Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Joyce, puring-puri si Xian

012616 xian lim joyce bernal
THANKFUL si Xian Lim na makatrabaho sina Governor Vilma Santos at Angel Locsin sa Something About Her na idinirehe ni Bb. Joyce Bernal under Star Cinema.

“We prepared a lot, naibigay naman niya, happy naman ako. Si Xian, nagtrabaho rin ng sobra. Months before pa kami magtrabaho, mayroon na kaming character analysis. Kahit wala ako, mayroon siyang character development. Hopefully, makikita sa pelikula trinabaho ni Xian ‘yung character niya,” pagbibida ng blockbuster director.

Pinag-aralang mabuti ni Xian ang character na ginagampanan niya bilang Albert, anak ni Vivian (Vilma). Patutunayan ni Xian na puwede rin siyang maging magaling na actor. ”Medyo hihiwalay ka talaga sa ‘yong comfort zone. Very thankful and proud dito sa project na ’to. Hanggang ngayon sasabihin ko, ang pakiramdam ko para akong nasa langit. Nabigyan ako ng pagkakataon, hindi lahat nabibigyan ng ganitong chance na makatrabaho sina Vilma Santos at Angel locsin. I’m really proud to be given this opportunity, salamat talaga ako,”say niya.

Pagdating ni Xian sa set, always ready ang binata. Inaral na niya ang  mga dialogue. ”Even before akong nag-shooting, I really make it sure na alam ko ‘yung character ko at alam ko kung ano ang gagawin ko sa set. Hindi ‘yung at saka pa lang ako magbabasa. Dapat months before the shooting pinag-aralan ko na kung ano ang dapat kong gawin. Malaki ang pasasalamat ko sa proseso ni Direk Joyce.”

Inamin din ni Xian na medyo may takot at kaba factor siya kay Direk Joyce dahil kakaiba itong mag-motivate ng mga artista. Bawal sa set na bumati man lang sa mga co-star na sina Ate Vi at Angel. Wala raw pakialam ang director kung magalit kay Xian ang mga ito.

“’Yung unang eksena ko na galing ako sa States (with Ate Vi at Angel), isa pong priceless scene. Pagkatapos naman ng day one scene puwede na kaming mag-usap. Nagpa-picture na ako sa kanila. Nakatutuwa ‘yung experience dahil marami akong natutuhan sa kanila sa pagiging professional, sa pakikitungo sa lahat ng tao,” pahayag ng actor.

After this film Something About Her, balik rom-com na naman siya with his loveteam Kim Chiu.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …