Sunday , December 22 2024

Ed de Leon

Kikitain ng Unexpectedly Yours, binabantayan

HINDI na halos napag-uusapan kung ano nga ba ang kuwento ng pelikulang Unexpectedly Yours, mukhang ang binabantayan ng mga kritiko ay kung ano ang kalalabasan ng pelikula sa takilya. Ilang araw na lang bago ilabas iyon sa mga sinehan at saka naglabasan ng mga interview sa kanilang stars. Hindi mo naman sila masisi, siguro nga nagmamadali rin naman sila na matapos …

Read More »

Katabaan ni Sharon, ginagawa na lang katatawanan

GINAGAWA na lang nilang comedy ang katabaan ni Sharon Cuneta sa kanyang ginawang pelikula. Hindi nga kasi maikakaila ang kanyang katabaan kahit na sa lumabas na trailer ng pelikula nila. Bukod diyan ay marami pang mga negative na sinasabi, at may duda na ang pelikula ay magiging isang malaki ngang hit kahit na iyon ay sinasabing isang main stream movie. …

Read More »

Ellen, aminadong gustong magkaanak sa edad 30

HINDI naman masasabing ikinaila nga ng manager ni Ellen Adarna na si Pia Campos na buntis na nga sa ngayon ang sexy star at si John Lloyd Cruz nga ang tatay. Ang sinabi lang naman niya, “si Ellen lang ang may karapatang magbigay ng statement o makapag-confirm ng mga balita.” Maliwanag na gusto lamang niyang ibigay kay Ellen ang karapatang siya …

Read More »

Network executive, nabaliw sa baguhang male star

GUWAPO at sexy nga ang isang baguhang male star, ang napansin nga lang sa kanya, hindi ganoon kakinis ang kanyang body complexion. Medyo may bahid daw sa bandang likod, na nakita dahil sa isang fashion show na kanyang nasalihan kamakailan. Kaya naman pala nabaliw daw sa kanya ang isang network executive, at take note, hindi bading ang network executive na sinasabing naka-relasyon …

Read More »

Mommy Guapa, pinababalik ng mga kamag-anak sa Espanya

WALA pa namang definite decision, pero mukhang ang mangyayari nga ay baka babalik na sa kanyang bansang Espanya si Mommy Guapa, o ang ina ng namayapang aktres na si Isabel Granada. Si Mommy Guapa ay naninirahan sa isang bahay na nabili ni Isabel noong panahong dalaga pa siya, pero ngayon, nag-iisa na lamang doon ang kanyang ina. Ang anak ni Isabel ay …

Read More »

Lloydie at Ellen, balik-‘Pinas na

WALA tayong kamalay-malay, nakabalik na pala si John Lloyd Cruz sa Pilipinas. Matagal na rin naman pala siyang nakabalik kasama ang kanyang girlfriend na si Ellen Adarna, na kasama rin niya sa mahigit na isang buwang bakasyon sa Europe. Aba, napakalaking gastos din niyon dahil alam naman natin na napakamahal ng lahat ng bilihin sa mga European countries na kanilang pinasyalan. Isipin mong …

Read More »

Lipad, Darna, Lipad movie ni Ate Vi, hinahanap

Vilma Santos lipad darna lipad

NOONG isang araw, napanood namin ang dalawang restored movies ni Ate Vi (Cong. Vilma Santos), iyong Tag-Ulan sa Tag-araw at saka iyong Langis at Tubig. Very 70’s ang dalawang pelikula. Iyang ganyang mga kuwento ang gustong-gustong mapanood ng mga tao noon, na ang pangunahing libangan talaga ay manood ng sine. Iyon bang napanood na nila nang ilabas sa sineha, hanggang …

Read More »

Popularidad ng 3 lola, magdadala sa Trip Ubusan

ACTION-comedy, ang description ng JOWAPAO—Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa kanilang pelikulang Trip Ubusan, Lolas vs. Zombies. Walang duda namang magpapatawa iyang tatlong bida ng pelikula, pero may mga eksenang action dahil makikipaglaban nga sila sa mga zombie eh. Wala ring duda na iyan ay isang spoof ng isang hit Korean movie. Hindi naman natin maikakaila iyon sa …

Read More »

Hashtags Franco, nalunod, patay

“IT comes in three’s,” sabi nga sa amin ng isang movie writer na napakahilig magbilang ng mga namamatay sa showbusiness. In fact tatak na niya iyon, alam niya lahat ng mga nauna na. Hindi pa nga naililibing si Isabel, nasundan na naman ng isa. Nalunod naman sa Davao ang isa sa mga member niyong Hashtags, si Franco FernandezLumanlan. Nagbakasyon lang …

Read More »

Aiza, kinantahan si Isabel

HINDI kami nakarating sa huling lamay para kay Isabel Granada na gusto sana naming puntahan dahil sa napakatinding traffic sa buong Metro Manila yata noong gabing iyon dahil sa pagdating ng mga head of state na kasali sa Asean Summit. Gumagalaw lamang nang bahagya ang ibang mga sasakyan, pero ang EDSA, imposible talaga. Pero nang dumating kami sa bahay ng …

Read More »

Direk, tatanggapin muli si actor ‘pag nahiwalay muli sa asawa

GAY MAN WOMAN blind item

NAGKUKUWENTO si direk, may panahon palang naging steady niya talaga ang isang baguhang male starnoong araw, na hindi naman nagpatuloy sa pag-aartista. Pero inaamin ni direk na halos apat na taon ding tumagal ang kanilang relasyon. Natigil lang iyon nang mag-asawa na ang dating male star. Pero nang mahiwalay iyon sa unang asawa, nagsimula silang magkita ulit ni direk, kahit na may …

Read More »

Isabel, binigyan ng military honors

KAHAPON ng umaga dumating ng Pilipinas ang labi ni Isabel Granada mula Doha, Qatar. Isang military honors ang ibinigay sa aktres dahil airwoman rank siya sa Air Force. Reservist ang aktres mula 2001 hanggang 2003. Naging player siya ng volleyball team ng Air Force noong mga panahong iyon at madalas ding dumadalo sa mga pagtitipon na isinasagawa ng Air Force. …

Read More »

Direk Mike at Direk Chris, nagka-ayos na

Mike de Leon Chris Martinez

MABUTI naman at nagkaintindihan din ang mga director na sina Mike de Leon at Chris Martinez, na nagkasagutan sa social media dahil sa isang comment ni direk Mike tungkol sa mga pelikulang napili sa MMFF batay sa kanilang script. Sinasabi ni direk Mike na dahil doon, hindi na niya ipapasok sa MMFF ang kanyang ginawang pelikula kahit sinasabing sigurado siyang …

Read More »

Aktor, ginapang ni female starlet habang natutulog

blind item woman man

ANG haba ng holidays eh, wala kaming magawa. Kakuwentuhan namin ang isang actor. May throwback story. Matagal na naging tsismis iyan eh, pero walang confirmation kasi wala namang nagtanong sa kanya. Ang kuwento kasi, habang natutulog siya ay ginapang siya ng isang female starlet noon. Sa haba ng kuwentuhan namin, ngayon lang namin naitanong iyon sa kanya. Napailing na lang …

Read More »

Mga taga-That’s Entertainment may Reunion for Isabel

MAGSASAMA-SAMA sa isang ”reunion for Isabel” ang lahat ng mga dating nakasama ng aktres sa That’s Entertainment. Sa kanilang usapan, magkikita-kita ang lahat sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills sa Biyernes, mula 6:00 p.m. hanggang hatinggabi. Magsasama-sama rin silang maghahandog ng panalangin para sa yumao nilang kasama. Siguro, sinasabi nga ng ilan sa kanila, iyan ang magiging pinakamalaking pagsasama ng lahat ng …

Read More »

Kathryn, nangunguna sa kampanya laban sa cyber bullying

TALAGANG mabigat ang kampanya ng KathNiel, particularly si Kathryn Bernardo laban sa cyber bullying. Kasi siya mismo naging biktima niyon. Isipin ninyong may lumabas palang panlalait sa kanya sa social media at naka-video pa iyon na ginawa niyong si Xander Ford. Ngayon nagreklamo si Xander Ford laban doon sa nag-upload ng video na nilalait niya si Kathryn, pero ang punto roon, saan ba iyon nakuha …

Read More »

Labi ni Isabel, sa Miyerkoles iuuwi ng ‘Pinas 

SINASABING sa Miyerkoles dadalhin ang labi ni Isabel Granada rito sa Pilipinas. Iyan ang sinasabi ng kanyang asawang si Arnel Cowley na nakikipag-ugnayan sa Philippine at Spanish Embassy sa Doha para sa maayos na pagbabalik ng labi ng aktres dito sa atin. Tumutulong pati ang Spanish Embassy sa Doha dahil si Isabel ay isang Spanish national. Ang kanyang amang si Humbert Granada ay half Spanish, habang …

Read More »

Robin at Sharon, supporting lang sa JoshLia

MUKHA ngang ang kalalabasan, ang love story ay iikot sa mga youngstar na sina Joshua Garcia at Julia Barretto, at sa aminin man nila o hindi, nakasuporta lamang sa kuwento sina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Pero siyempre sa billing ay tiyak na nasa itaas sina Sharon at Robin. Palagay naman namin dapat tanggapin na nila iyon. Mas weird namang lalabas kung sina Sharon at Robin …

Read More »

Privacy, hiniling ng pamilya ni Isabel

MARAMI ang nagtatanong tungkol sa kalagayan ngayon ni Isabel Granada. Although gusto nga naming posted kayo sa lahat ng nangyayari, talagang mabagal ang development ng ganyang sakit. Usually magkakaroon lamang ng mga resulta matapos ang dalawa o tatlong linggo, kung hindi nga matindi ang damage na nilikha ng kanyang brain aneurysm. Pero sa kaso ng ini-report na una tungkol kay Isabel, …

Read More »

Mommy Guapa, positibo — Alam ko gigising ang anak ko

WALA namang mali kung may naniniwala man sa isang milagro. Pero mukhang iyon ang inaasahan ng pamilya ni Isabel Granada. Sinasabi ng kanyang dating asawang si Jericho Aguas na ”malapit na pong magkamalay si Isabel.” Ganoon din naman ang paniniwala ng kanyang ina, si Isabel Castro, o mas kilala sa tawag na Mommy Guapa. Sinasabi niyang ”alam ko gigising ang anak ko.”  Hindi naman tumitigil ang mga nagdarasal …

Read More »

Isabel, palalakasin muna ng kaunti bago operahan

TAMA ang desisyon ng mga doctor sa Hammad General Hospital na huwag munang isailalim agad si Isabel Granada sa operasyon. Ganoon ang naging paniniwala ng espeyalista naming doctor. Kasi sinasabi niyang masyadong delikado ang ganyang klase ng surgery, at baka lalong hindi makayanan ni Isabel ang matagalang procedure na iyon. Nagdesisyon ang mga doctor niya na palakasin muna ng kaunti pa ang …

Read More »

Pagtanggi ni Aga na gumawa ng love story movie, wise decision

SABI nila, iyong comeback movie ni Aga Muhlach ay kumita ng P153-M sa halos dalawang linggo noong showing. Hindi lang naman si Aga ang artista roon, marami sila, pero dahil sa naging reaksiyon nga ng mga nakapanood, mukhang ibinibigay nila kay Aga ang credit. Iyang ganyang halaga para sa isang Aga Muhlach movie ay hindi mo masasabing isang malaking hit. Mild hit …

Read More »

Aktor, feel na feel ang shop owner na hindi pa nag-a-out

SIKAT din naman ang male star na iyon na madalas makita sa isang up scale na mall sa Taguig. Noong isang gabi nakita na naman siya sa mall, tapos noong palabas na siya sa mall, kasama niya ang isang shop owner na hindi pa naman nag-out pero matagal nang kilalang bading din. Pero iba ang tsismis, ang male star daw ay bisexual din kaya …

Read More »

Kuwento at ‘di artista ang nagdadala ng pelikula — Alessandra

ISANG baguhan na naman, si Ivan Padilla, ang leading man ni  Alessandra de Rossi sa kanyang pelikulang 12. Diyan sa pelikulang iyan, nag-level up pa si Alessandra, dahil hindi lamang siya artista kundi sinasabing sa kanya pa ang kuwento at siya rin ang sumulat ng script ng pelikula. “Kasi naniniwala ako wala sa artista iyan eh, nasa kuwento talaga. Kahit na sino ang …

Read More »