BALIK PNP-Highway Patrol Group na ang EDSA. Ito ay makaraang pumalpak ang MMDA sa paghawak ng EDSA. Pulos kotong lang kasi ang pinaggagawa ng karamihan sa tauhan ni MMDA chairman Francis Tolentino. Pero kaya nga bang patinuin ng HPG ang EDSA? Abangan natin iyan. Dahil nga lumalabas na inutil ang MMDA sa EDSA, hayun ilang grupo ng motorista ang humiling …
Read More »2 Chinese arestado sa P8-M shabu
NADAKIP ng mga ahente ng Philippine Drug enforcement Agency – National Capital Region ang dalawang Chinese national drug courier makaraang makompiskahan ng P8 milyong halaga ng shabu nitong Linggo sa Malate, Maynila. Sa ulat ni Jimmy Ogario, hepe ng PDEA, NCR, kinilala ang mga nadakip na sina Sun Wei Liang at Mao Yong Liang, kapwa pansamantalang nakatira sa Magallanes Village, …
Read More »QC Hall Police Detachment nakaiskor ng tandem!
QUEZON City Hall Police Detachment, kamakailan ay binatikos natin ang naturang pulisya. Ito ay nang makatanggap tayo ng impormasyon hinggil sa kalokohan ng ilang tiwaling pulis na nakatalaga rito. Kalokohang paggamit sa pangalan ng pulisya. Anong klaseng kalokohan naman? Ano lang naman, ginagamit sa pag-ikot sa pagkalap ng detalye. Detalye ba o lingguhan intel? Yes, iyan ang info na nakalap …
Read More »Anak ng retired general namaril 1 patay, 2 sugatan
MULING nasangkot sa krimen ang anak ni dating Philippine Constabulary Gen. Antonio Abaya na ikinamatay ng isang babae at dalawa ang sugatan makaraang pagbabarilin ang isang van kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Sa ulat ni Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director, kinilala ang namatay na si …
Read More »Samahang manininda sa Manila tumakbo sa Ombudsman
HINDI na raw masikmura ng mga manininda sa lungsod ng Maynila ang ginagawa sa kanila ng mga pinuno ng lungsod kaya kahit suntok sa buwan ay lumaban na rin sila sa pagbabakasakaling pakinggan at maunawaan ng tamang ahensiya ang hinaing at pahirap na dinaranas nila ngayon. Pormal na sinampahan ng kasong Graft and Corruption sa Ombudsman si Manila Mayor Joseph …
Read More »Media killings, harassment kinondena
NANAWAGAN ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa mga awtoridad na agarang resolbahin ang panibagong insidente ng karahasan na biktima ang ilang kagawad ng media. Kinondena ng KBP sa pamamagitan ni National Chairman Herman Z. Basbaño ang pagpatay sa radio broadcaster na si Cosme Maestrado sa Ozamiz City, sa Misamis Occidental. Si Maestrado, isang hard-hitting anchorman ng himpilang DXOC, …
Read More »Pagdilao senador ni Duterte
“SI Pagdilao ang senador ko!” Ito ang direktang pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte. Anang alkalde, gusto niya si Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list Rep. Samuel “Sir Tsip” Pagdilao na maging isa sa senador sa 2016. Sa kanyang programa sa radio sa Davao, inendorso ni Duterte si Sir Tsip Pagdilao. Tinawag ni Duterte …
Read More »3 sugatan sa shootout sa Kyusi (9-anyos totoy nasagasaan)
TATLONG Chinese looking men, kabilang ang isang babaeng sangkot sa ilegal na droga, ang malubhang nasugatan makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng PNP Task Force Tugis kahapon ng hapon sa Quezon City. Samantala, apat na sibilyan ang nadamay, kabilang ang 9-anyos batang lalaki na nakaladkad ng sasakyang gamit ng mga suspek. Habang isinusulat ang balitang ito, ang tatlong hindi pa …
Read More »5 tiklo sa resto robbery at bus holdap
LIMANG lalaking sangkot sa panloloob ng isang restaurant at tangkang pagholdap ng isang pampasaherong bus ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na pagsalakay kaugnay sa “Operation Lambat Sibat” ng Philippine National Police (PNP). Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director, ang mga nadakip ay sina Joven Valeza, 32, Eric Simbulan, …
Read More »QC Hall Police Detachment ‘di ba kinikilala si Gen. Tinio?
ANO kaya ang nais palabasin ng ilang pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) City Hall Police Detachment sa pagya-yabang na wala raw ipinagkaiba ang ‘talim’ ng opisina nila sa QCPD District Office, Kampo Karingal? Ipinagmamalaki ng ilang tiwaling pulis sa detachment na wala raw ipinagkaiba ang ‘asim’ ng District sa detachment dahil rekta silang nag-uulat o kumukuha …
Read More »Parangal sa SAF 44, ipinagkakait – Rep. Pagdilao
“It is not in the honor that you take with you, but the heritage you leave behind.” Minsang sinabi ito ni Branch Rickey. Sa ganitong pamamaraan dapat manatiling buhay ang alaala ng magigiting na kasapi sa PNP Special Action Force (SAF) na minasaker ng MILF noong Enero 2015. Isinantabi ng SAF ang pansariling kaligtasan sa ngalan ng pagpapanatili ng kapayapaan …
Read More »CA Justice Tijam pinagbibitiw sa kaso ni Reghis
COURT OF APPEALS Justice Noel Tijam, pinag-i-inhibit sa kaso ni Reghis Romero II. Bakit naman? Is there something fishy ba? Wala naman siguro. Basta’t ang ulat, pinapabitawan ng operator ng Harbour Centre Port Terminal sa Maynila si Tijam sa paghawak sa kaso tungkol sa naturang terminal at kay Romero II. Bakit nga e? Bakit hindi ba kaya ni Tijam hawakan …
Read More »Valisno driver positibo sa shabu (Bus kolorum)
POSITIBONG nasa impluwensiya ng droga ang driver ng Valisno Bus Line nang maganap ang pagkabangga ng bus sa isang arko na kumitil sa buhay ng apat katao nitong Miyerkoles ng umaga sa Quirino Highway, Quezon City. Ayon kay Sr. Insp. Marlon Meman, hepe ng Traffic Sector 2, lumabas na positibo sa droga ang driver na si Georpe Pacis sa isinagawang …
Read More »Drug groups, ‘di ubra kay Gen. Tinio sa QC!
HINDI pa man umiinit sa kanyang kinauupuan si Chief Supt. Eduardo G. Tinio, bagong upong Director ng Quezon City Police District (QCPD), aba’y agad niyang ipinaramdam sa mga masasamang elemento na kumikilos sa lungsod na seryoso siya sa pakikipaglaban sa anumang klaseng sindikato partikular na sa droga. Tama kayo diyan sir! Sa pamamagitan ng kanyang bagong itinalagang hepe ng District …
Read More »Bus sumalpok sa arko 4 patay, 40 sugatan
APAT ang patay habang umabot sa 40 pasahero ang sugatan makaraang bumangga ang isang Valisno bus sa arko ng boundary ng Caloocan at Quezon City sa Quirino Highway dakong 7:20 a.m. kahapon. Sa ulat ni Sr. Insp. Marlon Meman, hepe ng QCPD Traffic Sector 2, isa sa apat biktima ay kinilalang si Eduardo Agabon, 39, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan …
Read More »New QCPD boss umiskor ng P1.5-M shabu
NAKAISKOR agad ang bagong upong direktor ng Quezon City Police District (QCPD) na si Chief Supt. Eduardo G. Tinio ng P1.5 milyong halaga ng shabu makaraan maaresto ang tatlong bigtime pusher sa drug buy-bust operation sa lungsod. Sa ulat kay Tinio, kinilala ang mga nadakip na sina Jamel Ismael, 29, ng Wawa St., Brgy. Sala-sala, Tanay Rizal; Romnick Riga, 22, …
Read More »Kongreso, kulang sa staff? Kotongan sa boundary ng QC at San Mateo
NAGTITIPID nga ba ang Mababang Kapulungan ng Kongreso o wala nang pondo? Imposibleng walang pondo dahil kabubukas lang uli nito. Naitanong natin ito matapos na makakalap tayo ng impormasyon na kulang na kulang sa staff ang kongreso? Totoo nga ba ito mahal na Speaker Sonny Belmonte? Ano pa man, malaki raw ang pangangailangan ng Mababang Kapulungan ng mga kawani ngunit …
Read More »Hustisya sa SAF 44 muna; at GPS, drone para sa crime campaign sa QC
Nasaan na ang pangakong hustisya para sa SAF 44? Matatapos na ang termino ni PNoy pero wala pa ring nangyayari sa kaso.Kunsabagay, sa huling SONA ay hindi man lang niya hinapyawan ang SAF 44. Kahit purihin man lang sana ang kabayanihan ng 44 pulis. Heto naman si DILG Sec. Mar Roxas na may padrama epek pa – maluha-luha pa sa …
Read More »19 arestado sa Caloocan shabu tiangge
ARESTADO ang 19 indibidwal sa pagsalakay nang pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Highway Patrol Group (HPG), Special Weapons and Tactics (SWAT), at kinatawan ng Special Action Force (SAF) sa ilang bahay sa Donata Avenue, Brgy. Tala, North Caloocan nitong Miyerkoles ng madaling araw. Nakita ng mga operatiba ang 10 abandonadong yunit ng National Housing Authority …
Read More »Noon ‘yon…
NAKABIBILIB din ang apoy este, ang fighting spirit ni Vice President Jejomar “Jojo” Binay. Talagang palaban ang mama sa kabila ng lahat. Napanood naman siguro ninyo sa telebisyon (balita) ang kanyang reaksiyon hinggil sa pag-endorso ni PNoy sa kanyang best friend noong nakaraang Biyernes (Hulyo 31, 2015) sa Club Filipino. Inendorso ni PNoy ang BFF niyang si DILG Sec. Mar …
Read More »SONA ba o graduation rites lang?
Naging valedictorian address ang talumpati ni PNoy sa kanyang huling SONA. Iyan ang sabi ni ACT-CIS Party-list Rep. Samuel “Sir Tsip” Pagdilao, Jr. Sa kanyang talumpati, kaharap ang mga mambabatas ng Senado at Kongreso, iniyabang ni PNoy ang kanyang accomplishment sa loob ng limang taon. At siyempre, ‘di mawawala ang sisihin pa rin si Ate Glo para naman makalusot sa …
Read More »Wishlist ni “Sir Tsip” Pagdilao sa SONA
STATE of the Nation Address (SONA) na naman! Haharap na naman sa pagbubukas ng Kongreso si PNoy para ilahad ang mga naging pagbabago sa bansa sa loob ng isang taon, mula nang huling inilatag ang mga plataporma at mga update sa huling SONA. Sa Hulyo 27, 2015, ilalatag ni PNoy ang pinakahuli niyang report card sa tunay niyang mga Boss …
Read More »Kon. Atienza tutulong vs Manila markets privatization
PUBLIC markets sa Maynila, isasapribado? Aray! Kawawa naman ang mga nakapuwesto na kapag natuloy ang plano ng pamahalaan lungsod. Kasi, tiyak na ang makakukuha lang ng puwesto ay iyong mayayaman imbes mga isang kahig, isang tuka na nagnenegosyo na pawang ang puhunan ay hiniram lang kay Mr. Bombay. Teka, akala ko ba ang pamahalaang lungsod ng Maynila ngayon ay para …
Read More »Hula at haka-haka lang pala
MAGANDA ang naging resulta ng imbestigas-yon ng Senado nitong mga nagdaang araw hinggil sa overpriced daw na gusali sa Makati City na ipinagawa ng pamahalaang lungsod noon sa ilalim ng pamumuno ni dating Makati Mayor Jejomar Binay na ngayon ay Vice President ng bansa. Bakit masasabing maganda, kasi nahuli mismo ang isda sa sarili niyang bibig. Tinutukoy natin dito ang …
Read More »Carnap king ng bansa, bumagsak sa QCPD-Ancar
MALAKI ang itinaas ng carnapping cases sa unang kalahating taon ng 2014 kompara sa nagdaang taon. Noong nakaraang taon (Enero hanggang Hunyo) halos 1,500 cases lang ang naitala habang halos umaabot na sa 3,000 para sa Enero hanggang Hunyo 2014. Sa 3,000 cases halos 2,000 dito ang pagta-ngay ng motorsiklo na ang ilan ay nagagamit sa panghoholdap ng riding in …
Read More »