Friday , December 27 2024

Why, why, why Delilah?

KAMAKALAWA (Sabado ng gabi), muli na namang naunsiyami ang mga tagahanga ni Tom Jones.

Mayroon kasi siyang live show sa Smart Araneta Coliseum, pero last minute ay nakansela ang show.

Mayroon daw kasing kaanak na maysakit si Tom Jones, kaya kinakailangan niyang kanselahin ang show.

Nadesmaya talaga nang husto ang kanyang mga tagahanga, kasi not once but twice na itong ginagawa ng kumanta ng Why, Why, Why Delilah.

Noong una ay inindiyan niya. Ito ngang pangalawa tiniyak muna ng mga manonood na dumating na si Tom Jones bago bumili ng tiket.

Nakita nga sa TV na dumating si Tom Jones pero nakapagtataka kung bakit kinansela pa ang show.

Marami sa mga audience ay galing pa sa malalayong probinsiya habang ‘yung iba naman ay mga balikbayan.

Mantakin ninyong pagkadesmaya ‘yan?!

‘Yung isang kakilala nga natin, marinig lang daw niya nang live ‘yung “Green, Green Grass of Home” ‘e puwede na siyang… umuwi (hindi naman mamatay hehehe).

Ang huling eksenang namataan natin, nagkantahan na lang ang mga lolo at lola ng Why, Why Delilah…

Why o why nga ba, Ovation Productions?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *