Thursday , December 19 2024

Ang galing should come in the heart — Ate Vi

063015 vilma santos
AYON kay Governor Vilma Santos, status symbol ng isang artista ang pagkakaroon ng mga signature bags at branded clothes. Pero hindi roon ang focus niya, naniniwala siyang puwedeng bumili ng damit o tela, at gawan ng iba’t ibang design.

Para sa kanya, nasa nagdadala raw ‘yun kung maipo-project ito ng maayos kahit hindi signature ang suot.

Sa karanasan ni Ate Vi as an actress, naniniwala siya na may mga artista na inborn. May mga ipinanganak na mayroon ng galing sa pag-arte, mga clan ng mga artista. Pero may mga artista raw na talaga namang nati-train.

Ang labanan sa showbiz ay long terms, kung magtatagal nga ang isang artista. Karamihan sa mga actor natin ay may angking talino sa pag-arte, huwag lang magkaroon ng negative attitude.

“Maaaring superstar ka overnight, good only for six months. Mayroon namang unti-unti pero ‘pag pinag-usapan na hanggang ngayon nasa showbusiness pa rin. I think, ang galing talaga should come in the heart. You have to love your craft, kailangang mahal mo ‘yung career mo kasi at the end of the day, mamahalin ka rin nito.

“Hindi ibig sabihin kapag sinasabing sina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon, Maricel kapag nakatanggap na ng award ay ikaw na ang pinakamagaling , hindi rin. Kami may mga eksenang hindi rin namin nagagawa. Your only as good as your last film, which means, hindi porke nagka-award ka, ikaw na. Kailangang non-stop learning.

“Ako, sa experience ko more than 50 years hanggang ngayon mayroon pa rin akong natututuhang iba. Dapat ang artista sumusunod din sa panahon. Hindi ka maiiwan doon na ikaw na ‘yung pinakamagaling, ‘no. There’s no such thing, wala,” say ng Star For All Season.

PAGBABAGO NGAYON SA LOCAL CINEMA

Sa pelikulang Something About Her, maraming napansin si Ate Vi na pagbabago sa local cinema.

“Sa ngayon kahit magmura ka, puwede na. Depende lang kung paano mo siya bibitawan. ‘Yun ang sinasabi ko na uma-adjust ka sa panahon ngayon. Even the character, kapag nanigaw ka noon bawal ‘yun. Ngayon puwede because ‘yun ang nangyayari ngayon. ’Yun ang isang bagay na natutuhan ko rito sa pelikula namin,” turan pa ni Ate Vi.

Very vocal si Ate Vi na gusto niyang maging kaibigan si Direk Joyce Bernal. Magaan ang loob niya rito dahil sa pagiging straight forward. Na-tense nga ang blockbuster director nang marinig ito mula kay Ate Vilma. Gusto rin kasi ni Direk Joyce na maging close friend niya ang Governor ng Batangas.

Minsan na silang nag-bonding habang umiinom ng red wine. Sabi nga ni Direk,”Daig niya ako sa inuman, baksak na agad, matibay si Ate Vi.”

Nang dahil sa pelikulang SAH with Vilma, Angel Locsin, at Xian Lim, na inspired uli si Direk Joyce na gumawa pa ng matitinong pelikula.

“Well, binuhay uli niya ang passion ko as a director, namatay for a while. Siyempre dumaraan naman tayo roon nabi-burn out, namamatay, nawawala, hahanapin mo. Kasi may hahanapin ka kahit sa buhay mo sa pagiging director mo. Marami pa akong gustong gawing project for 2016, “ paliwanag ni Direk Joyce.

Maldita na may cancer ang papel na ginagampanan ni Ate Vi as Vivian. May mga eksena sila ni Angel na totoong nasaktan ang dalaga. Kung minsan hindi maiiwasang may masaktan sa eksena, kailangan kasi para maging realistic ‘yung scene. Paliwanag ni Angel, ”Part of the job ‘yun, kasi kapag naroon ka sa eksena hindi mo mararamdaman siya si Vilma Santos, ako si Angel Locsin. Nararamdaman ko ‘yung kabuuan ng eksena. Kung sa kanya nanggaling tatanggapin ko naman ang sapok. Si Tita Vilma naman sanay na sanay, maalaga siya. After the take, sasabihin niya, okay ka ba ? Pasensiya ka na ganoon,”pahayag ni Angel.

AKTINGAN, TO THE HIGHEST LEVEL

Dugtong naman ni Ate Vi, ”Ayaw ko rin masaktan si Gel (Angel), pinapaulit ni Direk Joyce ang eksena. Gusto ni Direk may gigil talaga, may sabunot.”

To the highest level ang aktingang ipinakita rito nina Gov. Vi at Angel. Nakipagsabayan daw ang dalaga sa acting performance ng Star Of All Season.”Sobrang kaba talaga, hindi ko masasabing tagisan ng acting. Wala namang nakikipagkompitensiya sa amin. Blessed kami dahil ‘yung actress (Ate Vi) namin nakikipagtulungan sa amin. Even ‘yung eksenang nakatalikod si Tita sa kamera, tuloy pa rin ang luha niya. Kaya’t hindi ko puwedeng sabihin na tagisan ng acting. Acting ni Tita Vilma, walang-wala talaga ako.

“Gusto ko lang magawa ng tama para hindi ako mapagalitan ni Direk Joyce. Magawa ko ‘yung instruction at maitawid ko ng maayos ‘yung scene. ‘Yun lang talaga ang concern ko, ang priority ko ‘yung ikagaganda ng pelikula. Ayaw kong ako pa ‘yung hahatak paibaba kasi sayang ang lalaking artista ang kasama ko at malaking project. ‘Yun lang ang gusto kong isipin,” sambit pa ng dalaga.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

About Eddie Littlefield

Check Also

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Nadia Montenegro  Sophia Baron Geisler Mikee Quintos

Sophia sa pagpapalit ng apelyido — I’m very proud sa kung anong mayroon ako ngayon

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng mag-inang Nadia Montenegro at Sophia sa Lutong Bahay hosted by Mikee Quintos, napag-usapan ang  …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *