Friday , December 27 2024

hataw tabloid

Wage hike sa titsers didiskartehan ng palasyo

PINABORAN ng Malacañang ang dagdag na sahod sa mga guro sa buong bansa. Ginawa ni Communications Sec. Sonny Coloma ang pahayag kasunod ng kilos protesta ng mga pampublikong guro sa Kongreso para humiling ng wage increase. Sa kasalukuyan, tumatanggap ang mga guro nang mahigit P18,000 kada buwan sa entry le-vel kahit dapat P30,000 para sa disenteng pamumuhay. Sinabi ni Coloma, …

Read More »

3 baby girl isinilang ng Caviteña

TATLONG baby girl ang isinilang ng isang 21-anyos ginang sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital. Dakong 4:30 a.m. kahapon nang isilang ni Maria Teresa Madeja, ng Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite ang tatlong malulusog na sanggol sa caesarian section ng ospital. Iprinesenta ng mga staff ng DJFMH mula sa Neo-natal Intensive Care Unit, sa mga photo journalist ang tatlong sanggol. Papangalanan …

Read More »

Strike three sa prostitusyon ng Pasay club

ANG pagduruda sa sinseridad ng gobyerno ng Pasay na burahin ang prostitusyon sa kanilang lugar ay lumulutang sa tuwing may night club na kahit ni-raid na ng mga awtoridad ay patuloy pa ring tumatakbo na parang walang nangyari. Bilang halimbawa, sinalakay ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang Universal KTV sa F.B. Harrison Street malapit sa kanto ng …

Read More »

Kung buhay lamang ang best friend ni Binay na si Lito Glean

NAKABIBILIB ang ipinakikitang paninidigan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na pamunuan ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-committee sa bintang na malawakang katiwalian sa Makati City partikular sa panahong si Vice President Jejomar Binay pa ang alkalde nito. Mula sa Senate Resolution No. 826, gumulong ang imbestigasyon sa overpriced Makati Parking Building, na sinimulan ang konstruksiyon noong nakaupo pang …

Read More »

Davao PNP Chief kinasuhan ni misis sa DOJ

KINASUHAN ng kanyang misis sa Department of Justice (DOJ) ang hepe ng Davao Police na si Senior Superintendent Vicente Danao. Paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004 ang inihaing reklamo ni Ginang Susie Danao. Kwento ng ginang sa kanyang reklamo, taon 2002 hanggang 2013 nang makaranas siya at kanyang mga anak ng physical …

Read More »

DMIA sa Clark, Pampanga ginagamit ng ‘sindikato’ ng human trafficking na kinakandili ni alyas kabayo

ANG Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) umano ngayon ang lunsaran ng human trafficking activities ng mga illegal recruiter at mga kasabwat nila sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Dito umano sa DMIA umaalis ang maraming overseas Filipino workers (OFWs) na puro ‘REPRO’ ang papeles ng OEC POEA. Ano po ang ibig sabihin ng reproduction (repro)?! Ito po ‘yung dokumento na overseas …

Read More »

MPD police station 1, bagsak sa PNP Code-p!

HINDI natin alam kung tinatamad nang magtrabaho ang mga pulis na nakatalaga d’yan sa Manila Police District Raxabago Station (PS 1) o hindi talaga nila alam kung ang tungkulin nila sa mamamayan. Hindi na ako magtataka kung bakit tanging ang MPD PS-1 ang paboritong hagisan ng Granada! Kung hindi pa nagsumbong kay MPD CDDS chief S/Supt. Gilbert Cruz ‘yung isang …

Read More »

2015 budget ng PNR lumobo

INAASAHANG aangat ang serbisyo ng Philippine National Railways (PNR) sa susunod na taon. Ito ang tiniyak ni PNR General Manager Joseph Allan Dilay makaraan kompirmahing tumaas ang naaprubahang badyet para sa kanilang tanggapan. Unang lumabas sa mga ulat na mula sa P1.2 bilyong panukalang 2015 budget ng PNR, tinapyasan ito ng Budget Management Department at bumaba sa P546 milyon ngunit …

Read More »

Retired principal utas sa utol na retired teacher

KORONADAL CITY – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang retired principal makaraan barilin ng kanyang kapatid na retired teacher kahapon ng umaga sa Brgy. Topland, Koronadal City. Kinilala ang biktimang si Francisco Arcallo, 67, retired principal, binaril ng kanyang nakababatang kapatid na si Piloteo Arcallo, isang retired teacher. Ayon sa inisyal na report, away sa lupa ang …

Read More »

Suspension vs Gov. Tallado sa sex scandal

POSIBLENG masuspinde si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado kaugnay ng kinasa-sangkutang eskandalo sa pagkakaroon ng kala-guyo. Ayon kay Civil Service Commission (CSC) Chairman Francisco Duque III, hindi magandang halimbawa at/o modelo ang ginawa ni Tallado. Sinabi niya, alinsu-nod sa Administrative Code of 1987, bilang isang public official ay nagdulot ng kahihiyan hindi lamang sa kanyang opisina kundi sa buong probinsya …

Read More »

Reblocking ng DPWH ipinatigil ng MMDA

IPINATIGIL muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Public Works & Highways (DPWH) ang pagpapatupad ng road re-blocking sa ilang lugar na apektado ng proyekto at ang number coding sa provincial buses upang mabigyan daan ang paggunita ng Undas. Suspendido ang number coding na ipinatutupad sa provincial buses simula ngayong araw (Oktubre 30), base sa abiso ng …

Read More »

Matansero todas sa bilas

DALAWANG tama ng bala ng baril sa kanang sentido ang tumapos sa buhay ng isang meat butcher nang barilin ng kanyang bilas at isa pang kasamang lalaki kaugnay sa alitan kung sino ang magmamay-ari ng bahay na kanilang tinirhan kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Patay agad ang biktimang si Bayani Baron Pensan, 34, ng 15 A, Saint Joseph St., …

Read More »

4 patay, 2 sugatan sa pagsalpok ng pick-up

NAGA CITY – Apat katao ang patay habang dalawa ang sugatan makaraan sumalpok sa punongkahoy ang isang sasakyan sa Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte, dakong 12:15 a.m. kahapon. Kinilala ang mga namatay na si Raisa Antoinette Azensa, 25, private nurse sa Camarines Norte Provincial Hospital, at ang mga kasama niyang menor de edad na sina Mathew De Leon at Jed …

Read More »

Sino si Alyas Vidal at Bayong sa BOC?

KAYA naman pala ubod ng tapang at talagang astig ang dating nitong si alyas VIDAL kupal di-yan sa bakuran ng Bureau of Customs (BOC) ay dahil sa hiniram nitong kamandag sa isang nagngangalang BAYONG. Napakaraming players diyan sa Aduana ang pinahihirapan nitong si VIDAL. Mga brokers at consignees na hinihingian nito ng P230-280K per container para sa ‘problem free release’ …

Read More »

4.8-M pamilyang Pinoy nakaranas ng gutom (Sa 3rd quarter ng 2014)

TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nakaranas ng gutom nitong ikatlong quarter ng 2014. Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa nitong Setyembre 26 hanggang 29, 22% ng respondents o katumbas ng tinatayang 4.8 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan. Sa 22%, 17.6% o 3.8 milyong pamilya ang nakaranas ng …

Read More »

Buntis, 13 pa timbog sa droga

DAGUPAN CITY – Inaalam ng mga awtoridad kung mayroong sindikato ng illegal na droga sa likod ng illegal transaction ng 14 kataong nahuli ng mga pulis kabilang ang isang buntis, sa malaking buy bust operation sa lungsod ng Dagupan. Inamin ng mga awtoridad na hirap ang kapulisan sa operasyon ng droga sa lungsod partikular sa Sitio Aling na pinamumugaran ng …

Read More »

PNoy, natauhan din? at ‘himala’ sa Gentleman sa QC

PNOY atras na sa 2016! Hay salamat at natauhan din ang Pangulong Noynoy Aquino sa pangarap niyang siya pa rin ang dapat maging pangulo hanggang 2022. Teka anong natauhan, hindi naman siya ang may gustong manatili sa Palasyo kundi ang kanyang mga alipores na nakapaligid sa kanya—mga alipores na gutom pa rin sa kapangyarihan… mga alipores na kaliwa’t kanan ang …

Read More »

Janitor naburyong nagbitay (Walang pera, walang buhay)

NAGBIGTI ang isang 40-anyos janitor bunsod ng problema sa pera kamakalawa ng gabi sa San Andres Bukid, Maynila. Kinilala ang biktimang si Fernando Fernandez, ng 1237-D Mataas na Lupa, San Andres Bukid, Maynila, nagbigti gamit ang sweat shirt na itinali sa kanyang leeg. Sa imbestigasyon ni PO1 Crispino Santos, dakong 11 p.m. nang matuklasang nagbigti ang biktima. Napag-alaman, isang linggo …

Read More »

Mag-asawang senior citizen tinarakan ng lasenggong pamangkin

KAPWA sugatan ang mag-asawang senior citizen dahil sa pananaksak ng kanilang lasing na pamangkin matapos pag-sabihan tungkol sa palagi niyang pag-iinom sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City. Ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sina Carlos Alipin, 69, Elena Dein, 64, residente sa 975 Ilang-I-lang St., Barrio Concepcion, Brgy. 188, Tala ng nasabing lungsod. Agad naaresto ang …

Read More »

Pnoy sumunod sa kanyang “Boss”

I urge you, brothers, in view of God’s mercy, to offer your bodies as living sacrifices, holy and pleasing to God—this is your spiritual act of worship. –Romans 12:1 TINULDUKAN na rin ni Pnoy ang matagal nang bumabalot na intriga na umano’y nais niyang mapalawig pa ng 2ndterm ang kanyang panunungkulan sa Malacañang. Sa isang pagtitipon, sinabi ni Pnoy na …

Read More »

Luho ng mga Sikat –Part 3

Kinalap ni Tracy Cabrera HANGGANG may mga sikat, patuloy ang mga kuwento ng kanilang luho at sinasabing extravagant life style. Dangan nga lang ang karamihan sa mga kuwentong ito ay mga urban legend lamang, ngunit mayroon din namang totoo. Narito ang ilan sa mga luho ng mga sikat na maaaring hindi n’yo alam pero ngayo’y kamamanghaan . . . US$276,000 …

Read More »

Resto-negosyo, iayon sa Feng Shui

Lady Choi KUNG ikaw ay mayroong negosyo gaya ng isang restaurant o simpleng karinderya, nagnanais na makahikayat ng maraming bisita, at maging sikat dahil sa pagkakaroon ng komportable, positibong atmosphere at masarap na pagkain, ang enerhiya at kaaya-ayang init ay kailangang dumaloy palabas ng coccyx area.   KUNG ikaw ay mayroong negosyo gaya ng isang restaurant o simpleng karinderya, nagnanais …

Read More »

Ang Zodiac Mo

Aries (April 18-May 13) Ikaw ang magiging trouble maker ngayon sa pamilya bagama’t hindi mo intensyon. Taurus (May 13-June 21) Ang komunikasyon ng magiging malaking isyu ngayon, ang iyong enerhiya ay tugma sa pakikipagkonekta sa mga tao. Gemini (June 21-July 20) Hindi mo makukuha ang mga nais mo ngayon, kaya hindi ka makukuntento. Cancer (July 20-Aug. 10) Ikaw ay higit …

Read More »

Sinusundan ng dog at sunog

Hello po sir, Ang pngnip ko ay about s dog, sinusundan ako ng dog, d naman siya mabagsik peo d rin cute parang askal lang, 1 p pngnip ko ay may sunog peo d ko alam kng building yata po o kung ano, wait ko po ito s dyaryo nio.. tnxk-bert of pasig.. pls don’t post my cp no. To …

Read More »

It’s Joke Time

“You can cry all you want, you could always blame me. You said, it wasn’t fair that you just want life to be better. But remember, it’s all your fault! You stabbed me with a knife!” – Sibuyas   “Isubo mo ang kahabaan ko. Dilaan. Sipsipin. Paglaruan sa bibig mo. Para lumabas ang katas ko na kinasabikan mo. Nagmamahal,” – …

Read More »