PINAIIMBESTIGAHAN ang 183 barangay officials sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa mga reklamong iregularidad sa pamamahagi ng cash aid, sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan. “Sa rami ng ating reklamong natanggap, 183 ang iniimbestigahan ng pulisya dahil may probable cause dito,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo …
Read More »Cayetano naghugas kamay lang sa ABS CBN shutdown
LUMANTAD at nagsalita na rin sa wakas si House Speaker Alan Peter Cayetano para harapin ang galit ng fans ni Cardo Dalisay este, ang Filipino dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN. Pero totoo kaya na asar na ang ilang senador at ilan sa kanyang mga kasamahan sa House of Representatives (HOR)? Paano kasi imbes sagutin ni Cayetano nang deretso ang isyu at akuin ang pagkakamali, …
Read More »QCPD HQ sa Camp Karingal isinailalim sa lockdown (14 tauhan positibo sa COVID-19)
INILAGAY sa loob ng tatlong araw na lockdown ang Quezon City Police District (QCPD) headquarters sa Camp Karingal, Quezon City nang matuklasan na 14 tauhan nila ang positibo sa coronavirus (COVID-19) sa isinagawang group testing noong 25-29 Abril 2020. Ito ang kinompirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon. Mula sa 1,563 populasyon sa loob ng Camp …
Read More »Reklamong natanggap ng DILG, 3,000 na
UMABOT na sa 3000 ang reklamong natatanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ilan sa reklamo ng mga residente ay inaaresto at ikinukulong sila dahil sa pagpapaskil ng kanilang mga concern o hinaing sa social media hinggil sa Social Amelioration Program (SAP) distribution. Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, batay sa reklamong …
Read More »Barangay officials bigyan na ng suweldo — DILG
PABOR ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bigyan na ng suweldo at i-professionalize o taasan pa ang kalipikasyon para sa mga posisyon ng barangay officials. Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ginagampanan na rin ng barangay officials ang tatlong pangunahing governmental functions gaya ng ehekutibo, lehislatibo at hudikatira, kaya’t dapat na …
Read More »Shabu at alak sa ECQ sa kamay ng QCPD
HINDI lingid sa kaalaman ng lahat na ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng shabu. Hindi lang dahil sa ilegal ang droga kung hindi wala itong naidudulot na kabutihan sa kalusugan at sa lipunan. Heto nga, inakala naman ng mga sindikato ng droga na mamamayani ang kanilang operasyon nang ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil abala ang PNP sa …
Read More »Bawas preso suportado… Decongestion sa kulungan, isinusulong
SUPORTADO ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyon ng Korte Suprema na i-decongest ang mga overcrowded na bilangguan, sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa COVID-19 o coronavirus disease 2019. Nauna rito, inianunsiyo ng isang Supreme Court official na halos 10,000 bilanggo ang napalaya para mapaluwag ang mga siksikang bilangguan. Ayon …
Read More »2,000 reklamo vs barangay officials natanggap ng DILG
NASA 2,000 ang mga reklamong natanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga opisyal ng barangay hinggil sa pamamahagi ng cash subsidy, sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP). Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, pangunahin reklamo ang pagbibigay prayoridad ng barangay officials sa kanilang mga kamag-anak at kaalyado sa politika para …
Read More »DILG sa barangay officials: Kabarangays huwag saktan
NAGBABALA ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga opisyal ng barangay na hindi dapat saktan ang mga residente kahit mahuling lumalabag sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinaiiral ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ito ang babala ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, …
Read More »Salvador, dapat itapon palabas ng bansa?
NANG una kong mapanood ang viral video hinggil sa pagdakip ng isang pulis sa isang dayuhang Español sa Makati City – sa panig ng dayuhan o kuha ng kanyang maybahay na isang Pinay, napailing ako sa paraan ng pagdakip sa negosyante. Nag-ugat ang lahat sa paninita ng pulis, si P/MSgt. Roland Madrona, sa katulong ng dayuhan dahil hindi nakasuot ng …
Read More »Lagot ang mga ‘tadong Kupitan este Kapitan
WALA pa ang Social Amelioration Program (SAP) at sa halip ay pamimigay pa lamang ng relief ang ‘uso’ nang simulan ang enhanced community quarantine (ECQ) noong 15 Marso 2020, marami na ang reklamo laban sa ilang mga kapitan del barrio o barangay chairman. Kesyo kinukupitan daw ng kapitan ang relief goods na mula munisipyo o city hall. Bagama’t hanggang ngayon …
Read More »May COVID man, PNP-IMEG, tuloy sa ‘paglilinis’
KAPAL ng…! Sino? Wala naman, sa halip kayo na lang ang humusga sa pulis-Maynila na inaresto ng PNP – Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) kamakailan habang nahaharap tayo sa matinding krisis – ang pagkikipaglaban sa COVID-19. Ba’t siya inaresto samantalang ang mga pulis ngayon ay sinasaluduhan dahil sa hindi matatawarang serbisyo sa bayan – ang pagiging frontliner sa …
Read More »Sa QC EO 26 ni Belmonte, dapat isinama ang mga pasaway
SA Quezon City Executive Order No. 26, layunin nito na proteksiyonan ang frontliners, mga kaanak, at COVID 19 patients. Proteksiyon sa mga ‘mandidiri’ at/o manlalait sa kanila. Siyempre, ang mahuling lumabag sa kautusan ni QC Mayor Joy Belmonte ay aarestohin at kakasuhan. Katunayan, ipinatutupad na ito ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni P/BGen. Ronnie Montejo. Ibinaba ang …
Read More »Barangay checkpoint sa nat’l highway, prov’l road, tablado na!
TAMA ang desisyon o pagsuporta ni DILG Sec. Eduardo Ano sa kahilingan na pinaaalis kamakalawa ni Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, Philippine National Chief for Operation at Commander ng Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV Shield) ang mga barangay checkpoint sa mga national at provincial road sa buong bansa. Lahat kasi ng mga barangay sa bayan-bayan ay …
Read More »Be a Joy Giver… point people to Jesus
MAHIGIT dalawang linggo na ang nakalilipas nang iimplementa ang enhanced community quarantine na nagsimula nitong 15 Marso 2020. Kamusta naman ang inyong ‘pagkulong’ sa bahay? Masaya ba? Nakaka-bored ba? Masaya hindi po ba? At least araw-araw mong kasama ang inyong pamilya. Hindi iyong lagi kang walang oras o bitin sa oras mo para sa kanila. Ngayon, lagi kayong …
Read More »‘Wag mabagabag… He is our refuge and strength
KUMUSTA mga kababayan? Ika-12 araw ngayon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon. Nakalulungkot man ang mga kaliwa’t kanan na napapabalita hinggil sa COVID-19, magpasalamat pa rin tayo sa Panginoong Diyos at nananatili Siyang tapat sa sanlibutan. Pasalamat tayo sa Panginoon, sa araw-araw na pagpapala. Ang paggising mo sa umaga – napakalaking pagpapala na nito. Oo, kahit na umaatake …
Read More »P2.4-B ‘bayanihan’ ng AGC
SINO pa nga ba ang magtutulong-tulong sa kinahaharap na krisis ng bansa – ang COVID 19? Siyempre, walang iba kung hindi tayo-tayo rin mga Pinoy para malabanan ang nakamamatay na coronavirus. Isa sa kulturang Pinoy ang bayanihan, ang ngayon ay muling nabuhay.Tulungan sa isa’t isa. Nang ideklara ni Pangulong Duterte ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ), hindi maikakaila na ang …
Read More »‘Gulo’ sa checkpoints, napatino na rin
SA WAKAS, makaraan ang tatlong araw nang isailam sa “enhanced community quarantine” ang buong Luzon, napatino na rin ng Philippine National Police (PNP) ang mga lagusan (para sa papasok at papalabas) sa buong Metro Manila. Kahapon, malinis na ang karamihan sa mga itinayong checkpoint. Madali nang nakalalabas-pasok ang mga sasakyang exempted sa mga ipinagbabawal na makapasok sa National Capital Region …
Read More »Chinese nat’l sumalungat sa trapik para umiwas sa checkpoint timbog
INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Chinese national dahil sa pagsalungat sa trapiko para makaiwas sa checkpoint habang ipinatutupad ang “enhanced community quarantine” sa Quezon City. Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, nakilala ang suspek na si Jian Pang, 33, technician sa SENHHO Philippines Electrical Corp., residente sa 9th St., Rolling Hills Subdivision, Ejercito Compound, …
Read More »Pila sa checkpoint? Magdasal kaysa magalit
TANONG ko sa aking sarili, ano ba ang dapat na isulat o maging paksa para sa araw na ito. Ang batikusin ang pamahalaan sa mabilis na paglobo ng bilang ng infected ng COVID 19? Ang kulang na paghahanda ng pamahalaan simula nang pumutok ang balita hinggilsa virus? At maraming iba. Huwag na, kasi po nandiyan na ‘yan at sa halip, …
Read More »Van ni Kim ChiU, sadyang inabangan ng tandem
TARGET talaga ng riding-in-tandem ang sinasakyang van ng aktres na si Kim Chiu mula sa paglabas sa subdivision hanggang paulanan ng bala ng baril pagdating sa traffic light sa kanto ng Katipunan Ave., at CP Garcia Ave., Barangay UP Campus, Quezon City, nitong Miyerkoles ng umaga. Ito ang lumilitaw sa imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) Kim Chui …
Read More »Mistaken identity? Kim Chiu inambus sa Kyusi
NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang aktres na si Kim Chiu makaraang paulanan ng bala ng riding-in-tandem ang kanyang sasakyan habang papunta sa taping, kahapon ng umaga sa Quezon City. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) District, P/BGen. Ronnie Montejo, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) dakong 6:15 am, nang maganap ang pananambang sa sasakyan ni Chiu …
Read More »CP technician pinagbabaril sa loob ng bahay
PATAY ang isang cellphone technician nang pasukin sa loob ng bahay at pagbabarilin ng dalawang lalaking kapwa nakasuot ng bonnet sa harap ng kanyang misis, sa Quezon City, nitong LInggo ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, mula sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), kinilala ang biktimang si Juanito Soledo, 33, at naninirahan …
Read More »Power tripper si Cayetano sa ABS-CBN franchise renewal
KUNG napakalakas mag-power trip ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa ‘pagbara’ sa hinihinging franchise renewal ng ABS-CBN Corp., biglang nag-iiba na ngayon ang takbo ng mga pangyayari. Nauubusan na yata siya ng boltahe at tumitiklop na sa isang malaking gusot na siya rin naman ang may kagagawan unang-una. Pero ang matindi, ipinapasa na niya sa iba ang problema. Kung …
Read More »Manalangin laban sa 2019 NCOV
DUMATING na rin ang Department of Health (DOH) medical team na sumundo sa 30 kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) mula Wuhan, China. Dinala agad ang mga kababayan natin sa Athlete’s Village sa New Clark City, Tarlac. In fairness sa pamahalaan – DOH, maraming salamat sa hakbangin para ilayo o iligtas ang 30 OFWs sa Wuhan, China na pinagmulan ng …
Read More »