Monday , June 3 2024

Mas importante kaysa magsasaka sina Mar at Leni — Sanlakas (Gabinete missing in action)

“Gutom ang bunga pag inuuna ang pulitika sa pangangailangan ng magsasaka.”

Nanggagalaiting sinabito ni Sanlakas Party-list nominee Leody De Guzman ngayong Martes kasabay ng pagtuligsa sa mga opisyal ng administrasyong Aquino na ginagawang prayoridad ang pangangampanya para kay Mar Roxas at Leni Robredo ng Liberal Party (LP) imbes tugunan ang kalagayan ng mga magsasakang lubhang sinalanta ng El Niño.

Magugunitang natapos ang protestang isinagawa sa Kidapawan sa pagkamatay ng tatlo katao at pagkakapinsala ng marami sa hanay ng mga nagpoprotestang magsasaka. 

Ayon kay De Guzman, “MIA (missing in action) lahat ng opisyal ng gobyernong may mandatong tumugon sa pangangailangan ng mga magsasaka mula nang mag-umpisa ang kampanya dahil aktibo silang nangangampanya para sa mga manok ng Daang Matuwid na si Roxas at Robredo.”

Ang tinutukoy ng labor leader ay si Agriculture Secretary proceso Alcala, Social Welfare and Development  Secretary Corazon “Dinky” Soliman, at si Budget Secretry Florencio “Butch” Abad.

“Alam na alam ng DA, noong isang taon pa, na susuungin ng mga magsasaka ang tagtuyot, ngunit bigo si Alcala na paghandaan ang pangangailangang ito ng ating mga sakahan – dahil mas pinili nilang mag-ikot sa mga probinsiya kasama si Korina Sanchez upang ikampanya ang tambalang Mar-Leni,” ayon kay De Guzman.

Dagdag nito, “masyadong busy” si Soliman upang bigyang pansin ang pangangailangan ng mga naapektohang El Niño dahil “sinasamantala” ang bawat pagkakataong mamahagi ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) upang kombinsihin ang mga benipisaryo ng programa na iboto si Roxas at Robredo, samantala si Abad ay “naghahanap ng paraan upang magamit ang pondo ng gobyerno para kay Mar at Leni.”

“Imbes mag-isip ng paraan na gamitin ang CCT program para mapakinabangan ng mga magsasaka o maghanap ng mapagkukunang pondo para ilaan sa kanila, mas pinili ng nasabing mga miyembro ng gabinete na pagtuunan ang pananamantala sa pondong gobyerno para sa kanilang mga kandidato.”

Madalas makita si Abad, Alcala at Soliman sa mga rally ni Roxas at Robredo sa maraming bahagi ng kapuluan.

Binatikos din ni De Guzman si PNoy “sa pagpapakita ng maling halimbawa sa buong gabinete.”

“Ang tatlong miyembro ng gabinete ay sumusunod lamang sa halimbawa ng Pangulo na inuuna ang pamomolitika imbes pangangasiwa. Tanging mahalaga kay Aquino ngayon ang kandidatura ni Roxas at Robredo na patuloy ang pangungulelat sa kanilang mga katunggali,” ayon kay De Guzman.

“Matapos ang masaker sa Kidapawan, magtataka pa ba si Aquino at ang LP kung isinusuka ng taumbayan ang kanilang mga kandidato – dahil sila ay kumakatawan sa parehong manhid at palpak na gobyerno sa ilalim ni Aquino.”

Apat na araw matapos ang Kidapawan Massacre, wala pa rin umanong masabi si Pangulong Aquino tungkol sa madugong pangyayari ngunit, ayon kay De Guzman, nakuha pa umano nitong magtalumpati sa turn-over ng mga fire truck sa Bureu of Fire Protection na paulit-ulit “ibinida” si Mar Roxas ng LP.

“Puro RoRo (Roxas-Robredo) na lang nasa isip ni PNoy at ng cabinet nya. Kaya hindi kami nagugulat na hindi na natugunan ang hinaing ng ating magsasaka.”

About Hataw News Team

Check Also

Itatayong ospital sa Porac pinasinayaan ni Lito Lapid

Itatayong ospital sa Porac pinasinayaan ni Lito Lapid

PINANGUNAHAN ni Senador Lito Lapid ang groundbreaking ceremony ng Jose Songco Lapid District Hospital sa …

Bagong CAA-C Health Center binuksan na ng Las Piñas LGU

Bagong CAA-C Health Center binuksan na ng Las Piñas LGU

BINUKSAN na ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ni Vice Mayor April Aguilar …

Anne Curtis

Anne nag-react sa resulta ng botohan sa Divorce Bill

HINDI nakapagpigil si Anne Curtis na maghayag ng saloobin sa inilabas na resulta ng botohan sa usaping …

Eddie Garcia

Eddie Garcia law nilagdaan na ni PBBM: Mas pabor nga ba sa mga network at producer kaysa mga manggagawa?

HATAWANni Ed de Leon INAPRUBAHAN na ni PBBM ang Eddie Garcia law na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang mga …

Farmer bukid Agri

Magsasakang Pinoy may “Bagong Pagasa” sa pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act

NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang grupo ng mga magsasakang Filipino nang ratipikahan ng Senado at Kongreso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *