Sponsors ng political ads ng politicians ilantad
Jerry Yap
February 2, 2016
Opinion
TUWING may nababasa, naririnig o napapanood tayong political advertisements (TV/RADIO) ng mga politikong tumatakbo para sa May 9, 2016 elections, ang nababasa nating nakasulat sa ibaba ay “paid ad” o kaya naman “paid for by friends of – – – – – “
‘Yun yata ang isa sa mga rekesitos ng Commission on Elections (Comelec).
Ang ipinagtataka lang natin, bakit hindi inilalabas o hindi sinasabi kung sino ang sponsor ng mga nasabing paid ads?!
Gaya na lang ng napakadalas na ads ng politikong si “ALAM KO PO ‘YUN!”
Sino ang donor o sponsors ng kanyang political ads?!
Hindi ba dapat ay malaman rin ng publiko kung sino-sino ang kanilang ‘mababait’ na donor o sponsors?!
Kanino ba galing ‘yan?
Kay Madam Arlene o sa walang kupas na illegal terminal queen sa Lawton?!
Sabi nga ni Katotong Percy ‘e, ‘yung illegal terminal queen na iika-ika na pero burikak pa rin.
Kasi ang unang tanong natin diyan, kanino at paano babawiin ni Mr. Alam Ko Po ‘Yun, ‘yang mga gastos sa milyon-milyon political ads kung wala siyang donor o sponsor?!
At kung mayroon naman siyang donor at sponsor, ano ang KAPALIT NA PROBETSO na hihingiin nila kung saka-sakaling ma-ging mambabatas si Alam Ko Po ‘Yun?!
Aba, ‘e baka sa buong Pinas na magtayo ng illegal terminal ang sabi nga ni Katotong Percy ay reynang iika-ika na pero burikak pa rin?!
Sana lang ay maging requirement ng Comelec na isama sa lumalabas na political ads kung sino ang kanilang donor o sponsor.
‘Di ba, Comelec Chairman Andres Bautista?!
Cash gift ni Erap sa senior citizens, ‘kinupit’ ng DSWD-Moriones!?
DESMAYADO ang Senior Citizens na tumanggap ng cash gifts sa tanggapan ng DSWD–Moriones nang kupitan umano ang perang laman ng sobre nitong nakaraang linggo sa Tondo, Maynila.
Lahat kasi ng senior citizens sa Maynila na may kaarawan ng December hanggang Enero ng taon kasalukuyan ang binibigyan ng halagang P500 ng Alkalde ng Maynila bilang cash gifts.
Kaya noong Biyernes (29 Jan 2016) ng uma-ga ay nagtungo ang mga senior citizen sa tanggapan ng DSWD-Moriones Tondo, Maynila para tanggapin ang nasabing cash gift mula kay Mayor Erap.
Pero laking desmaya ng mga senior citizen nang pagdating nila sa kanilang tahanan at buksan ang laman ng nasabing sobre ay P300 lang ang laman ng sobre.
Anyare!?
Saan napunta ang P200 (dalawang daan piso)!?
May barbero ba riyan sa DSWD-Moriones at mukhang nagupit ang 200 piso!?
Maliwanag na may tauhan sa DSWD-Moriones ang kumupit sa halagang P200 gayong kaharap pa sila nang sinabi ng Alkalde na sila’y tatanggap ng halagang P500 bilang pa-birthday cash gift n’ya sa Maynila!
Yorme Erap, mukhang may tumatarantado sa inyo riyan sa DSWD-Moriones!
Bigyan nga n’yo ng ‘jab’ sa sikmura ang lokong ‘yan!
Congrats Acting SoJ Emmanuel Caparas!
MATAPOS ang panandaliang pamamalagi sa Department of Justice, tuluyan nang ni-lisan ni Secretary Alfred Benjamin Caguioa ang nasabing departamento upang lumipat sa Supreme Court bilang bagong talagang Associate Justice ni Pnoy.
Sa kanyang paglipat sa kanyang bagong posisyon, sabay din itinalaga bilang kanyang kapalit si dating Usec and now Acting DOJ Secretary Emmanuel L. Caparas na personal na ini-endoso ni Caguioa para pumalit sa kanya.
Si Sec. Emmanuel L. Caparas ay nagtapos ng AB Economics at Bachelor of Laws (LLB) sa University of the Philippines Diliman noong 1985.
Nag-umpisa siya bilang research attorney noong 1986 sa Philippine Constitutional Commission at nag-private practice rin sa Sycip, Salazar Hernandez & Gatmaitan Law Office.
Matapos maging Head ng Management Information Systems sa Supreme Court si SOJ Caparas, siya ay na-appoint din bilang Chief ng Regulatory Office ng MWSS bago isinama sa DOJ ni former SOJ Caguioa.
Kilalang malapit ang loob sa kanyang mga empleyado, expected na magiging maganda ang takbo ng DOJ pati na ng mga nasasakupang mga ahensiya gaya ng NBI, BI at BuCor.
Konting tiis na lang
Ka Jerry, hndi lng mataas na buwis problema sa Maynila. Lahat na lang kaila-ngan ng permit. Grabe rin red tape sa city hall. Kaya inilipat ko na negosyo ko sa Pasay. Kapag nakabalik na lang si Mayor Lim saka ako babalik sa Maynila. +63915829 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com