IBA talaga kung ikaw ay performing police official, napakabilis bumalik sa iyo ang good karma. Ops, hindi good karma ang tawag diyan kung hindi pagpapala mula sa Panginoong Diyos which a humble leader deserved it. Mali rin sabihing suwerte dahil hindi naman sugal na mapapanalunan ang pagiging isang mataas na opisyal o makakukuha ng promosyon at sa halip, ito ay …
Read More »‘Shabu-silog’ nabuko sa dalaw
BUKING ang ipupuslit na shabu na inihalo sa ‘hotsilog’ ng isang 27-anyos babae bilang pasalubong sa dadalawin niyang kaibigang nakakulong nang dumaan sa inspeksiyon ng mga awtoridad sa Fairview Police Station (PS5) sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) ni P/Lt. Col. Rosendo Magsipoc, hepe ng Fairview Police Station (PS5), ang …
Read More »Umawat sa away… SK kagawad binurdahan ng saksak ng mananahi
MALUBHANG nasugatan ang isang kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) makaraang saksakin ng basag na bote habang umaawat sa away ng kanyang mga kapitbahay sa Project 4, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, P/Col. Ronnie S Montejo mula kay P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang biktima …
Read More »Call center analyst lumipad sa 27/F ng Park Hotel sa QC
TUMALON o nahulog? Ito ang patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad matapos bumagsak at magkalasog-lasog ang katawan ng 33-anyos call center analyst mula sa ika-27 palapag ng kanyang inookupahang hotel sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang biktima na si Jordan Joseph …
Read More »Vendor bulagta sa boga
UTAS ang isang vendor nang barilin sa ulo ng hindi kilalang lalaki habang naglalakad sa bisinidad ng Commonwealth Market sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ay napatay ay kinilalang si Eric Banasel, 22 anyos, vendor, nakatira sa palengke. Sa imbestigasyon, dakong 5:00 am, kahapon nang …
Read More »60 pamilya nawalan ng tahanan dahil sa napabayaang kandila
HALOS 60 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa napabayaang nakasinding kandila, sa naganap na sunog sa Barangay San Martin de Porres, Quezon City, nitong Martes ng madaling araw. Sa report ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay nagsimula dakong 12:23 am, 8 Oktubre at umabot sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula dakong 2:00 am. Ayon sa …
Read More »Driver/mekaniko ng Montero todas sa tandem
PATAY ang isang driver/mekaniko nang harangin ang dala-dala niyang Montero SUV at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Quezon City, nitong Martes ng umaga. Sa ulat na nakarating kay QCPD Director, P/Col. Ronnie Montejo, ang biktima ay kinilalang si John Carl Tulabot Basa, 21 anyos, may live-in partner, tubong Marilao Bulacan, kasalukuyang naninirahan sa Blk 27 Lot 48, Northville 2, Bignay, Valenzuela …
Read More »60-anyos lolang street sweeper, winalis ng wagon
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang lolang street sweeper nang siya ay ‘walisin’ ng rumaragasang wagon sa Brgy. Payatas, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ni P/MSgt. Edgardo Talacay, deputy ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktimang si Marilyn Flora Pareño, 60 anyos, residente ng Sorsogon St., Group 6, Area B, Brgy. Payatas, QC. Sumuko …
Read More »Kolehiyalang angkas dinalirot, TNVS driver naghihimas na ng rehas
PAGKATAPOS humaplos at dumalirot ng 22-anyos kolehiyala, nauwi sa paghimas ng rehas na bakal ang isang Angkas driver matapos arestohin ng mga barangay tanod saka ipinasa sa pulisya sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ni P/Lt. Cipriano Galanida, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9, ang inarestong Angkas driver na si Herbert Teves, may-asawa, at …
Read More »ASG leader, huli sa anti-criminality campaign ni Col. Montejo
NITONG 17 Setyembre 2019 nang isalin kay P/Col. Ronnie Montejo ni dating Quezon City Police District (QCPC) District Director, P/BGen. Joselito Esquivel ang pamunuan ng pulisya ng lungsod. Sa talumpati ni Montejo bilang Acting District Director ng QCPD, aniya’y isang malaking hamon ang kanyang susuungin dahil ang dalawang sinundan niyang District Director, sina NCRPO Director, P/MGen. Guillermo Lorenzo Eleazar at …
Read More »Power rectifier ng LRT2 station sa QC nasunog
NAG-PANIC ang commuters ng Light Rail Transit (LRT2) nang sumiklab ang apoy mula sa power rectifier ng tren sa pagitan ng Katipunan at Anonas stations sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa mga pasahero, nang mapansin nilang nagliliyab ang bagon at nagbukas ang pintuan, mabilis silang naglabasan sa tren at naglakad sa riles upang makababa agad. Agad nakapagresponde ang …
Read More »Nagtatanong lang po… Ninja cops issue, binuhay?
MASALIMUOT na naman ang usapang “ninja cops” – anang Philippine Drug Enforcement Unit este Agency pala (PDEA), buhay at patuloy pa rin na kumakana ang ninja cops. Teka, nabanggit po natin ang unit ng ahensiya dahil sa mga nagdaang araw, talo yata ng Philippine National Police (PNP) ang PDEA sa mga nahuhuling malalaking isda ngayon at nakokompiskahan nang milyon-milyon o …
Read More »Nagpasabog sa seafood resto huli sa checkpoint (Malapit sa Malacañang)
ISANG rider na tinangkang lusutan ang inilatag na police checkpoint ang dinakip matapos mahulihan ng droga at granada sa Quezon City. Natuklasan, ang rider na nahuli sa checkpoint ay siyang nagpasabog ng granada sa isang seafood restaurant malapit sa Malacañang, nitong 14 Setyembre. Iniharap sa media nina NCRPO Chief P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar at Acting Quezon City Police District (QCPD) …
Read More »Pag-amyenda sa juvenile law, buhayin!
ANO na bang nangyari sa pinagtatalunang juvenile law lalo sa pagpapababa sa edad ng minor na puwedeng sampahan ng kasong kriminal? Natahimik ang mga mambabatas sa pag-amyenda – ang babaan sa 9-anyos mula edad 15 ang puwedeng sampahan ng kasong kriminal samantala bago ang midterm election ay gamit na gamit ang isyu. Nariyan iyong ipinagtatanggol ang mga bata para makuha …
Read More »Magkaibigan nag-reunion sa preso sa pasalubong na ‘nakatuwalyang shabu’
HINDI na mahihirapang magpabalik-balik sa piitan ang isang lalaki para dalawin ang nakakulong na kaibigan, sa halip ay tuluyan na silang magkakasama, makaraang mabuking ang inipit na shabu ng una sa kanyang pasalubong na tuwalya, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Col. Ronnie Montejo ang naarestong suspek na si Jay-R Arquenio, alyas Sunog, 26, …
Read More »15-anyos teenager patay sa saksak ng 14-anyos estudyante
PATAY ang isang teenager makaraang saksakin ng estudyanteng 14-anyos nang magkapikunan ang magkabilang grupong kinaaaniban sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) District Director P/Col. Ronnie Montejo, ni P/Lt. Nick Fontanilla, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang biktima ay kinilalang si Harvey Clemente, 15-anyos, estudyante, at residente sa Pitimini …
Read More »Pharmacist, nurse, arestado sex, party drugs kompiskado
NASAKOTE ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lisensiyadong pharmacist at registered nurse sa magkasunod na anti-illegal drug operation sa Pasig City at Quezon City, iniulat kahapon. Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang dalawang suspek na sina Juan Carlos Reyes, licensed pharmacist, at Nilo Manipon, isang registered nurse, residente sa Pasig at Quezon City. Unang nadakip si Reyes, …
Read More »Mister pinagbabaril sa mukha, patay
PINASOK sa bahay at saka pinagbabaril sa mukha at katawan ang isang 45-anyos mister ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek, nitong Linggo ng gabi sa Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Rommel Martinez Ramirez, 45, may live-in partner, residente sa No. …
Read More »Galamay ng drug lord sa Bilibid patay sa P27.2-M shabu
NAPATAY ang isang drug courier na sinasabing ‘galamay’ ng isang drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP) makaraang manlaban sa mga umaarestong operatiba ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Office (NCRPO) sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw, na nagresulta rin sa pagkakakompiska ng P27.2 milyong halaga ng ilegal na …
Read More »8 ‘laya’ sa GCTA lumutang sa QCPD
SUMUKO sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang walong ex-convicts na lumaya sa ilalim ng proseso ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) nitong Miyerkoles. Ayon kay QCPD Director, P/BGen. Joselito Esquivel Jr., ang walo ay kinilalang sina Joselito Fernandez, 58, ng Brgy. Commonwealth; Rodel Bolo, 42, ng Brgy. Commonwealth; Marianito Revillame, 52, ng Antipolo City; Emmanuel Avillanoza, alyas Awel, 31, ng Brgy. …
Read More »Sexy star na pinsan ng ‘Killer Bride’ actress… Deborah Sun huli sa droga
ARESTADO ang veteran actress at dating sexy star na si Deborah Sun, kasama ang tatlo pa sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ni QCPD Project 4 Police Station (PS8) commander P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro ang naaresto na si Deborah Sun, Jean Louise Porcuna Salvador, sa tunay …
Read More »Nissan Phils, kinasuhan sa paglabag sa Revised Penal Code (RPC)
DESMAYADO ang Broadway Motor Sales Corporation dahil matapos ang mahigit 41 taon kontrata sa Nissan Philippines, Inc., bilang dealer ay biglang natapos ito sa isang iglap. Ayon kay Leoncio Lei Yee, Jr., pangulo ng Broadway Motor Sales, tumupad ang kanilang kompanya sa kagustuhan ng Nissan Philippines na magkaroon ng “renovation” sa kanilang kompanya na ang kabuuang nagastos ay P28 milyon. …
Read More »Takas na rapist at kidnaper, naibalik sa piitan ni QCJ Warden Quita
ANG 27 Hulyo 2019, ay araw na hindi malilimutan ni dating Quezon City Jail Warden, J/Supt. Fermin Enriquez. Bakit? Sa araw na ito kasi, siya ay natakasan ng dalawang preso. Hindi basta-basta o small time ang mga takas kung hindi nahaharap ang dalawa sa kasong rape, kidnapping at iba pa. Ang tumakas na sina Mamerto Vanzuela at Dennis Valdez ay …
Read More »CPP-NPA leader nasakote sa QC
ISANG mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), National Democratic Front (NDF), ang dinakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Special Operations Unit (QCPD-DSOU) sa Cubao, Quezon City. Sa ulat ni QCPD Director, P/BGen. Joselito Esquivel kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, P/MGen. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang …
Read More »Grade 6 kulong sa P142 nilimas sa burger house
KULONG ang isang grade 6 pupil sa halagang P142 mula sa hinoldap niyang Angel’s Burger sa Barangay Greater Fairview sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga. Sa ulat ni P/MSgt. Roderick Mallanao ng QCPD Fairview Police Station 5, ang insidente ay naganap dakong 4:20 am kahapon, 12 Agosto, sa Angel’s Burger branch sa Commonwealth Ave., Brgy. Greater Fairview, Quezon City. Ang …
Read More »