Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Handa na akong magka-anak — JLC

PERSONAL naming nainterbyu sina John Lloyd Cruz, Jennylyn Mercado, atDirek Cathy Garcia-Molina sa shooting ng Just The 3 Of Us sa Clark International Airport, Pampanga.

Kahit hindi na mabilang ang mga pelikulang nagawa ni Lloydie kay Direk Cathy, naroon pa rin ang thrill of excitement ng actor na makatrabaho ang box-office director.

“It’s always a joy working with Direk Cathy Garcia. ‘Yung joy na ‘yun naging triple pa dahil this time around I used to worked with Jennylyn Mercado,” sambit ni JLC.

Pagmamalaking sinabi ni ni John Lloyd na napagkuwentuhan nila ni Piolo Pascual si Jennylyn. Hindi na nga lang idinetalye ng actor kung ano ang kanilang napag-usapan tung kol sa actress. Sa pakiwari namin, tipong may follow-up movie si Jen sa Star Cinema with PJ kaya kumukuha ito ng info kay JLC.

“Si Jennylyn is a very exciting figure in films. Sa panahon ngayon  napakasuwerte ko dahil sa pagtapak niya sa bakuran natin ako agad ang nakasama niya. Napakapalad ko sana suwertehin kaming tatlo (with Direk Cathy) sa aming pagsasama-sama,” turan ng magaling na actor.

Kakaiba ang style ni Direk Cathy kompara sa ibang director. Mas gusto niyang totoong-totoo ang bawat eksena. Hindi ‘yung inaakting lang ng artista, hindi makatotohanan. Kung itago man ni Direk Cathy sina Jen at Lloydie before the take gusto nitong maging natural ang eksenang kukunan.

“Kasi ‘yun ang scene na parang two strangers met. Noon lang sila nagkita, hindi maalala ni Uno (Lloydie) kung sino itong babaeng ito. Gusto kong makuha ‘yung totoong reaction ni Lloydie sa surprise. In fact, biniyak ko, hindi ko ibinigay kay JLC ‘yung dialogue ni CJ (Jen). Sabi ko lang, ‘anong gagawin mo kapag lumapit sa ‘yo ang isang babae claiming that  you’re the father of her baby’.  Pagka-cut ko at saka ko palang sila ipinakilala sa isa’t isa, wala lang,” paliwanag ni Direk Cathy.

If ever, may lumapit na babae kay Lloydie at sabihin sa kanya na anak niya ang ipinagbubuntis, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?

“Over lunch pinag-uusapan namin ‘yan kaharap ko ang director ko. I was talking to my director and photography si Noel Tihankee. Halos magka-edad kami. Sabi ko sa kanya, okay na akong magka-anak. If she presented to me ‘yung sitwasyon ngayon siguro kung  gaya ng tanong ninyo na may kumatok sa akin. Kung sakaling magyayari ‘yun, okay na akong magka-anak. Not necessary magka-asawa’t magka-anak. Kung may lalapit at sasabihing akin ‘yun kahit imposible sa tingin ko, sa pananaw ko… Sa tingin ko kasi parang wala naman talaga pero kung mangyari man kaya kong tanggapin kaya lang biglang nagbago ang isip ko. Yeah, I’m ready, kung anak lang ang pag-uusapan, I think, I’m ready,” natatawang pahayag ni JLC.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …