Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MRO ng presidential candidate saliwa dumiskarte

THE WHO si Media Relations Officer (MRO) ng isang presidential aspirant na hindi raw parehas ang pag-estima sa mga reporter na nakatoka sa kanyang boss?

Itago na lang natin sa pangalang “Bogak Sumistema”or in short BS si MRO dahil kabaligtaran sa sinasabi ng isang icon broadcaster  na “walang pino-protektahan walang kinikilingan” ang kanyang estilo.

Ang ibig sabihin, may pinoprotekta-han at may kinikilingan siya?

Opo ganoon na nga ‘yun!

Sumbong ng Hunyango natin, mistulang naging ma-drama raw ang buhay ng maraming reporter na nagko-cover kay presidential candidate dahil sa favoritism na ginagawa ni MRO.

Toinkz.

As in bitter talaga sila?

Hakhakhakhak!

Kasi naman daw si BS kapag kakilala niya o kaibigan ‘yung reporter na kasama sa coverage aba’y libre raw lahat ang accommodation at may kasama  pang beerhouse sa gabi?!

Hanu?! What?!

Ang pait naman ng kapalaran!

Baka may kasama pang bebot ‘yan?

Hindi lang ‘yun, pag-uwi pa raw ng mga paborito at kaibigan na media ni MRO may pasahe at may pasalubong pa.

Ay talaga naman!

Bwar har har har!

Kompleto talaga ha?

Samantala ‘yung ibang reporter na hindi kasama sa kusina, ipinapa-shoulder pa raw yata sa network or sa publishing ‘yung transporatation nila.

‘Yun lang, ang lupit-lupit!

Sa totoo lang hindi ako agree na bigyan ng ganoong treatment ang mga mamamahayag dahil dapat ginagawa nila ang kanilang trabaho na walang kapalit o pabor man para parehas ang paghahatid ng balita.

Marami namang mamamahayag ang pabor sa ganoong patakaran ang  masakit  nga lang dito kay MRO gumastos na nga rin lang namili pa!

So anong aasahan diyan? ‘E di magkakainggitan!

Esep-esep din MRO ‘pag may time ‘no!

Pakiramdam  tuloy ng ibang media na naiwan sa ere, para silang basang sisiw at naging ma-drama nga ang kanilang trabaho.

Banggit ng Hunyago natin, para raw sinuba ‘yung mga reporter na hindi na-ging masaya sa kanilang coverage.

Kahit naman sino siguro baka maramdaman na sinusuba sila.

Heto ang tanong alam kaya ng kanyang bossing ang ginagawa ni MRO, na kinakawawa ‘yung ibang media?

E di meow! Asaness pa ka!

Babu!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …