Monday , December 23 2024

GMA dapat ipagamot sa abroad — Bongbong

PAMPANGA – Inirekomenda ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tulad ng ibang mga may sakit dapat din payagan ng pamahalaan na makapagpagamot sa ibang bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Marcos, wala siyang nakikitang dahilan upang hindi mapayagan ng pamahalaan  na makapagpagamot sa ibang bansa ang dating pangulo.

Tinukoy ni Marcos na maging si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na ama ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay pinayagan na makapagpagamot sa Estados Unidos.

Naniniwala si Marcos na hindi maaaring madaling matatakasan ng dating Pangulo ang kanyang kaso lalo na’t prominente siyang tao at monitor ng pamahalaan ang kanyang bawat galaw.

Aminado si Marcos na lubhang mahalaga ang suporta ng dating Pangulo sa kanyang kandidatura.

Inaasahan ni Marcos na susuportahan at iendoso siya ng dating Pangulo sa mga kaibigan, kakilala at kaalyado sa partidong Lakas bilang bise presidenteng kanyang mamanukin sa eleksiyon sa Mayo 9.

Si Gng. Arroyo ay kasalukuyang tumatakbong muli para sa pagka-kongresista ng isang distrito  sa Pampanga at walang kalaban.

Samantala, walang nakikitang hadlang si Marcos kung isasailalim sa isang house arrest ang dating Pangulo.

Sinabi ni Marcos, hindi dapat balewalain at isantabi ang kalusugan ng dating Pangulo.

Si Marcos ay nagpapatuloy ng kanyang Unity Caravan sa Pampanga at kanyang sinuyo hindi lamang ang local officials kundi maging ang mga Kapampangan.

Kaugnay nito, tumanggi si Marcos na pangalanan ang local officials na nagtiyak ng suporta sa kanya at ipinauubaya na niya sa kanila ang kanilang paghahayag ng lantarang suporta sa kanyang kandidatura.

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *