Sunday , December 22 2024

Mag-iina minasaker sa South Cotabato

KORONADAL CITY – Nakahandusay at wala nang buhay ang tatlong miyembro ng pamilya Recomite sa Prk. Ubas, Bo. 5, Banga, South Cotabato makaraan pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga suspek kahapon ng umaga.

Ayon kay Barangay Kapitan Amado Villacanas ng Bo. 5,  duguang natagpuan ang magkapatid na sina Edward alyas Wating at Metchie gayondin ang kanilang ina na si Cresencia “Cresing” Recomite.

Ayon kay Kapitan Villacanas, tadtad nang saksak sa katawan ang mga biktima na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Nakita ang bangkay ni Edward sa labas ng kanilang bahay habang sa sala si Cresensia at ang bangkay ni Metchie ay sa kusina malapit sa pinto.

May natagpuang kutsilyo sa pinangyarihan ng krimen na hinihinalang ginamit sa pananaksak.

Pinaniniwalaang 10 p.m. hanggang 11 p.m. kamakalawa nangyari ang insidente dahil natuyo na ang dugong nagkalat sa kanilang bahay.

Tanging ang 10-anyos na si Carlo ang survivor sa krimen na dinala sa pagamutan.

Habang ang padre de pamilya ng mga Recomite na si Rustico, dating pulis at ex-kapitan ng nabanggit na barangay, ay matagal nang pumanaw.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *