Friday , November 22 2024

hataw tabloid

P50-M overpriced medical supplies, nasamsam ng BoC-CIIS

NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang tinatayang nasa P50 milyong halaga ng medical supplies at equipment mula sa mga bodegang sinalakay nila sa Wilson Street, Greenhills, San Juan at Malabon cities, na pagma-may-ari ng Omnibus Biomedical System, Inc. Ang naturang kompanya ay tinukoy kamakailan sa isang pagdinig sa Senado na nagbebenta ng overpriced automatic extraction machines …

Read More »

Suspensiyon ng LTFRB MC 2020-019 hirit ng bus passengers

LTFRB bus terminal

HINILING ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga pasahero ng pampublikong sasakyan, ang suspensiyon ng implementasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular (MC) 2020-019  o ang “Guidelines for the Operation of Public Utility Buses (PUBs) during the period of General Community Quarantine (GCQ)” sa Metro Manila. Ang unang maaapektohan ng implementasyon ng naturang LTFRB Memo na …

Read More »

Fake news vs Omnibus pinabulaanan (Walang monopolyo at dagdag-presyo)

MARIING itinatanggi ng  Omnibus Bio-Medical Systems. Inc, — ang tagapamahagi ng Sansure Biotech Inc., dito sa Filipinas — ang mga paratang na nagbenta sila ng gamit sa COVID-19 testing nang mas mataas na presyo sa nararapat. Ayon sa Omnibus, walang batayan at katotohanan ang lahat ng mga paratang. Bilang isang kompanya na nagbebenta ng gamit pang-medikal sa loob ng mahigit …

Read More »

Panganib sa ‘Balik Probinsiya’… 2 sa 100 umuwi sa Leyte positibo sa COVID-19

DALAWA sa 100 katao na umuwi sa lalawigan ng Leyte sa pamamagitan ng programang Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa (BP2) ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19). Ayon sa tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Eastern Visayas sa isang press conference kahapon, Huwebes, 28 Mayo, ang mga nagpositibo ay isang 26-anyos lalaki mula sa bayan ng Tanauan, at isang 28-anyos na lalaki …

Read More »

Malvar, Tuloy Ang Laban!

ANG Kaanak ng mga Bayani ng Himagsikang Pilipino 1896 (KAANAK 1896) na inorganisa ng National Historical Commission (NHC) noong 1991, na ang naging Founding Chairman ay si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., ang producer ng Malvar at apo ng Pambansang Bayaning si Hen. Miguel Malvar.   Ang isa sa primary goal ng KAANAK 1896 ay ang isama ang mga descendant ng Revolutionary Heroes sa dokumentasyon ng patuloy na pakikipaglaban para …

Read More »

KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ipinagpaliban ngayong 2020 (Dahil sa COVID-19)

DAHIL sa patuloy na banta ng COVID-19, ipinagpaliban ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagdaraos ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko para sa taóng 2020. Idaraos ang parangal sa 2021 at magbibigay ng kaukulang panahon upang makapaghanda ang KWF sang-ayon sa mga wastong hakbang pangkalusugan. Ang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ay isang prestihiyosong parangal para sa …

Read More »

Bayan Muna sa ERC: P108-B Meralco ‘overbillings’ ibalik sa konsumer

HINIKAYAT ng Bayan Muna ang  Energy Regulatory Commission (ERC) na ipabalik sa Manila Electric Company (Meralco) sa konsumers ang bahagi ng 108 bilyong overcharges, over-recoveries at bill deposits na nakolekta nitong nakalipas na mga taon. “This huge amount of money should have been refunded to Meralco’s customers years ago. In this time of great difficulty and need, it is unconscionable …

Read More »

Biolab handa na… 1,000 test kada araw kayang gawin ng Silay City

HANDA nang magsimula ng operasyon ang isang bio-laboratory sa lungsod ng Silay, sa lalawigan ng Negros Occidental, na kayang magsagawa kada araw ng 1,000 reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests para sa new coronavirus disease (COVID-19).   Ayon kay Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson, mayroong dalawang PCR machines at isang automatic extractor ang Teresita L. Jalandoni Provincial Hospital molecular …

Read More »

Bayan Muna sa ERC: Meralco’s monopoly putulin

electricity meralco

NANAWAGAN sina House Deputy Minority leader and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna chairman Neri Colmenares na putulin na ang monopolyo ng Meralco, matapos atasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kompanya na magsagawa ng “actual meter reading.” “Many of us suffered electric bill shock when we received our electric bills recently.  The order of ERC requiring …

Read More »

SM Megamall brings your Mega favorites to your home.

As part of SM Supermalls’ initiative to bring the mall closer to óur customers and ensure your safety during the quarantine period, SM Megamall introduces three new Mega Services: Mega To-Go, Mega Shopper, and Mega Pick-up. Mega To-Go is your mall to home delivery service powered by SpeedFood and Fastrack. All you have to do is call to order from …

Read More »

Pag-IBIG Fund sets P10B construction fund to build more homes, boost economy

Pag-IBIG Fund has increased to P10 billion its home construction fund in a bid to encourage production of housing units for its members and help boost the national economy. “We have allocated P10 billion for our House Construction Financing Line (HCFL) Program to ensure not only the continuous production of more socialized and low-cost homes to address the housing needs …

Read More »

Northern Samar isinailalim sa ‘State of Calamity’ (Sa pananalasa ni Ambo)

IDINEKLARA nitong Miyerkoles, 20 Mayo, ng pamunuang panlalawigan ng Northern Samar ang ‘state of calamity’ sa buong probinsiya dahil sa pananalasa ng bagyong Ambo noong isang linggo. “Pagkatapos ng deklarasyon, makapaglalabas si Northern Samar Governor Edwin Ongchuan ng calamity fund at mabilis na makapamamahagi ng relief assistance sa mga apektadong pamilya,” ani Rei Josiah Echano, hepe ng Provincial Risk Reduction …

Read More »

Sa Marikina… 6,000 trike driver isinalang sa mass testing bago mamasada

KAILANGANG sumailalim sa mandatory mass testing ang 6,000 driver ng tricycle bago payagang pumasada sa lungsod ng Marikina.   Ito ang tiniyak ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na kalangan dumaan sa mandatory COVID-19 test ang 6,000 tricycle drivers ng lungsod na balik-kalsada dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ).   AnIya, isinasailalim nila sa rapid test ang naturang mga …

Read More »

Apela ng Globe sa LGUs: Pagtatayo ng cell sites suportahan

UMAPELA ng suporta ang Globe sa local government units (LGUs) kaugnay sa pagtatayo ng cell sites sa harap na rin ng pagtaas ng demand para sa internet services dahil sa ipinatutupad na ‘new normal’ dulot ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19). Bago ang COVID-19, ang mga lokal na pamahalaan ang nagiging sanhi ng mabagal na rollout dulot ng masalimuot na …

Read More »

Pabatid sa Kanselasyon ng Ulirang Guro sa Filipino 2020

IPINABABATID ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na kanselado ang timpalak na Ulirang Guro sa Filipino 2020. Isinaalang-alang ng KWF ang kasalukuyang sitwasyon — pagkakaroon ng Modified Ehanced Community Quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ) sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagiging dahilan ng limitadong paggalaw at access sa komunikasyon ng mga tao, partikular ang mga guro. Makatatanggap …

Read More »

Meralco imbestigahan sa ‘paglobo’ ng electricity bill — Bayan Muna

electricity meralco

KINALAMPAG ng isang mambabatas ang Energy Regulatory Commission (ERC) para imbestigahan ang hindi makatuwirang electricity bill ng Meralco kahit mismong ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang nagbigay ng katiyakan na sobra-sobra ang supply ng koryente sa panahon ng lockdown.   Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani …

Read More »

Sharp Donates Plasmacluster Ion Air Purifier to the City of Muntinlupa for Two of Their COVID-19 Hospitals

In the midst of the global health crisis brought about by the COVID-19 pandemic, Sharp Philippines Corporation (SPC) donated eight (8) units of Plasmacluster Ion Generator (IG-A40E)  and six (6) units of Air Purifier(KC-G50E) to the City Government of Muntinlupa, through Mayor Jaime “Jimmy” Fresnedi and Councilor Allan Camilon, last April 24, 2020. The units are turned over to Ospital …

Read More »

164 mananahing nawalan ng trabaho sa ECQ inupahan ng Munti LGU (Para gumawa ng face masks)

UMABOT sa 164 mananahing nawalan ng trabaho sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) ang inupahan ng Muntinlupa City sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan Para sa Displaced Workers (TUPAD), upang gumawa ng face masks para sa mga frontliners at mga residente ng lungsod. Makikita sa larawan na ibinigay ni Muntinlupa Gender and Development Office head Trina Biazon, at ni Public …

Read More »

Forced evacuation ng 350,000 residente sa N. Samar iniutos (Paghahanda kay ‘Ambo’)

IPINAG-UTOS ni Northern Samar Gov. Edwin Ongchuan ang sapilitang paglilikas ng hindi bababa sa 70,000 pamilya o 350,000 katao sa gitna ng banta ng tropical storm Ambo sa rehiyon.   Ayon kay Rei Josiah Echano, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), suspendido na ang mga trabaho sa mga coastal town ng Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, at Lapinig …

Read More »

Pulis-Crame positibo sa COVID-19 uuriratin (Pumasok ng Baguio kahit lockdown)

SUMASAILALIM sa imbestigasyon ang isang pulis na ginagamot bilang coronavirus (COVID-19) patient sa lungsod ng Baguio nang mapag-alamang tumuloy siya sa pagpasok sa siyudad sa kabila ng mga restriksiyong ipinaiiral ng Philippine National Police.   Naitala si P/Maj. Rafael Roxas, deputy chief PNP Crime Laboratory’s Fingerprint Division, bilang ika-31 kaso ng COVID-19 sa lungsod matapos ang ‘zero-transmission’ simula noong 27 …

Read More »

‘Market on the go’ ni mayor ginagamit sa shabu for sale?

TATLONG kawani ng Office of the Mayor sa isang bayan sa lalawigan ng Laguna ang nasakote sa isang entrapment operation na isinagawa ng Cabuyao Philippine National Police. Kinilala ang mga supek na sina Dionisio Aragon, 48 anyos; Byron Sanogal, 40 anyos, at Renato Marasigan, 33, pawang residente sa Cabuyao City, na naaktohang nagbebenta ng P500-halaga ng shabu sa isang poseur-buyer …

Read More »

COVID-19 patient sa Davao, tumakas sa quarantine  

KINOMPIRMA ngayong Lunes, 11 Mayo, ni Davao City Mayor Sara Duterte na tumakas mula sa quarantine facility ang isang babaeng pasyenteng nagpositibo sa  COVID-19 noong Sabado, 9 Mayo.   Tumangging pangalanan ni Duterte ang pasyente ngunit sinabi niyang residente ang pasyente ng Barangay 23-C, isa sa mga COVID-19 hot spots sa lungsod.   Sumugod ang mga lokal na awtoridad sa …

Read More »

Sobrang singil, ‘power interruptions’ habang ECQ, criminal neglect ng Meralco

electricity meralco

PINAGPAPALIWANAG ng grupong Power for People Coalition (P4P) ang Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa inirereklamo ng ilang konsyumer na sobra-sobrang singil habang marami ang dumaranas ng kawalan ng koryente sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ). Ayon kay Gerry Arances, Convenor ng P4P, 52 beses nakaranas ang Meralco ng ‘tripping events’ mula 6 Mayo, habang napansin naman ng mga …

Read More »

KWF, may libreng online seminar-palihan para sa mga editor ng teksbuk sa Filipino

MANGYAYARI ngayong Mayo hanggang Hunyo 2020 ang serye ng mga libreng online seminar-palihan ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa mga editor ng teksbuk sa Filipino. Tatalakayin sa mga editor ang mga nilalaman ng Ortograpiyang Pambansa (OP) at KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) na inilathala bilang isang KWF Aklat ng Bayan. Naglalaman ang OP ng mga tuntunin sa …

Read More »