CEBU CITY – Tumagal ng siyam na oras ang ginawang negosasyon ng mga awtoridad sa isang ama na nang-hostage sa tatlo niyang mga anak sa Sitio Camalig Bato, Brgy. Tabok, Lungsod ng Danao, Cebu, simula kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Eduardito Durano, 49, walang trabaho, residente sa nasabing lugar at isang ex-convict. Ayon kay Sr. Insp. Cesar …
Read More »Kapatid ng DILG R-12 official, 1 pa huli sa drug ops
KORONADAL CITY – Arestado sa drug buy bust operation ng mga awtoridad ang half brother ng opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 12 at isa pang pinaniniwalaang drug user/pusher, sa Prk. Pinagbuklod, Rizal Extension, Brgy. Zone 4, Lungsod ng Koronadal. Kinilala ang mga nahuli na sina Dominador Pasion Cabrido, Jr., half brother ni DILG-12 Assistant Regional …
Read More »16.39% pumasang bagong pulis
UMABOT lang sa 2,070, o katumbas ng 16.39% ang pumasa sa mga kumuha sa Philippine National Police (PNP) Entrance Exam ng National Police Commission (NAPOLCOM). Ang nasabing resulta ay mula sa kabuuang 12,631 examinees sa katatapos na PNP entrance examination noong Abril 27, 2014 sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ani NAPOLCOM Vice-Chair and Executive Officer Eduardo Escueta, ayon ito …
Read More »OWWA chief sinibak ni PNoy
SINIBAK ni Pangulong Benigno Aquino III si Carmelita Dimzon bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ipinalit sa kanya si Labor Assistant Secretary Rebecca Calzado. Inihayag kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang pagtalaga kay Calzado ngunit hindi niya binanggit ang dahilan sa pagtanggal kay Dimzon. Magugunitang sa administrasyon ni Dimzon ay nasangkot ang ilang welfare officers …
Read More »Pokwang, ‘di maiwasang pagnasaan si Zanjoe
ni DOMINIC REA HINDI maitago ni Mamang Pokwang ang kanyang pagnanasa sa leading man nitong si Zanjoe Marudo. Ayon kay Mamang Pokwang, “kahit sinong babae kung ganito ka-guwapo ang lalaki, naku, ewan ko na lang!” kuwelang tugon pa sa amin ni Mamang. Pinag-usapan kasi ang eksenang seksi nilang dalawa ni Zanjoe. Napakaraming kissing scenes rin daw ang kinunan sa kanilang …
Read More »Makaya kayang maging totoong lalaki ni Arnel sa Rak of Aegis?
ni Danny Vibas BAKLAIN kaya ni Arnel Ignacio ‘yung role n’ya bilang Fernan sa Rak of Aegis musical ng PETA (Philippine Educational Theater A ssociation) na magsisimula nang ipalabas sa June 20? Ka-alternate nina Julienne Mendoza at Nor Domingo si Arnel bilang Fernan, ang developer ng subdivision na may diperensiya ang drainage system kaya noong bumagyo ay sa Barangay Venezia …
Read More »Parada ng mga sikat sa GRR TNT
ISA na namang katangi-tanging panoorin ang hatid ng programang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV. Kakapanayamin ni Mader Ricky ang world class beader-designer na si Amir Sali (kasama ni RR sa kalakip na larawan). Dahil sa artistikong paggawa niya ng mga damit ay sumikat siya ‘di lang dito sa sariling …
Read More »Kapipili, napunta sa bungi!
ni Pete Ampoloquio, Jr. Natatawa siguro sa ngayon ang gandarang misis ng isang action star na pinagpalit niya sa isang di kagandahang chick na meron palang ginagawang nakaririnding eksena off-cam. Hahahahahahahahahahaha! Laman kasi ng mga gossip columns lately ang nakaa-amuse na eksena ng feeling desirable at sexy na starlet na may kalakihan ang ilongski na nang dumalaw raw sa isang …
Read More »Mag-amang Freddie at Maegan Aguilar kapwa biktima
ni Art T. Tapalla HINDI tayo nagulat sa naganap na pagbaba-ngayan sa pamamagitan ng media ng mag-amang Freddie at Maegan Aguilar. Sa mga naglabasang pahayag mula sa da-lawang kampo, merong hindi pagkakaunawaan ang mag-ama na sangkot ang bagong asawa ni Ka Freddie, na sana’y sila na lang ang nag-ayos at hindi na inilabas sa media. Very unlikely para sa mag-ama …
Read More »Peste sa niyog kinasahan ng Palasyo
IPINALABAS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon ang Executive Order 169 para sa pagpapatupad ng emergency measures sa Region 4 o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Basilan kasunod ng pananalasa ng coconut scale insect o peste sa niyog. Ang EO ay batay sa rekomendasyon ni Presidential Assistant on Food Security and Agriculture Modernization Francis Pangilinan. Sakaling hindi …
Read More »Tsinoy todas sa ice pick
SAMPUNG tama ng saksak ng ice pick sa katawan ang tumapos sa buhay ng Filipino-Chinese nang pagtulu-ngan saksakin ng magka-patid sa Pasay City, kama-kalawa ng gabi. Agad dinala sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Kristoffer Chan, 36, emple-yado, ng 1745 Cuyegkeng St., pero namatay habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor. Nasakote ng mga tauhan ng Station Investigation and …
Read More »Mason patay sa atake sa puso
PATAY na nang makita ng kanyang kabaro, ang 49-anyos mason, hinalang inatake sa puso sa loob ng barracks sa pinagtatrabahuhang konstruksiyon sa Sampaloc, Maynila iniulat kahapon Ayon kay SPO1 Rommel del Rosario, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, may anim oras nang patay ang biktimang si Samuel Rico Cubacub, ng 622 Cavo F. Sanchez , Mandaluyong City, bago natuklasan ng …
Read More »Generals na nagbenta ng AK-47 sa Neps parusahan
TINIYAK ng Malacañang na parurusahan at hindi kukunsintihin ang mga opisyal ng PNP na nagbenta ng AK-47 sa mga rebeldeng NPA. Magugunitang nakatakdang kasuhan ng CIDG ang ilang aktibo at retiradong heneral na napatunayan may kinalaman sa pagpuslit ng high-powered firearms sa mga kalaban ng estado. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi maaaring palampasin ang ganitong katiwalian na …
Read More »Pork trial ikinakasa na ng Sandiganbayan
NAGHAHANDA na ang Sandiganbayan sa isasagawang pork barrel trial makaraan ibasura ng Ombudsman ang lahat ng mosyon ng pangunahing mga akusado sa kaso. Ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, normal lang na may mga paghahanda dahil malaking kontrobersiya ang kanilang isasalang sa paglilitis. Kaugnay nito, mahigpit na ipagbabawal ang ano mang media coverage at live reports sa paglilitis. Gayonman, …
Read More »Drilon kontra sa aresto sa Senado (Plunder isinampa sa Sandiganbayan)
INIHAYAG ni Senate President Franklin Drilon kahapon, hindi niya hahayaan arestuhin ang kanyang kapwa mga senador na sangkot sa pork barrel scam, habang nasa sesyon ang Senado. Ayon kay Drilon, hindi niya pahihintulutan ang mga awtoridad na isilbi ang warrant of arrest sa loob ng session hall o sa Senado, bilang respeto sa institusyon. Ang Senado ay may sesyon hanggang …
Read More »Starlet nagbenta ng condo sa ospital
DUMIPENSA ang starlet na si Krista Miller kaugnay sa pagbisita niya sa Sputnik Gang leader at convicted drug lord na si Ricardo Camata sa Metropolitan Medical Center noong Mayo 31. Nalagay sa kontrobersya si Miller sa nabunyag na pagdalaw niya lalo’t isa si Camata sa tatlong high profile inmates sa New Bilibid Prison na dinala sa ospital nang walang pahintulot …
Read More »P1.5-M shabu nasamsam sa babaeng tulak
IPRINESENTA sa media ni Quezon City District Director, Chief Supt. Richard Albano ang 670 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon, nakompiska mula sa suspek na si Jody Daranciang, 30, ng 23-B, Road 10, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, ng mga operatiba ng District Anti-illegal Drugs – Special Operations Task Group (DAID-SOTG), sa pangunguna ni S/Insp. Roberto Razon, Sr. …
Read More »Pamilya huli sa Marijuana
ARESTADO ang walong miyembro ng pamilya Arabia makaraan mahuli sa aktong nagbabalot ng marijuana sa kanilang bahay sa Purok 1, Camarin, Caloocan City, sa isinagawang raid kamakalwa ng gabi ng mga operatiba ng NPD-District Special Operation Unit (DSOU). (ALEX MENDOZA) Arestado ang walong miyembro ng pamilya Arabia, nang maaktuhang nagre-repack ng pinatuyong marijuana sa kanilang bahay sa Purok 1, Camarin, …
Read More »Utol, misis ‘may relasyon’ inutas ni mister
INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Mandaue City, Cebu dahil sa pagpatay sa kanyang misis at sariling kapatid dahil sa hinalang may relasyon ang dalawa. Natagpuan nitong Huwebes ang bangkay ni Ashela Antipuesto na may tama ng bala sa dibdib sa kanilang apartment. Kwento ng mga kapitbahay ni Antipuesto, narinig nilang nagtatalo ang biktima at ang mister niyang …
Read More »Abhaya Mudra
ANG Abhaya Mudra ay tinagurian bilang “Energy of No Fear”. Ito ay popular Buddha hand gesture na matatagpuan sa maraming home décor items na may imahe ng Buddha, ito man ay sculptures, salarawan o candleholders. Ang Abhaya ay isinalin mula sa Sanskrit bilang “fearless”. Ang Abhaya Mudra ay Buddha na nakabukas ang palad nang nakataas na kamay, sa chest level …
Read More »Ang Zodiac Mo
Aries (April 18-May 13) Hindi pabor ngayon ang matapang na mga inisyatibo. Taurus (May 13-June 21) Huwag mangamba sa biglaang mga pagbabago. Gemini (June 21-July 20) Ang proseso ay higit na mahalaga kaysa resulta ngayon. Cancer (July 20-Aug. 10) Isantabi ang mga pangamba at i-enjoy ang simpleng pamumuhay. Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kung posible, tapusin kung ano man ang mga …
Read More »Nalalagas ang ngipin
To Señor, Nanagnp po aq na nanlalagas ang ngipin ko sa dream,at hnd lng to isang beses nanyari sa dream ko,anu po b ibig sbhin nun,pki interpret pomtnx, Rose po ng Paranaque 2. (09391804643) To Rose, Ang panaginip hinggil sa natanggal o nalalagas na ngipin ay kabilang sa tinatawag na most common dreams. Ang ganitong panaginip ay maituturing na hindi …
Read More »Kotse minaniobra ng tuta patungo sa sapa
NAPASOK sa trobol ang nerbyosong 12-week-old German shepherd puppy makaraan imaneho ang kotse ng kanyang amo patungo sa sapa. “She’s a handful,” pag-amin ng amo ni Rosie na si John Costello, ng Canton, Massachusetts. Nangyari ang insidente makaraan paandarin ni Mr. Costello ang makina ng kanyang kotse matapos niyang ipasyal ang tuta malapit sa isang sapa. “The dog jumped in …
Read More »Barado si manloloko
ITO po un kanta ni Villar sasagutin natin lahat ‘yun. 1) Nakaligo na ba si Villar ng dagat ng basura? A: ‘Di pa kaya, naliligo sila sa bath tub at jacuzzi 2) Nag-PASKO na ba si Villar sa gitna ng kalsada? A: ‘Di pa, laging sa bahay nila siya nag- paPASKO, ang tataas nga ng mga christmas tree niya eh …
Read More »Gusto n’yo bang bumili ng tangke?
HINDI man namuhay si Jacques Mequet Littlefied sa pambihirang paraan, pumanaw siya sanhi ng sakit na kanser sa edad 59 anyos noong 2009. Subalit kakaiba din naman ang iniwan ng mayamang San Francisco Bay Area collector dahil kabilang sa kanyang koleksyon ay apat na dekada ng sari-saring mga sasakyang de giyera. Tunay nga, mga tangkeng nagmula pa sa nakaraang digmaang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com