Friday , November 15 2024

16 na taon na ang EDSA 2 at pagpatalsik kay Erap

00 Kalampag percyLABING-ANIM na taon na pala mula nang mapatalsik ng taong bayan sa kanyang puwesto si Joseph “Erap” Estrada bilang ika-13 Pangulo ng bansa.

Si Erap ang kauna-unahang Pangulo sa kasaysayan ng Filipinas na isinalang sa impeachment, ikinulong at nahatulang mabilanggo nang habambuhay matapos mapatunayang guilty sa kasong plunder o pandarambong sa salapi ng bayan.

Hindi matatakpan ito ni Erap kailanman at kahit pa gumasta siya ng bilyong piso para pabanguhin ang kanyang imahe ay hindi na mabubura sa kasaysayan na napatalsik siya bilang pangulo at sentensiyadong mandarambong.

Ang nakalulungkot lang, ang mga opisyal ng pamahalaan at ilang personalidad na panguna-hing nagsulong ng EDSA 2 na nagpabagsak kay Erap ay tila nagkaroon ng amnesia.

Una na si Gloria Macapagal-Arroyo na nagkaloob sa kanya ng pardon at ang ilang da-ting mahistrado ng Sandiganbayan na nag-convict kay Erap noong 2007 na ngayo’y associate justice na ng Korte Suprema na nagpasya na siya’y qualified candidate.

Nariyan din ang maka-kaliwang grupo na sumali sa EDSA 2 pero nakikipagkiskisang siko na ngayon kay Erap kapalit ng pag-endorso sa kandidatura ng isang party-list representative na nangangarap na maging senador.

Isa pa si administration presidential bet Mar Roxas na trade secretary noong Estrada administration pero nagbitiw sa kasasgsagan ng EDSA 2 at ngayo’y ini-endorso ni Erap ang kanyang kandidatura.

Tsk, tsk, tsk, kung ganyang klaseng ‘tuwid na daan’ ang gustong pairalin ni Mar kapag naluklok siya sa palasyo… AYAWAN NA!

Bakit kaya hindi i-require ng Comelec ang presidential bets na sumailalim sa drug test at neuro exam para malaman ng madla kung nasa matinong pag-iisip pa ang mga naglalaway na maging pangulo ng bansa?!

P5.4-B AFP funds sinandok ni Erap, ginamit sa genocide kontra muslims sa Mindanao

IBINULGAR ni dating DILG Secretary Rafael Alunan na ‘sinandok’ ni Erap ang P5.5 bilyong AFP modernization budget noong president pa siya.

Ginamit aniya ang pondo para sa paglulunsad ng all-out war laban sa MILF.

Walang kibo ang Budget Secretary noon ni Erap na si Benjamin Diokno sa paggamit ng pondo ng bayan ng uhaw sa dugong Pangulong Erap niya para pagpapatayin ang kanyang mga kapatid na Muslim.

Kung mag-ingay si Diokno laban sa administrasyong PNoy, akala mo ay malinis pa sa Santo Papa pero ‘yun pala’y may itinatagong maitim na lihim.

Paano kaya nakatutulog nang mahimbing sina Erap at Diokno sa pangitain na responsable sila sa mass murder, genocide o crime against humanity ang all-out war laban sa MILF?

Mas hahanga tayo kay Alunan kung mananawagan siyang imbestigahan ang kanyang ibinulgar na todong kawalanghiyaan ni Erap.

PNB bldg, sinunog para may dahilang ipagiba at maibenta

NASUNOG ang PNB Bldg sa Escolta, Maynila noong nakaraang taon, ngayon nama’y ginigiba na.

Umalma si architect Dominic Galicia, president ng International Council on Monuments and Sites (Icomos), isang advisory body ng United Nations Educational, Scientific, Cultural Organization (Unesco).

Aniya ang PNB Bldg ay idinesenyo pa ni architect Carlos Arguelles noong 1965 at bahagi ng “important cultural property” sa ilalim ng National Heritage Law of 2009.

Si Arguelles ang nagdisenyo rin ng Phil-am Life Building sa UN Ave., Manila, Development Bank building sa Makati, Manila Hilton (ngayo’y Manila Pavilion Hotel), at Holiday Inn (ngayo’y Hotel Jen).

Ibig sabihin ni Galicia, dapat i-preserve ang PNB Bldg., sa halip na gibain dahil ito’y materiales fuertes at kahit sinunog, este, nasunog na ay hindi naapektohan ang katatagan ng gusali.

Marami ang nagdududa na sinadyang sunugin ang PNB Bldg., para maibenta sa mas mababang halaga ang lupain at mas malaki ang magiging kickback ng nagkasa ng kontrata.

Walang patumangga kung “gahasain” ni Erap ang mga ari-arian ng Maynila kaya ganoon na lamang ang pagsusumikap niyang mangalap ng pondo para ipambili ng boto.

Pero tinitiyak ng mga Manileño na hindi na makakadalawang termino si Erap at tutuldukan na ang kanyang mga kalokohan sa Mayo 9, 2016.

Mabuti na lang, hindi niya ito nagawa sa pinagnanasaang Metropolitan Theater na binayaran ng Malacañang sa GSIS kaya naisalin ang pagmamay-ari sa National Historical Commission.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *