Gud afternoon po Señor,
Nanaginip po ako ng maraming daga. Malaking daga po. Ano po ibig sbhn po no’n. Salamat po.
(09223246304)
To 09223246304,
Kapag nanaginip ng hinggil sa daga, ito ay may kaugnayan sa feelings of doubts, greed, guilt, unworthiness, at envy. Pilit mong itinatago ang isang bagay na labis na nagpapahirap sa iyo o kaya naman, may nagawa kang bagay na hindi mo ikinararangal. Alternatively, ang panaginip ukol sa daga ay may kaugnayan din sa repulsion, decay, dirtiness, and even death. Ang panaginip mo ay nagsa-suggest din ng iyong kawalan ng kakayahang harapin ang ilang unconscious issues or feelings. Kailangang mas malaman mo at kilalanin ang mga bagay na nararamdaman mo. Maaari rin namang kabilang sa mensahe ng panaginip mo ang paghahanap mo ng mga bagay na makapagpapaligaya sa iyo ng lubusan.
Mas makabubuting iwaksi sa iyong isipan at sa iyong sistema sa pangkalahatan, ang mga bagay na negatibo at gawin itong positibo.
Señor H.