Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Huling laban ni PacMan panonoorin ng mundo

LAS VEGAS—Sa pag-akyat ni  eight-division world boxing champion Manny Pacquiao sa ibabaw ng lona na maaaring huling pakikihamok na niya sa larangan, inaasahang buong mundo muli ang umaabang lalo na ng mga Pinoy.

Ang  Pambansang Kamao ay haharapin si Timothy Bradley sa ikatlong pagkakataon sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas. Ang  Filipino sports icon  ay magreretiro na sa  boxing matapos ang naturang laban.

Si Gerry Peñalosa, na dating junior bantamweight and bantamweight titleholder, na may ekselenteng  21-year professional career, ay kumpiyansa sa kanyang tinatawag na “hero.”

“I am sure Pacquiao will win by unanimous decision. Speed is his biggest edge. If ever he will continue fighting, he should face Mayweather again. You are my hero!”ani Peñalosa,  na isa na ngayong  boxing promoter.

Si dating  Philippine Sports Commission Chairman at ngayo’y pangulong  Philippine Amateur Track and Field Association Philip Ella Juico, ay may prediksyon na ang Pambansang Kamao ay mananaig sa mga huling rounds.

“Maybe 8th or 9th round onwards. Pacquiao has too much speed and power and he is too smart for Bradley,” ani  Juico. He knows, too, that the Pacman has his weaknesses.

“He can become over eager and careless. He has to watch out for that looping right hand, almost a round house right, of Bradley,” patuloy niya. Gayunman, siya ay nakapanig para  kay Manny at aniya pa tanging ang Filipino sports icon lang ang makapagsasabi kung may gana pa siyang sumagupa  ng isa o dalawa pang laban.

Si Robert Nazal, CEO ng YSA Skin Care Corporation at isang sports fan, ay nagsabing  mananalo si Manny sa pamamagitan ng desisyon.

“Bradley is in his prime and Manny has slowed down a bit. But skill-wise, Bradley is miles away from Manny. Bradley, however, is very good defensively and can surely take a punch. Manny should get a rematch from Floyd Mayweather. He deserves it. Go for the knock out Manny!”  analisa ni Nazal.

Sina retired professional basketball player sa Philippine Basketball Association  Kenneth Duremdes at Meralco Bolts’ John Ferriols ay kapwa  positibong si Pacquiao ang mananalo sa pamamagitan ng unanimous decision. Naniniwala si Duremdes na ang bentahe ni  Manny ay ang kanyang tibay at lakas.

Inaanalisa naman ng sikat na basketball coach na si  Norman Black, Head Coach ng Meralco Bolts, ang dalawang fighters.

“The guy (Bradley) won two straight fights, Brandon Rios via TKO and Jessie Vargas via UD. Manny lost on his last fight, but I still go for Manny. It will be an exciting match,”  aniya.

Wala namang pagdududa si Healthwell Nutraceuticals Inc. President Paulo Legaspi  na si Manny  ang mananalo, ngunit gaya ni  Ferriols,  na niniwala siyang  ang pambansang kamao ay kinakailangan ng magretiro  at magpokus sa kanyang  pagtakbo  bilang kandidato sa pagka-senador.

Tinalo ni Bradley si Pacquiao nooong  Hunyo 2012  sa pamamagitan ng kontrobersiyal na split decision, bago nanalo si  Pacquiao noong 2014 sa isang  one-sided unanimous decision  kay  Bradley.  Ang salpukan  ngayon ay ang muling pagbabalik Pacquiao matapos na matalo sa dinagsang publisidad na sagupaan  kontra Floyd Mayweather at nakarekober na buhat sa operasyon sa balikat  ilang araw matapos ang laban.

( Robbie Pangilinan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …