Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, starstruck pa rin kay Ate Vi

011816 angel vilma
Hindi naman nawawala ang respeto at paghanga ni Angel Locsin kay Ms. Vilma Santos. Ngayon pang nagkasama sila sa pelikula. Puro papuri ang madalas sabihin ng actress sa kanyang future mother-in-law. First time silang nagkasama sa isang pelikula.

Super close na kaya sila dahil boyfriend niya si Luis Manzano?

“Hindi ko masabing close na kami pero ang bait ni Tita (Vilma), sobrang ang bait niya kahit offcam, kahit kami-kami lang ang magkakasama ganoon pa rin ‘yung kabaitang ipinakikita niya sa lahat ng tao,” sabi ni Gel (tawag ni Ate Vi kay Angel).

“Palagi ko ngang sinasabi kay Direk Joyce, okay pa ba? Sobrang startruck ko nga, tapos nakahilera pa ‘yung pangalan (poster & billboard) mo siyempre, napakalaking bagay ‘yun tapos nakaka-eksena mo pa. Buti na lang nagkaroon ako ng director na nakatutok talaga sa bawat eksena namin ni Tita (Vilma).

“Hindi nahihiya si Direk Joyce na pagsabihan ako, ‘Angel ayaw ko ‘yan, ayaw ko ng magandang iyak, gusto ko mas jologs pa, gusto ko mas natural. Huwag mo akong artehan, huwag mo akong bigyan ng acting na acting, hindi ito drama.’

“Ang hirap kasi makakawala sa nakaugalian kong technique, so nagpapasalamat ako kay Direk Joyce. Hindi ko masasabing porte ko na ito, gusto ko naman magbukas ng ibang atake sa acting dahil ‘yun kay Direk Joyce.

“’Yung ipakikita ko sa pelikulang ito, hindi ko magagawa kung walang gabay si Direk Joyce,” mahabang litanya ni Angel.

( EDDIE LITTLEFIELD )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …