Thursday , June 4 2026

Abu Sayyaf, 84 pa arestado sa QC Tokhang

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group at 84 iba pang drug suspect sa ipinatupad na anti-illegal drug operation sa Brgy. Culiat, Quezon City kahapon.

Kinilala ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, Quezon City Police District (QCPD) chief, ang naarestong hinihinalang terorista na si Juraid Sahibbun.

Kabilang din sa naaresto si Hadji Abraham, hinihinalang drug lord sa Salam Compound, kasama sa QCPD’s drug watchlist.

Ayon sa ulat na isinumite kay Eleazar, ipinatupad ang Oplan Tokhang at Galugad dakong 11:30 am ng mga tauhan ni Supt. Danilo Mendoza ng QCPD Station 3, Special Weapons and Tactics, barangay officials, kasama si SPO2 Hassan Adi, presidente ng Brgy. Culiat Muslim Peace and Order.

Ayon kay Eleazar, ang mga suspek ay naaktohan habang nagsasagawa ng pot sessiuon sa tatlong bahay sa nabanggit na lugar.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …