Saturday , January 10 2026

Bong Son

ABALA na sa pag-iipon ng tubig ang ilang mga residente na matatamaan ng water interruption kaugnay sa ginagawang malaking water line sa Hermosa St., Tondo, Maynila. (BONG SON)

Read More »

BEAUTIES AND THE BEST. Binisita ng mga kalahok sa PINAY BEAUTY QUEEN Academy, ang pinakamagandang reality TV show na mapapanood sa GMA News TV 11 tuwing Sabado at Linggo, dakong 5:30-6:00 p.m., si JSY publisher JERRY YAP bilang pasasalamat sa pakikipagtaguyod ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan, sa nasabing programa. (BONG SON)

BEAUTIES AND THE BEST. Binisita ng mga kalahok sa PINAY BEAUTY QUEEN Academy, ang pinakamagandang reality TV show na mapapanood sa GMA News TV 11 tuwing Sabado at Linggo, dakong 5:30-6:00 p.m., si JSY publisher JERRY YAP bilang pasasalamat sa pakikipagtaguyod ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan, sa nasabing programa. (BONG SON)

Read More »

ITINUTURO ni Dr. Purificacion Delima, Full-time na Komisyoner sa Ilokano ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kasama sina Dr. Benjamin Mendillo at G. John Enrico Torralba na kapwa officer-in-charge sa Edukasyon at Networking, ang logo ng pahayagang HATAW bilang isa sa mga huwarang diyaryo pagdating sa pagpapalaganap ng wastong paggamit ng Wikang Filipino sa pagbabalita sa ginanap na Kapihang Wika …

Read More »

KFR suspects nasakote ng NBI – Bong Son

NASAKOTE ng mga tauhan ni National Bureau Investigation Director Virgilio Mendez sina Francisco Quiamko at Rammel Relos, mga suspek sa pagdukot sa biktimang si Teodorico Ozaeta, negosyante ng Lipa City, Batangas. Itinuturong utak sa pagdukot sa negosyante ang pinsan ng biktima na si Walter Ozaeta, kasalukuyang pinaghahanap pa ng mga awtoridad. (BONG SON)

Read More »

MASAYANG ipinagdiwang ng mga penguin ang unang kaarawan ng kapwa nila penguin na si Kaya sa Manila Ocean Park. (BONG SON)

Read More »

IPRINESENTA sa media ni NBI Deputy Director for Investigation Service Atty. Vicente de Guzman ang dalawang suspek sa sim swap scam na sina Franco de Lara at Ramil Mapalad Pascual makaran maaresto sa Calamba, Laguna. (BONG SON)

Read More »

HINDI napigilan nitong Lunes ang demolisyon sa Quinta Market sa kabila ng apela sa Manila City government ng mga nagtitinda roon. Tinutulan ng mga vendor ang pagsasapribado ng nasabing palengke dahil tataas anila ang renta roon. (BONG SON)

Read More »

Smuggled na imported construction materials – Bong Son

IPINAKIKITA sa media nina Lt. Col. Marlon Alameda, Customs Police chief, at Major. Allan Cruz, Port of Manila District Collector, ang iba’t ibang smuggled na imported construction materials tulad ng ceramic tiles, sanitary wares, circuit breakers, steel sheets at resins, umabot sa halagang P14 milyon. Ang nasabing mga kargamento ay sinasabing may paglabag sa Tariff and Customs Code of the …

Read More »

MMDA inspection sa Estero De Quiapo, Manila – Bong Son

PERSONAL na ininspeksiyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang pumping stations sa Maynila upang matiyak na walang nakabarang mga basura at maayos na makadadaloy ang tubig palabas. Gayonman, nadesmaya siya nang tumambad ang tambak na mga basura na itinapon ng mga residente sa pumping station sa Estero De Quiapo sa Maynila. (BONG SON)

Read More »

KMU sumugod sa Korte Suprema – Bong Son

SUMUGOD sa Korte Suprema kahapon ang grupo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) upang makiisa sa pampublikong sektor hinggil sa petisyon para sa proteksyon sa ilalim ng writ of amparo at writ of habeas corpus. Samantala, tiniyak ng grupo na sasabayan nila ng malaking kilos-protesta ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III. (BONG SON)

Read More »