Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Sanggol, bus at upuan (2)

00 PanaginipSubalit kung ang isang maituturing na ordinaryong panaginip ay nagkatotoo, hindi ba’t magkikibit balikat lang tayo o maaaring mapapangiti at hindi natin ituturing na big deal ito o isang bagay na mahirap paniwalaan at bigyan ng kahulugan? In short, ang panaginip ay maaaring magkatotoo o hindi, pero dapat tandaan na nasa sariling kamay at mga desisyon natin ang ating kapalaran at base ito sa ating pagsisikap at pananalig sa ating sarili at sa Diyos.

Ang baby sa panaginip ay may kaugnayan sa innocence, warmth, at new beginnings. Ang sanggol ay sumisimbolo sa iyong sariling inner nature na pure, vulnerable, helpless and/or uncorrupted. Kaya maaari rin na ang panaginip na ganito ay isang babala sa posibleng kapahamakan mula sa taong gusto kang masaktan, maaaring sa paraang physical o financial. Kaya dapat na mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na ang mga hindi pa lubos na kilala talaga. Ito ay maaari ring may kinalaman sa pagkilala sa iyong hidden potential. Posible rin na ang iyong bungang tulog ay nagpapa-alala na dapat mong pangalagaan ang child within yourself.

Kapag nanaginip ng bus, nagsasaad ito na ikaw ay nakiki-ayon sa grupo o nakikibagay base sa kagustuhan ng ibang tao. Nawawalan ka ng originality at kontrol kung saan patungo ang iyong buhay. Kapag nanaginip na ikaw ay nakaranas ng aksidente sa bus, ito ay isang paalala na dapat ka nang umalis sa group setting at ilagay mo sa iyong mga kamay ang iyong kapalaran. Kailangan kang maging independent.

Ang upuan o chair naman ay sumisimbolo sa iyong pangangailangang maupo at pag-isipan o magmuni-muni sa isang sitwasyon bago magpatuloy sa gagawing aksiyon. Maaaring nagsasabi rin ito na kailangan mong mag-relax. Alteratively, ito’y maaaring nagsasaad din na ang iyong damdamin o idea ay binabelewala o hindi pinahahalagahan ng ibang tao.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …

Salibanda sa Pakil 2026 Sto Niño

Salibanda sa Pakil 2026

SA BISPERAS ng Kapistahan ng Santo Niño, muling ipinagdiwang sa bayan ng Pakil ang Salibanda …