Cong. na senatoriable epalist na supladito pa?
Jethro Sinocruz
April 5, 2016
Opinion
THE WHO ang isang congressman na nagnanais maging senador ang pa kaway-kaway sa personal pero supladito naman sa text.
“Nice Candidate” ang turing ni Kangkong-gressman sa kanyang sarili kung kaya’t dapat lamang daw na siya iboto ng sambayanan dahil sa kanyang pagi-ging makamasa?
Weeeeehhh!
Assuming ha!
Ayon sa ating alagang Hunyango, si Nice Candidate or in short NC ay lagi raw umaalingawngaw ang boses sa session hall ng Kamara pati na rin sa Committee hearing dahil sa kaeepal niya.
Assuming na epalist pa!
Hak hak hak hak hak hak!
Sa totoo lang minsan may katuturan din naman ang pag-epal ni NC pero madalas overacting na siya sa kanyang pagpapel na nagiging dahilan para ma-delay ang session o committee hearings.
Dahil dito, maraming mamamahayag sa Congress ang naiinis o kung minsan natatawa na lang sa pagngawa ni Cong kaya ang iba sa kanila ay nangangayaw nang mag-interview sa kanya.
Pero kahit ganoon pa man, may ilang mamamahayag pa rin ang nagtitiyagang mag-interview kay NC dahil kinakailangan talaga ang kanyang say kuno.
Ang nakaaasar pa raw kay NC, minsan ay may topak yata siya at ayaw mag-reply sa text sa ilang reporter.
Hinala ng iba, choosy lang sa media si NC kung sino ang dapat niyang sagutin dahil kapag sa iba naman daw panay ang reply.
Ngak!
Bulong sa akin, minsan may isang tabloid reporter ang inutusan ng kanyang opisina para makuha ang pulso ni Cong sa isang isyu pero deadma lang ang ku-mag!
Feeling pogi ha!
Dami talagang feelingero rito sa Pinas.
Whew!
Tuloy natin, noong una inakala ni tabloid reporter na baka busy lang si NC kung kaya’t hindi sumasagot noon sa kanyang tinatanong na napaka-importante pa naman.
Pero lumipas ang ilang buwan kaila-ngan na naman makuha ni tabloid reporter ang panig ni Cong ero no reply talaga siya samantala ‘yung ibang reporter nagkukumahog siya sa pagsagot.
Anak ng tinapa na may kamatis oo!
Akala ko ba makamasa ka sir? Akala ko ba nice candidate ka? Kung ‘yan nga na isang media practitioner ay inisnab mo paano pa talaga ang tunay na masa Filipino aber?!
Pili-ngero ka rin ‘no?! As in namimili ng media!
Heto pa, kung kinakailangan daw ni NC na magpapogi aba’y akala mo pag-aari niya ang lahat ng media outlet dahil lahat pinapasahan niya ng kanyang press releases!
O ‘di ba ang galing ng karakas nitong si Senatoriable?!
Kayong masang Filipino ganyan ba ang tunay na maka-masa? Siya ba ang type n’yong iboto?
Ewan na lang!
Babuski!