Dear Señor H,
S drim q, may kumagat dw s akin, langgam dw po, tas ay nagising n aq, un na po, d q kse msyado matndaan dtalye, pls pki ntrpret… wag u n lng po popost cp # q – Joe ng Makati
To Joe,
Kapag nanaginip na may kumakagat sa iyo, maaaring ito ay nagpapahiwatig ng isang babala sa isang tao na gusto kang saktan. Maaaring ito ay sa pamamaraang pisikal o pinansiyal. Mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo. Posibleng may kaugnayan din ito sa vulnerability mo sa ilang mga isyu o emosyon na hindi pa natutuldukan. Maaari kang pestehin ng isang suliranin o ng isang balakid. Maaari rin na ito ay isang metaphor na nagsasabing you have bitten off more than you can chew. Kaya posibleng paalala rin ito na dapat maghinay-hinay sa mga bagay na hindi mo kayang gawin o hindi dapat na madaliin.
Ang langgam naman sa panaginip ay nagpapahiwatig ng iyong kawalan ng kasiyahan sa iyong pang-araw-araw na buhay. Pakiwari mo ay napapabayaan ka at walang halaga, kaya kahit mga maliliit na bagay ay ikinaiirita mo. Maaari rin naman na ang ganitong panaginip ay isang metaphor sa pakiramdam na antsy or restless. Ang mga langgam ay sumisimbolo rin sa hardwork, diligence, cooperation, at industry. Sa mga negosyante, mas dapat asahan ang magandang pasok ng pera o negosyo, kapag nanaginip ng ganito. Posible rin na ang ganitong panaginip ay may kaugnayan sa social conformity and mass action. Sa ganitong punto, maaaring maramdaman mo na ang iyong buhay ay masyadong structured and orderly.
Señor H.