Friday , December 5 2025

Almar Danguilan

7 patay sa buy-bust sa Kyusi

PATAY ang pito katao sa ipinatupad na buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 kahapon ng madaling araw sa Brgy. Old Balara ng nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, isa sa mga napatay ay kinilalang si alyas Kuya Boy habang ang iba ay inaalam pa ang pagkakakilanlan. Ayon kay Supt. …

Read More »

Abu Sayyaf, 84 pa arestado sa QC Tokhang

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group at 84 iba pang drug suspect sa ipinatupad na anti-illegal drug operation sa Brgy. Culiat, Quezon City kahapon. Kinilala ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, Quezon City Police District (QCPD) chief, ang naarestong hinihinalang terorista na si Juraid Sahibbun. Kabilang din sa naaresto si Hadji Abraham, hinihinalang drug lord sa Salam …

Read More »

3 drug suspect todas sa Tokhang

shabu drugs dead

TATLONG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa ipinatupad na Oplan Tokhang sa Sitio San Roque, Brgy. Pag-asa sa nabanggit na lungsod kahapon. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar mula sa Masambong Police Station 2, kinilala ang mga napatay na sina Alex …

Read More »

Ba’t si Mayor Bistek lang paano ang iba?

ARAW-ARAW masasabing gumaganda at unti-unting nagtatagumpay ang giyera ng pamahalaang Duterte laban sa kriminalidad partikular ang dinatnan ni Pangulong Digong Duterte na problema sa malalang pagkakalat ng ilegal na droga sa apat na sulok ng bansa. Nasabi natin unti-unting nananalo ang gobyerno sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng “Oplan Tokhang” at “Oplan Double Barrel” dahil isa-isa …

Read More »

200 empleyado nagprotesta vs Araneta’s pizza company

NAGPROTESTA ang 200 dating manggagawa ng Pizza Hut sa main office ng kompanya sa Isetann Department Store sa Cubao, Quezon City at isinisigaw na dapat silang ibalik sa trabaho. Dakong 11:00 am nang magmartsa ang grupo sa Araneta Center nang tangkain silang harangin ng mga guwardiya at mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kaya nagkaroon nang balyahan at …

Read More »

Narco-celebrities tinitiktikan — QCPD

MINAMANMANAN na ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang movie personalities/celebrities na sinasabing gumagamit ng ilegal na droga partikular ang ecstacy party drug. Ito ang inihayag kahapon ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, makaraang ikanta nang naarestong ecstacy pusher na si Philip Mendoza Salonga, half  brother ni Broadway singer/artist Lea Salonga, ilan sa mga …

Read More »

“One body” sa QCPD Press Corps induction 2016

ITO ang tema ng mga bagong nanumpang opisyal ng Quezon City Police District Press Corps sa ginanap na induction ceremony nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 9 (2016) sa Shangri-La Finest Chinese Cuisine na matatagpuan sa Times St., Barangay West Triangle, Quezon City. Ang temang “One Body” (bilang bahagi ng isang katawan  gawin ng bawat opisyal at miyembro ang kanilang responsibilidad para …

Read More »

Human rights ‘di malalabag sa checkpoints — QCPD

MALAYANG makagagalaw at mananatili pa ring makakikilos ang mamamayan at lalong hindi malalabag ang karapatang pantao ng mamamayan ng Quezon City sa pagpapatupad ng checkpoint ng Quezon City Police District (QCPD) katulong ang militar sa pangunahing mga lugar ng lungsod. Ito ang ipinahayag ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar kasabay nang pagsasabing patuloy na igagalang ng pulisya …

Read More »

Half bro ni Lea, 2 pa tiklo sa 80 ecstacy

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ecs-tacy party drugs, kabilang ang half-brother ni singer-actress Lea Salonga, sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na nakompiskahan ng 80 pirasong iba’t ibang klase ng ecstacy na nagkakahalaga ng P120, 000 sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lungsod at Pasig City. Sa ulat kay QCPD director,  Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. …

Read More »

4 DRUG PUSHER/USER PATAY SA SHOOTOUT

PATAY ang apat hinihinalang drug pushers at users makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11, sa drug bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga napatay na sina John Lester Lacion, 20; Aniceto Villamor, 40; Richard Hilbano, …

Read More »

Tulak utas sa parak

shabu drugs dead

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher nang lumaban sa mga operatiba sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Immaculate Concepcion, Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni QCPD Director, Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinilala ang napatay na si alyas Fidel, kabilang sa drug watch list ng QCPD Kamuning Police Station 10. Ayon kay Supt. Pedro Sanches, hepe ng …

Read More »

“Take Care Of Me”

HABANG inihahanda ang baon (para sa recess at tanghalian) ni Bunso, Alberta Kristea, 9-anyos, at siya naman ay kasalukuyang kumakain ng kanyang almusal (kahapon), pinapabasa (alamin kung tama at kung maayos daw – feeling niya kasi na talagang writer ang kanyang daddy) niya sa akin ang kauna-unahan niyang ginawang tula para sa kanyang takdang aralin sa Civics. Hawak-hawak niya ang …

Read More »

3 karnaper utas sa enkwentro sa Kyusi

NAPATAY ng mga pulis ang tatlong lalaking hinihinalang tumangay sa isang taxi sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi. Sinasabing pinatigil ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Carnaping Unit ang mga suspek sa checkpoint sa North Avenue, ngunit imbes sumunod ay humarurot palayo. Nagkahabulan at nagkaputukan hanggang mapatay ang tatlong lalaki habang nakatakas ang dri-ver ng grupo. Napag-alaman, ang taxi …

Read More »

Filipino gampanan ang inyong bahagi

NAKALULUNGKOT ang nangyaring pagsabog nitong nakaraang Biyernes sa Davao City. Sa pag-atake ng lokal na teroristang Abu Sayaff Group (ASG) –  umabot na sa 17 inosente ang napatay habang 54 pa ang nasa ospital sa lungsod at inoobserbahan. Mabuti na lamang at mayroon tayong masasabing matinong pamahalaan (Duterte administration) na may puso na agarang inasikaso ang mga biktima at kanilang …

Read More »

(Bagong) QCPD DAID nakadale rin!

  NAKADALE rin sa wakas, ang alin? Ang (bagong) bumubuo ng Quezon City Police District-District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) ng droga at siyempre may kasamang tulak. Patay ba ang tulak, nanlaban din ba? Hindi naman at sa halip ay buhay na buhay ang masasabing kauna-unahang huli ng (bagong) DAID na pinamumunuan ni Supt. Godofredo Tul-O. Congrats DAID, sana ay magtuloy-tuloy na …

Read More »

Tsinay na syota ng convicted drug lord timbog sa P1.2-M shabu

arrest prison

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babaeng Filipino-Chinese na kasintahan ng convicted drug lord, makaraan makompiskahan ng P1.2 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang nadakip na si Jennifer Hong, 30, residente ng Block …

Read More »

Congratulations 41 QC (ALSP) gradautes! Congratulations!

Oo, sa inyo mga nagsipagtapos ng Alternative Learning System Program. Sino ba ang mga nagsipagtapos? Marahil magugulat o matutuwa kayo kapag nalaman ninyo kung sino ang 41 estudyante na nagmartsa kamakalawa sa Quezon City. Gusto ba ninyong malaman kung sino-sino ang 41 estudyante na dapat din natin saluduhan? Sila po ay mga bilanggong may karapatan din mag-aral, na pawang nakakulong …

Read More »

Odd/even 24-hours sa EDSA o MM ang dapat!

PERHUWISYONG problema sa trapik sa EDSA at maging sa secondary streets ang isa sa sinasabing pumapatay sa negosyo sa Metro Manila. Iyan ang lumabas sa pag-aaral kamakailan. Hindi lang milyon ang nawawala hindi umaabot na rin sa bilyon – sa loob ng isang taon marahil. Siyempre, kapag naapektohan ang ekonomiya ng bansa sanhi ng problema sa trapiko, lahat ay apektado …

Read More »

QCPD chief, tuloy sa paglilinis sa ‘bakuran’

HINDI naman sigang opisyal ng Philippine National Police (PNP) si Quezon City Police District (QCPD) director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sa halip siya’y mabait na opisyal – madaling lapitan hindi lang ng mediamen kundi maging ng kanyang mga opisyal at tauhan. Opo, hindi ka mag-aalangang lapitan si Eleazar. Sa madaling salita, isa siyang kaibigan. Madaling kaibiganin o mapalakaibigan. …

Read More »

Aareglo sa GF na arestado sa droga, utas sa entrapment

dead gun

HINDI na umabot nang buhay sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang lalaking nagtangkang ‘tumubos’  sa kanyang girlfriend na inaresto dahil sa illegal na droga, makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasang entrapment operation kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD director, S/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula kay Supt. …

Read More »

Market supervisor itinumba sa QC

gun QC

PATAY noon din ang isang market supervisor makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa loob ng isang palengke sa Quezon City kahapon ng hapon. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, S/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinilala ang biktimang si Richard Ramos, market supervisor sa Commonwealth Market sa Commonwealth Avenue, Brgy. Manggahan ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon, dakong 1:30 …

Read More »

A father’s love and care

NITONG Hulyo 8, 2016, Lunes, nagsisuko kay PNP chief  Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga pulis na kabilang sa ibinunyag ni Pangulong Duterte na pawang sangkot sa droga. Sa pagsuko at pagharap ng mga pulis, kinabibilangan ng mga opisyal, sinabon sila ni Bato. Maririnig sa radyo at napanood sa telebisyon na nanggagalaiti sa galit ang hepe ng Pambansang …

Read More »

2 QC cops sa Narco-list iginigisa na

INIUTOS ni Quezon City Police District (QCPD) director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang masusing imbestigasyon sa dalawang pulis-Kyusi, kapwa dating nakatalaga sa anti-illegal drugs unit, at kasama sa ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo na sangkot sa droga. Ayon kay Eleazar, ang District Investigation and Detection Management Division (DIDMD) ang kanyang inutusan na imbestigahan ang pagkakasangkot sa …

Read More »

Kriminalidad sa QC bagsak kay S/Supt. Lorenzo Eleazar

HINDI baleng lima na lang ang matirang pulis sa Quezon City Police District (QCPD) basta’t maaasahan para sa mamamayan kaysa naman mag-aalaga ako ng marami na pawang scalawags o ninja cops naman. Ito ang madalas na sinasabi ni QCPD director S/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa tuwing may sinisibak siyang pulis — opisyal man o police officer, sa patuloy niyang …

Read More »

Korona ng patay ipinadala kay Eleazar (Pagkatapos sibakin ang QCPD-DAID)

ISANG linggo makaraan pagsisibakin ni Quezon City Police District (QCPD) director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang buong puwersa ng District Anti-Illegal Drug (DAID), nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang opisyal. Ito ay makaraang padalhan ng korona ng patay si Eleazar sa kanyang tanggapan sa General Headquarters ng QCPD sa Camp Gen. Tomas Karingal, Sikatuna Village, QuezonCity. Ngunit ayon …

Read More »