Monday , December 23 2024

Ex-DBP chair Nañagas ikulong (Hatol ng Sandiganbayan)

HINATULAN ng Sandiganbayan na makulong si dating Development Bank of the Philippines (DBP) Chairman of the Board Vitaliano Nañagas II dahil sa kasong estafa at katiwalian.

Ayon sa ulat ng Office of the Ombudsman, hinatulan ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang si Nañagas na makulong ng anim hanggang 10 taon dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, apat hanggang 12 taon pagkakakulong sa isang count ng estafa, at apat hanggang 14 pang taon pagkakaulong sa ikalawang kaso ng estafa.

Bukod dito, pinagbabayad din si Nañagas sa gobyerno ng kabuuang P377,040.01.

Sa 36 pahinang desisyon, tinukoy ng korte na ginamit ni Nañagas ang pondo ng bayan maging sa personal niyang lakad sa pamamagitan ng ‘reimbursement’ sa travel expenses sa Amerika.

Kabilang sa personal expenses ay lingerie, underwear, gamity, jersey shorts at personal gifts.

“While the members of the Board and the Chairman are entitled to allowable expenses, the same should be in connection with the discharge of their duties and responsibilities as such,” ayon pa sa anti-graft court.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *