtalon sa isang footbridge dahil umano …

shabu drug arrest

Nag-aabutan ng shabu sa Vale
2 TULAK, HULI SA AKTO

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan …

marijuana

Drug group member, kasabwat nabingwit sa drug bust

KULONG  na  ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang miyembro ng “Zaragosa drug group” …

prison rape

Most wanted sa Vale
KELOT, HOYO SA KASONG STATUTORY RAPE

HULI ang isang 18 anyos na kelot na listed bilang most wanted sa kasong statutory …

cyber libel Computer Posas Court

Sex offenders database itinutulak ng senador

ITINUTULAK ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagtatatag ng isang pambansang database ng mga sex …

Leave a Reply