Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bradley posibleng makalaban ni Pacman


NANATILING  tahimik ang kampo ni Manny Pacquiao kung sino na nga ba ang magiging kalaban nito sa kanyang magiging farewell fight sa Abril 9 sa MGM Arena  sa Las Vegas.

Ang nasa short list ni Pacman ay sina WBO welterweight champion Timothy Bradley at WBO jr. welterweight champion Terence Crawford.  Pero nitong nakaraang araw ay nadagdag sa listahan si Adrien Broner sa pinagpipilian.

Bagama’t tahimik ang kampo ni Pacman kung sino na nga ba ang pipiliin nito, maugong na alingasngas na si Bradley ang magiging mapalad, na ngayon ay tinitrain ni Teddy Atlas.

Maging si Robert Garcia ay naniniwalang si Bradley ang pipiliin ni Pacquiao para sa ikatlo nilang paghaharap.

Matatandaan na sa unang paghaharap ng dalawa ay nanalo si Bradley sa pamamagitan ng kontrobersiyal na 12th round split decision.   Pero bumawi sa rematch si Pacman na nagrehistro naman ng unanimous decision noong 2014.

Sa pananaw ni Garcia, medyo nararamdaman na ni Pacquiao ang kanyang edad (37-anyos), samantalang si Bradley ay tipong ngayon pa lang sumisibol lalo na nang patulugin nito si Brandon Rios noong nakaraang buwan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …