Thursday , May 26 2022
Piolo Pascual Nestor Cuartero

Piolo bumawi sa tulips; book launching ni Cuartero matagumpay

HINDI nakapunta si Piolo Pascual sa book launching ng dating entertainment editor ng Tempo at adviser ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na si Nestor Cuartero, ang PH Movie Confidential,noong March 10, 2022 na ginawa sa Cinematheque Center Manila pero nagpadala ito ng bouquet of fresh Tulips. Ang launching ay pinamahalaan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) katuwang ang SPEEd.

Ayon kay Mr. Cuartero, ilang araw na niyang tine-text si Piolo para sana makapagbigay ng ilang salita ukol sa kanyang libro. “I had been texting him with not a single reply. It was unlike him to do so. I wanted him to say a few words about my book or use on the back cover.”

Pero laking sorpresa ni Cuartero nang magpadala ng bouquet of fresh tulips ang aktor na may kasamang card at sinabing nasa lock-in taping siya ng bago nilang series sa ABS-CBN ni Lovi Poe, ang Flower of Evil.

Bumawi si Piolo sa pamamagitan ng tulips.

Anyway, matagumpay ang isinagawang launching ng  PH Movie Confidential na inilimbag ng Ultimate Learning Series ni senatorial aspirant Dr. Carl Balita kasama ang FDCP, ay naglalaman ng mga insight, informative at entertaining anecdote na naipon ni Cuartero bilang entertainment editor-writer sa loob ng anim na dekada.

Dumalo sa isinagawang launching si FDCP Chair Liza Dino-Seguerra, ilang opisyal ng SPEEd sa pamumuno ng presidente nitong si Ian Farinas ng People’s Tonight, mga kaibigan sa industriya na sina Boots Anson-Rodrigong MowelfundPriscilla Almeda at Jomari YllanaSheryl Cruz, gayundin si Kane Choa ng ABS-CBN Corporate Communications, Unilab team nina Claire de Leon- Papa, Cecile Roxas, Rex Dayao, at Dina Visda, Wilson Flores at marami pang iba.

Nagbigay naman ng video greetings ang ilan sa mga personalidad na nasa cover ng libro tulad nina Charo Santos-Concio, Rep. Vilma Santos-Recto, Piolo Pascual, at Dr. Carl Balita.

“At the launch last Tuesday, I was, needless to say, in my element upon seeing the arrival of guests, actors, writers, colleagues, and personal friends.

“Among them, Boots Anson Roa Rodrigo, Sheryl Cruz, Priscilla Almeda, Jomari Yllana, Anthony Castelo, Cesar Montano.

“The support provided by Chair Liza Dino-Seguerra, her deputy, David Fabros, and the FDCP team, was just overwhelming.

“I was almost intoxicated, though I hadn’t had a drop of alcohol, just a cup of baraco coffee. Yet, when it was my turn to speak, I suddenly turned loose and comedic, which totally surprised me even as it amused and entertained the audience that had gathered that afternoon. I didn’t realize I had that comedy channel in me.

“The lines just kept percolating in my head as I told my audience stories tangential to the 15 chapters in the book,” ani Cuartero sa book launching.

Ang PH Movie Confidential ay mabibili sa halagang P400. Para sa inquiries at orders, maaaring tumawag sa 0917-8005986. Available rin ito sa mahigit 100 CBRC schools nationwide.

About hataw tabloid

Check Also

Running Man

Bagong reality show mula South Korea aarangkada na

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang urungan ang pag-ere ng biggest reality game show sa South …

Kylie Padilla Bolera

Kylie perfect comeback ang Bolera 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG nadamang pressure at confident si Kylie Padilla sa comeback teleserye niya sa primetime …

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Male star kompirmadong gurl

HATAWANni Ed de Leon “KUNG hindi siya bading, bakit siya ‘nag-land of the morning’ noong …

Joshua Garcia Trina Guytingco

Joshua nilinaw ‘di niya syota si Trina Guytingco

HATAWANni Ed de Leon NILINAW ni Joshua Garcia na hindi niya syota kundi tinukso lang sila ni Trina …

Angeli Khang Sharon Cuneta

Sorry Sharon mas feel na ng netizens si Angeli Khang

HATAWANni Ed de Leon MARAMING observers ang nagsasabi, iyon daw nakaraang eleksiyon ay sobrang maraming …